21-Parting

81 5 0
                                    


"Hi everyone," bati ko sa kanila nang datnan ko sa kitchen. They are so busy. Lalo yatang naging busy ang restaurant namin simula ng malaman ng publiko ang relasyon namin ni Luc at ang pagpapakilala sa akin ng daddy.

Kakatwa, even vloggers visit us these days. We're even featured in many articles in food magazines.

"Good morning, Sheloh," bati ni Toto sa akin na nag-angat ng paningin at muli din namang ibinalik ang atensyon sa mga hinihiwa.

"Hello po ma'am," sabi ng  iba pang naroon.

Bahagyang binistahan ni Wena ang hitsura ko. "You look refresh," sabi nito pagkatapos, nakatulong ang ilang araw na pahinga mo.

"Yeah," matipid kong tugon. Nakapagpahinga nga ba ako sa loob ng mga araw na iyon, I asked myself. I grinned silently.

"Check mo na lang sa cashiers ang mga transactions natin sa tatlong araw na wala ka."

"Got it Wena, thanks,"sabi ko at umalis na doon.

Past ten nang kumatok si Josh.

"Ma'am may bisita po kayo,"  wika nito na iniawang pang lalo ang pintuan ng opisina ko. Napasunod naman ang paningin ko sa may likuran niya.

Tumayo ako when dad came kasama si tita Aurora. Lumapit ako sa kanila.

"Hello po," I kissed dad's cheek at niyakap si tita Aurora nang ibuka nito ang dalawang kamay para yakapin ako.

"So this is La Marsha," wika ng daddy  at inilibot ang paningin sa loob.

Tumango ako. My dad is taller too and look younger than his age. A good looking one na marahil ay napakagwapo  nito noong kabataan nito kaya naman marahil ay minahal ng mama at ng tita Aurora.

Bahagya kong ipinilig ang aking ulo nang may bumangon na namang alaala sa akin. Kung anuman ang mga nangyayari ngayon ay alam kong ikinatuwa ito ng mama. And tita Aurora seem so nice to me.

Iginiya ko sila palabas na sumunod naman sila.

"Very cozy, " buong paghangang sabi ni tita Aurora. "I can hear from my friends na masarap daw ang mga pagkain dito at hindi pa mahal."

"Salamat po."

I clapped my hand para mabaling sa amin ang atensyon ng buong staff ng restaurant." Guys, I want you to meet my dad and tita Aurora, Ethan's mother." Wika ko sa mga staffs kong naroon na sandaling tumigil sa kani-kanilang mga gawain at tumingin sa amin.

"Good morning po Gob," bati ng mga ito na bahagya pang iniyuko ang mga ulo.

"Wait, Josh, kindly call Wena," utos ko kay Josh nang hindi ko nakita si Wena.

And Wena came in her uniform from the kitchen na may dala pang mixing bowl. Nang mapansin nito iyon ay ibinigay kay Josh.

"Oh there she is," baling ko sa kanila nang mahawakan ang isang kamay ni Wena na hinila ko palapit sa akin.

"Dad, please to meet Wena, a dear friend to me and to mama, she's the chef here since time immemorial pa yata," pakilala ko kay Wena.

"Good morning po Governor," alanganing bati ni Wena dito.

My father extended his hand to Wena na tinanggap naman nito.

"Wena, she's tita Aurora, Ethan's mother," pakilala ko naman kay tita Aurora.

"Hello po, madam."

"Naku, huwag mo naman akong tawaging ganyan, I think hindi naman nagkakalayo ang edad natin at talagang hindi ako sanay sa mga ganyan eh," nakangiting turan nito.

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon