Chapter 20

7 1 0
                                    

Third Person's PoV

"Keith, may kailangan tayong pag usapan," Seryososng sabi ni Megan.

Medyo kinakabahan na si Keith.

"Ha? Tungkol saan ba?"

"Sa labas tayo."

Pumunta sila sa labas kung saan sigurado silang walang makakakita at makakarinig sakanila.

"Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo." sabi ni Megan.

"Ang alin ba? Megan ah, kinakabahan na ako sayo."

HIndi alam ni Megan kung saan sya mag sisimula.

"Yung.. yung lalake kanina, yung gustong makipag usap saakin. Si Brent, sya yung... yung ex ko."

Hindi mawari ni Megan kung anong nararamdaman ni Keith dahil diretso lang itong nakatingin sa mata ni Megan.

"Ex, ibig sabihin nakaraan. Past. Sorry talaga kung hindi ko agad nasabi sayo ang tungkol sakanya--samin kasi baka magalit ka, tulad nga ngayon. Sorry kung nag sinungaling ako. Hindi ko naman gustong itago 'to sa'yo eh. Yung kanina, sabi nya kakausapin nya daw ako tungkol samin. Sasabihin ko na sa'yo, ngayon palang na ikaw yung mahal ko ngayon. Hindi na sya."

"Hindi ako galit," simpleng sabi ni Keith kay Megan. Nagulat si Megan sa sinabi nito. "Bakit naman ako magagalit?" Humakbang papalapit si Keith kay Megan at hinawakan ang dalawang kamay nito, "Wala naman akong karapatang magalit eh. Kahit sabihin mo pang mahal mo pa yung gagong Brent na yun, pipilitin kong hindi magalit. O kahit pa man hindi mo sabihin sakin yung tungkol dito, hindi din-- ay mali, pipilitin kong hindi magalit. Iintindihin kita. Kasi yan yung gusto mo eh, yan yung makakapag pasaya sayo. Wala akong magagawa. Bakit, kung magagalit ba ako, may mag babago ba? Masasayang lang ang ugat ko, baka mag silabasan pa nang dahil sa galit. Mag papasalamat nalang ako kasi ako yung pinili mo. Yung damdamin ko ang inisip mo, ang inintidi mo. Kaya Megan, maraming maraming salamat. Mahal kita." Hinalikan nya ang dalaga sa ulo nito at niyakap. Niyakap naman sya nito pabalik. 

"Ang drama mo, nakakainis ka!" Megan

"Eh sino bang nag simula?" naging seryoso ulit ang mukha ni Keith. "Basta, lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Nandito lang at mamahalin ka."

"Salamat at binigyan ako ni Lord ng understanding na boyfriend."

"Welcome ka daw palagi,"

"Baliw."

Hindi nila alam na lahat ng sinabi at nangyari ay narinig at nakita ni Brent. Wala na pala siguro talaga akong pag asa. Mahal na mahal na nga siguro ni Megan si Keith. Mas sobra pa sa pagmamahal nya saakin noon. Wika nya sa kanyang sarli.

****

"Tara, sayaw tayo Megan." Inalok ni Keith si Megan

"Mamaya nalang," sabi ni Megan.

"Ano? Mamaya 'pag wala nang mga tao? Tsk ayan nanaman eh.. nahihiya ka nanaman eh. Nakakhiya ba akong kasama?"

"Hindi naman--"

"Oh, hindi naman pala eh. Tara na!" Hinila sya bigla ni Keith sa wrist papunta sa gitna. "Lumayas kayo dyan! Sasayaw kami!" sigaw ni Keith sa mga couple na nag sasayaw din. Napa facepalm nalang si Megan sa ginawa ni Keith.

Biglang nag switch ang kanta sa Thinking Out Loud.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon