Chapter 5.

56 2 0
                                    

"Ma, una na po ako ah." I kissed her on her right cheek which what I actually do everyday.

"Ingat anak." Sabi ni mama.

Nakarating na ako sa school ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Si Keith, nag text.

From: Keith-my-love-so-sweet

Sn kna? Txtbck.

Don't get me wrong ah. Sya ang nag save ng pangalan nya sa phone ko. Pero, ang sungit nya ngayon. Ang tipid ng text. Usually kasi ang mga text nya sakin tuwing umaga, "Good Morning Megan Babes. Puso puso. Lam mo, ang hot ko talaga pag bagong gising. Ikaw, gising ka na rin. I love yeh. :* Keleg ka naman?" Yung mga ganyan. Pero ibang iba ngayon eh. Once in a blue moon lang yan maging ganyan.

Mareplyan nga.

To: Keith-my-love-so-sweet

School.

At nag send na.

Ha! Patiripiran tayo ng text ngayon!

Nag vibrate ulit cellphone ko.

From: Keith-my-love-so-sweet

Ge.

Confirmed nga guys! Meron nga po sya ngayon!

Habang nag lalakad ako sa hallway ng school, saktong nakita ko si Keith na lukot ang pagmumukha. Sinampal ko sya sa kaliwang pisngi nya pero mahina lang para matauhan sya.

"Ay p*ta! Tang*na! Ano ba?!" Grabe! Ang lutong! Crispy pata?

"Hoy! Yang nguso mo ah! Tumigil tigil ka sa pag mumura mo! Ka aga aga eh! Baka gusto mong paduguin ko yang bunganga mo?!" Banta ko sakanya.

"Tss. Bigla bigla nalang kasing nanampal eh."

"Para matauhan ka. Oh anong drama mo dyan bakit lukot yang mukha mo?"

"Wala." Tipid nyang sabi.

"Sus, wala daw?! Nga pala, naka paglagay ka ba ng napkin ngayon?" Out of nowhere na tanong ko sakanya.

"Nyeta. Anong napkin pinagsasabi mo?"

"Kasi diba? Meron ka ngayon?" Bulong ko sakanya. Inaasar ko sya kunwari para walang makarinig kuno.

"Inaantay kita. Tara na nga. Hatid na kita sa klase mo." Sabi nya.

Nauna akong maglakad kesa sakanya. Ang bagal nya po maglakad ._.

Napapansin kong nagtatawanan ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Problema nila?

"P*ta." Mahinang mura ni Keith pero dinig ko pa din.

Narinig kong bumilis ang lakad ni Keith at bumulong saakin.

"Megan? Meron ka ngayon?"

"Ha? Wala ah. Next week pa." Guys! Ganda ng topic namin! Swear!

"Tangn* Megan. Tagos ka." Nang marinig ko yun, pakiramdam ko uminit ang buo kong mukha dahil para mamula ito.

Hindi ako mahilig mag mura pero sa sitwasyon ngayon, parang gusto ko nang isigaw lahat ng mga mura.

"KAYO! ANONG MGA TINATAWA TAWA NYO DYAN?! GUSTO NYO SIGURONG PAGSASAPAKIN KO YANG MGA MUKHA NYONG MGA PANGET?! WAG NA WAG KAYONG MAGTATANGKANG TUMINGIN SAKANYA! MGA ASDFGHJKL KAYO!" Again, isang malutong na mura nanaman.

Sinigawan ni Keith yung mga estudyanteng tumatawa kanina.

Pumunta na kami sa cr at pumasok na ako.

May kumakatok.

"Megan! Okay ka lang ba?! May masakit ba sa'yo?! Sabihin mo lang? Gusto mo bang bumili na ako ng napkin?!" Sigaw nya.

Past vs Present (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon