Chapter 8

59 2 2
                                    

Megan's PoV

"Keith, anong oras na oh? Di parin tumitigil ang ulan. Pano na ako nyan?" Kanina pa kasi kami natapos ng mga lessons namin tapos sakto namang umulan ng malakas. As in, malakas talaga. Di pa naman ako nakapag paalam kina mama na pupunta ako dito.

Tiningnan ko sya at aba, sumisipol sipol pa at parang masayang masaya pa.

"Hoy! Sabi ko, anong oras na oh? Di parin tumitigil ang ulan. Mapapagalitan na ako nito. Tapos ikaw ang ganda ng higa mo dyan? Wala ka man lang ginagawa?"

"Ok lang yan."

"Okay sayo sakin hindi. Kasi naman ikaw, nandito ka na sa bahay mo! Eh ako?"

"Dito ka nalang matulog."

"Naman Keith eh! Seryoso kasi ako!"

"Ako din naman ah!"

"Bahala ka nga dyan! Uuwi na ako!" Sabi ko saka tumayo na sa couch. Nga pala, nandito kami sa sala ng mansion nila. Naiilang kasi ako dun pag sa kwarto nya eh. Diba parang ang panget namang tingnan? Babae saka lalake sa iisang kwarto? Although wala naman kaming gagawin kung ano, pero kahit na no!

"Cellphone mo. Akin na." -Keith. Humarang sya saakin.

"Ano? Naisip mo pang maglaro? Wala na akong mga application dito sa cellphone ko! Dinilete ko na! Ikaw kasi palaging nakaklowbat nito eh! Tumabi ka na nga dyan. Aalis na ako." Totoo naman talaga eh! Sya yung palaging nakakalowbat ng cellphone ko. Ultimo mga selfie nya, marami dito! Akala mo sakanya tong cellphone ko.

"Di naman yun eh. Dali na. Mabilis lang 'to. Di ko lolowbatin. Pramis." Binigay ko nalang sakanya ang cellphone ko

Mulhang may dinidial sya.

"Hellow Ma!" Ma? Si Tita Sandra ba yun? Pero hindi nya naman tinatawag na mama si Tita Sandra ah. So si mama ata yan?

"Ay si Keith po ito... Opo.. Yung sobrang hot at gwapong boyfriend na mapapangasawa ng anak nyo." Kinilig naman daw ako dun Nag init pa daw anh pisngi ko nun. "Ay opo ma... kasama ko po si Megan Babes... Nandito po kami sa mansion namin... Oo nga po, ang lakas nga po ng ulan... Ay opo! Aalagaan ko po si Megan Babes! Mahal ko yun eh." Mas nag init pa.daw ang pisngi ko.

"Ma... Pwedeng dito na muna po si Megan Babes? Kasi po diba, ang lakas ng ulan... Opo! Sige po. Baba ko na po to ah. Bye ma." Galang nya ah!

Bago nya binigay saakin ang cellphone ko ay nag selfie muna ng mga limang shots. Partida! Walang filter, pero gwapo pa din!

"PFFFT! HAHAHAHAHAHA!" Tumawa sya ng sobrang lakas. Nag eecho pa nga yung boses nya sa buong bahay.

"Problema mo?"

"Kasi---Hahaha! Hahaha! Anong--Hahaha--Nangyari sa mukha --hahaha! mo?!"

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Pagtingin ko-- sobrang pula na ng mukha koza Tinakpan ko agad ito.

"Ba't mo naman tinakpan? Ang cute mo nga eh. Tsaka nakita ko na yan kanina."

"Che! Bwisit ka, Uuwi na talaga ako. Bahala ka dyan!" Sabi ko habang nakatakip parin ang isa kong kamay at nakatakip sa mukha ko. Habang ang isa naman ay kinukuha ang shoulder bag ko at akmang aalis na pero hinahawakan ako ni Keith sa waist papunta sakanya. Ang lapit lapit na ng mukha namin, siguro mga 2 inches nalang. Ramdam na ramdam ko ang hininga at ang pabango nya.

Maya maya ay naramdaman kong biglang uminit ang pakiramdam ko. Yakap yakap na ako ni Keith. Isang mainit na yakap.

"Ayan, ok na ba yan? Ayaw mong ipakita yang mukha mo sakin diba? Ge, ganito nalang tayo hanggang mawala na yang pula na mukha mo. Imbis na takpan mo yang mukha mo, yayakapin nalang kita. Mas maganda pag ganito diba, hindi ko din makikita." Mas hinigpitan nya ang yakap nya saakin. Imbis na mawala ang pula ng mukha ko, mas lalo pa siguro itong namula

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon