23-Holding on

81 4 0
                                    


I grabbed my phone when I heard it buzzed. It was Ethan.

Dad's needs you.  Please hindi kita masundo ngayon. Pwede ka bang pumunta dito  sa bahay  ngayon? Ayon sa message nito.

Natigilan ako. Ano ang kailangan ng kapatid ko at ngayon lang naman ako pinapapunta nito sa bahay nila.

"What is it?" Tanong ni Wena nang abutan akong nakatulala at naguguluhan habang hawak parin ang cellphone.

"Ethan, texted. Pinapapunta ako sa bahay nila. Should- should I go, Wena?" I asked her.

Nakadalawang balik na ako sa bahay nila, Una yung birthday ng daddy na ipinakilala ako sa publiko bilang anak niya. Pangalawa ay iyong sunduin ako ni Ethan para doon maghapunan. At ito yung pangatlo.

Wena sighs,"I think you have to. Hindi ka naman siguro papupuntahin doon nang walang dahilan. Sige na umalis ka na at ako na muna ang bahala rito," taboy nito.

Sukat sa sinabi nito ay dali-dali kong hinagilap ang bag ko at ang susi ng pick-up at nagmamadaling tinungo ang sasakyan ko sa garahe.

Agad akong pinagbuksan ng gwardiya nang makita ang mukha ko nang ibaba ko ang bintana ng sasakyan sa banda ko.

"Tuloy po kayo, ma'am." Sabi nito na bahagya pang yumukod sa akin.

"Salamat po, manong," nakangiting sabi ko sa kanya. Mababait ang mga tauhan ng daddy, naisip ko. Kung tratuhin nila ako ay para bang kay tagal na akong kakilala ng mga ito.

"Si Ethan? " agad na tanong ko sa katulong na nagbukas ng pintuan ng mag doorbell ako.

"Magandang umaga po Miss Sheloh," bati nito, "nasa library po si sir Ethan at naghihintay  naman po si ma'am Aurora sa inyo sa salas." Imporma nito.

"Okay," sagot ko sa kanya.

"H-hello po, tita." Bati ko sa kanya na nakaupo sa isang upuan na parang may malalim na iniisip. Tumayo ito nang makita ako.

"Sheloh," malumanay na sambit ng mama ni Ethan sa akin. She hugged me tightly. I can feel how weary she was. At kung bakit kinakabahan ako ng mga oras na iyon ay hindi ko alam.

"P-pinapunta po ako ni Ethan dito," sabi ko sa kanya.

Tumango ito. "May inasikaso lang sandali si Ethan. Halika," anito na hinawakan ang kamay ko at iginiya paakyat.

Then he guides me in a room.It was the master's bedroom, naisip ko basi sa  disenyo sa labas.

Pagbukas ng pintuan at pumasok na kami ay tumambad sa akin ang life size portrait ng mama noong kabataan nito na katulad ng nasa salas namin sa bahay.

I held my breath.  Bakit may ganito dito. At bakit pinahihintulutan ito ng tita Aurora? Napakaraming bakit na nasa isipan ko ngunit kahit ni isa ay walang lumabas na tanong muli sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya.

"It's always been here ever since the day I married your father," sabi niya. "At kahit kailan ay hindi ko tinangkang tanggalin iyan. I'm sure may ganyan din sa bahay ninyo dahil dalawa iyan ng ipapinta ng daddy mo."

I nodded, "Why? I mean bakit po pumayag kayo na nariyan ang portrait ng mama?"

"Because it's the only thing he has about the woman he loves, at hindi ko kayang ipagkait iyon sa kanya."

Pinakiramdaman ko ito, bakit tila wala namang halong galit ang sinabi niyang iyon

"P-paano nyo po kinaya? Natutulog kayo dit__"

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon