17-The Announcement

88 6 0
                                    


Inihinto ni Ethan sa tapat ng isang salon ang sasakyan niya. "Halika na," yaya niya sa akin.

Nagtaka man ay sumunod nalang ako. I watched him open the backseat of his car at kinuha ang  dalawang paper bag na naroon.

Kung anong ginagawa namin doon ay hindi ko alam, basta na lang akong dinala  mula sa restaurant. Bahagya na lang akong nakapagpaalam kay Wena dahil hindi na ako binitawan nito habang hawak ang kamay ko palabas patungong garahe ng building kung saan naroon ang sasakyan niya.

"Come," yaya nitong muli. Na hinawakan pa naman ang isang kamay ko papasok sa salon na iyon na para bang natatakot na baka tumakbo ako palayo.

Napailing na napasunod ako sa kanya.

"Ano bang ginagawa natin dito, Ethan?" naguguluhang tanong ko.

Hindi ito sumagot at nagkibit-balikat lang.

"Good morning po, Mr. Caballero." Bati sa kanya ng gwardiya na bahagya pang yumukod sa kanya nang pagbuksan kami.

Nakangiting tinanguan niya ito.

Napataas ang isang kilay ko. "Famous," tudyo ko sa kanya.

"Sinasamahan ko ang mommy dito," kibit-balikat na sabi nito.

"Hi, handsome," bati ng isang middle aged na babae na sumalubong sa amin. She's very pretty and sophisticated.

"Hi Betty, gawin mo ngang tao itong kasama ko," nakatawang turan nito nang iabot nito dito ang dala-dala na tinanggap naman kaagad.

"Ano?!" Shock na wika ko.

"Oh, but she's beautiful, no doubt about it. E-enhance lang natin at viola!" Sagot nito na binistahan ako mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo.

Naiilang ako na napatingin sa kapatid ko.

"Really beautiful, wala bang organizer ng Miss Philippines ang nanliligaw sayo para  gawin kang kinatawan ng syudad natin?

Naguguluhan parin akong umiiling ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?

"Your height, your face and your color, are all beautiful!"

"Nah, hindi niya alam Betty na maganda siya." Sansala ni Ethan na umupo na sa naroong couch at binuklat ang Philippine Daily Inquirer na kinuha nito mula shelf.

Napailing si Betty. "Okay then, halika na dito sa loob," sabi nito at hinila ako papasok sa loob ng isang kwarto.

"Ethan..."

He just shrugs his shoulders at iwinasiwas ang isang kamay na itinaboy ako.

Kung ilang oras niya akong inayusan doon. At nang matapos kami.

"Just wow!" Nakangangang wika ni Betty nang matapos niya akong ayusan at maisuot sa akin ang off white backless dress at stiletto na laman ng paper bag na dala ni Ethan. Kahit ako ay halos hindi makapaniwala sa itsura ko.

"Ako ba talaga ito?" Wala sa loob na naitanong ko.

"Of course, darling. Napakaganda mo talaga. Here." Let me put this to you, sabi nito na inilagay ang choker sa leeg ko at ang katernong earrings at bangle. Pinagtaasan pa ako ng kilay nito nang hindi ko tinanggal ang bracelet na suot ko.

Kinalaunan ay pinagbigyan na lang ako nang mahinuha nitong ayaw ko talagang tanggalin iyon sa kamay ko.

"Really beautiful! Hindi nasayang ang gastos ni Caballero sa suot mo dahil lahat bagay sayo. My Gosh, maluluma ang kahit na sinong beauty titlist sa itsura mo mamaya."

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon