6- He's Mad

188 14 6
                                    


"Car's at the Complex garage."

Nakasaad sa na-received kong message ng cellphone ko.  Nangunot ang noo ko. I'm sure it was Luc.

Halos hindi ko matandaan kung ibinigay ko ba kagabi ang susi ng pick-up sa kanya.

Pero imposible namang hindi, paano nito nadala ang sasakyan sa garahe ng Complex?

 At kung paano din nito nalaman ang cellphone number ko ay hindi ko rin alam.

Well, kay dali namang malaman ang lahat ng bagay ngayon.

The thought of what happened the other night made my body shivers.

I went to my office pagdating ng La Marsha.

Kasalukuyan kong pinagpagan ang table ko nang pumasok si Wena.

"Ang sabi ni Toto, naroon na daw sa garahe nitong Complex ang pick-up mo pagdating niya kanina?"

I nodded. Wena is like a second mother to me.

She has to know.

I sat down at ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari.

Wena shook her head," Ipinagkatiwala pa naman kita sa kanya," himutok nito.

Maya-maya ay bumukas ang pinto pagkatapos ng warning knock.

It was Hannah.

"Sheloh," agad itong yumakap sa akin. "I am really very sorry for what happened kagabi," she said sobbing.

"I'm sorry talaga," she said again nang bitawan ako.

"Okay na ako Hannah," sabi ko. I saw her sincerity.

 "At least walang nangyaring masama sa akin, thanks to Luc."

"Oo nga, balitang-balita ang ginawa niyang pag-save sayo nang bumalik kami doon."

So, umalis nga pala talaga ito kagabi doon kaya hindi ko makita-kita sa table namin, I thought. She really was so naughty.

"I am hoping na hindi na mauulit iyon, Hannah," pormal na sabi ni Wena.

Tumango si Hannah." Hindi na po talaga, tita," baling nito kay Wena. "Hindi ko po talaga mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama kay Sheloh."

"And that you learned your lesson well, Sheloh has so much in this life, huwag na nating dagdagan," Wena added.

Marahang tumango ito. "Babalik na ako ng Canada, mamayang tanghali ang flight ko."

"Diba, two weeks ka pa dito?" Nagtatakang tanong ko.

"I have to, tumawag ang office namin, they badly needed me there."

"Oh," niyakap ko si Hannah. I know kahit ganon ang lifestyle nito ay efficient ito pagdating sa trabaho.

And she's got a pretty good career in Canada.

Ilang oras ng nakaalis si Hannah ay hindi ko parin maialis sa isip ko ang nangyari kagabi.

Sumaglit ako sandali sa kitchen to check them up nang aksidenteng masabit ang pantalon ko sa nakausling peeler na nasa may ibabang tagiliran ko na hindi ko napansin.

Lalong napunit ang punit na pantalon ko. At lalong naging visible ang kaliwang bahagi ng hita ko.

"Ay ano ba ito, Toto?" Tanong ni Wena.

Napatingin ako sa hita ko. Wala namang sugat yun nga lang hindi ko na maisusuot ulit ang pantalon ko.

"I'm okay Wena," saway ko sa kanya para hindi na nito mapagalitan pa si Toto.

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon