8-Beautiful Me

145 9 1
                                    


"HI!" Bati sa akin ni Phillip isang araw. Napakislot ako. Ilang araw ko na bang hindi nakikita ang lalaking ito.

"Hello, Oh, ba't ilang araw na kitang hindi nakikita?" Tanong ko agad sa kanya.

"Oo nga, may problema kasi sa amin kaya napauwi ako bigla." I heard him silently exhaled.

"What's the matter?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Parang pasan mo ang mundo ngayon."

Matipid itong ngumiti, "wala."

"Hey, can I invite you, mamaya. Dinner outside."

'Why?" Napailing ako. "I mean bakit? Didn't I surrounded with foods?" Nakangiti kong tanong ulit.

Bahagya itong tumawa gusto kong mapailing bakit parang ni hindi man lang umabot sa mga mata nito ang galak.

"It's my birthday today and I want to spend it with you and Ian," tukoy nito sa pinsan niya.

"Oh, Happy birthday, Phil." Bati ko sa kanya.

Napaisip ako kung sasama ba ako o hindi. Matagal-tagal ko na rin naman itong kakilala.

"Please..." he pleaded. Gusto ko na namang matawa dahil pinalukot nito ang mukha na nagpapaawa.

Ethan just called up earlier na sinabing hindi ako masusundo mamaya dahil may kailangan itong puntahan sa Baguio.

"Please, he pleaded again." Sandali lang naman tayo.

Gosh, baka another story na naman ito na katulad ng sa Blanco's Haven, naisip ko.

Muli akong napatingin sa kanya. Why he really looks so sad.

Marahil kailangan kong pagbigyan ito kahit sandali lang.

"Alright." I said. Lumiwanag ang mukha nito nang pumayag ako.


ANG SABI ko ay magta-taxi na lang ako papuntang Circuits, isa iyong bar na pawang mga may kaya rin ang mga customer nila.

I know hindi kasing yaman ni Luc si Phillip pero alam kong hindi rin ito mahirap dahil may matataas na katungkulan ang mga magulang nito sa gobyerno sa lugar nila somewhere in Cavite.

He can surely afford a place like Circuits.

I saw Phillip sa isang sulok na table na kumaway sa akin. Marami-rami na ring ang mga taong naroon. It was my first time na pumasok sa lugar na iyon.

Pawang sexy ang mga waitress na nakasuot lang ng itim na mini-skirt at black bra lang pang-ibabaw.

Ang bar na nasa tagiliran ay halos puno na rin ang mga stools.

Kay gulo ng lugar. May nagsasayaw sa gitna na parang mga tipsy na rin.

Kailangan ko talagang makaalis sa lugar na ito, soonest, naisip ko. Hindi ako pupuwede dito at nahihilo ako.

Nang makalapit ako sa table ni Phillip ay napansin kong may ilang basyong bote na ng alak.

"Pasensiya na", he said when he caught me gazing at the bottles. He stood up and pulled the chair beside him.

Gusto kong magtaka kung bakit hindi sa katapat niya ako pinaupo. Ngunit naalala ko si Ian, baka nga naman kay Ian ang katapat na upuan.

He signed the waitress to come nang makaupo ako. Pinanood ko ang maindayog na paglakad nito papunta sa gawi namin.

"Hello handsome," maarteng sabi nito na ibinigay ang menu.

He ordered foods at dinagdagan pa niya ng ilang inumin. Ibinigay naman sa akin pagkatapos.

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon