28- Hospital

110 3 1
                                    

A/N Hi guys! Thank you for reading this piece, I really appreciate everyone who has time to read and vote this. Luc and Sheloh's ending is coming to give way to Ethan and the love of his life, Glitters singer, ________. God bless everyone and stay safe. Loveyouall!



Araw-araw akong naroon kay Luc. Kinakausap siya. Pinapayagan naman ako ng kapatid ko na pumunta doon.

I grinned, Ethan couldn't say no to me. And I really use it para makapunta lagi kay Luc. Walang kapagurang kinakausap siya kahit walang tugon mula sa kanya. I long to see his smiles. Maging ang pagkunot ng kanyang noo kapag may hindi nagugustuhan. Kahit mukha na akong baliw sa kakasalita sa tabi niya ay hindi na bale. I miss him so much.

Really miss him so much.

Okay naman ang lagay ko, ngunit hindi parin ako nakakalakad kung pupunta naman ako kay Luc ay kailangan ko pang magpahatid doon.

Ilang araw na at hindi parin ito nagigising . Natatakot na ako. Gusto ko na siyang makausap.

Hindi nga ba ang sabi niya ay hintayin ko siya, ang sabi niya ay wala akong pakikinggan maliban sa kanya? Nabigo ko ba siya? Nabigo ko ba siya ng hindi ko na nakayanan ang lahat?

May isang banda ng utak ko ang gusto kong magsisi kung bakit bumitaw ako. Marahan kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Halos ayaw kong tingnan ang mukha niyang nasasaktan habang iniwan siya sa burol ng araw na iyon. Kung masakit para sa akin ang lahat ay nakita ko rin ang sakit na bumalatay sa mukha niya ng araw na iyon kaya pinili kong umalis doon at hindi ko na matagalan pa iyon.

Kung gigising na siya. Hindi ko na hihingin pa ang paliwanag niya. Tatangapin ko siyang muli ng walang pag-aalinlangan. God knows how much I love him at alam kong gayon din siya sa akin.

How foolish I am for thinking all the worse in him na kailangan pa pala niyang uminom ng sleeping pills makatulog lang. When I thought I'm having a hard time because of him, he's having his too because of me.

"Sheloh..." sambit ni Wena. Pero nanatili akong nakatutok sa pintuan kahit wala naman doon ang isipan ko. Hindi ako tumugon sa pagtawag niya sa akin.

"Sheloh, gusto mo bang ihatid kita kay Luc?" Masuyong sabi niya na lumapit na sa akin at pinahid ang luha sa pisngi ko.

"Wena... am I bad? Masama ba ako kaya nangyari ito? Matigas ba ang puso ko at nangyari kay Luc ito?" Tanong ko sa kanya na nakatutok parin ang aking mga mata sa pintuan.

"No, no," umiiling na sabi niya. Wala ka namang kasalanan eh. "Huwag mong isipin iyan. Hayaan mo at gigising din iyon. Sige na ayusin mo ang sarili mo at ihahatid kita doon." Iniabot nito sa akin ang hair brush ko at salamin.

Agad kong tinanggap iyon at marahang sinuklay ang buhok ko. "Salamat Wena, kay buti mo."

Ngumiti ito. "Mahal ka namin Sheloh. Kaya magpagaling ka na."

Tinulungan niya akong lumipat sa whellchair at inihatid ako ni Wena sa kwarto ni Luc.

"Okay, text mo ako kung gusto mo ng bumalik doon sa kwarto mo." Inihinto niya ako sa tabi ng kama ni Luc.

Tumango ako.

Kinuha ko ang isang kamay ni Luc at marahang ginagap.

"Luc, gising na. Please, patawarin mo ako kung hindi kita pinakinggan sa mga paliwanag mo. Kung anuman ang mga iyon, hindi na mahalaga iyon, ang importante ay mahal mo parin ako. Na tanging ako lang ang nasa puso mo. Iyon lang naman ang kailangan kong malaman."

"Iyon lang ..."

"Mahal na mahal kita. Please gumising ka na para magkasama na tayo." Patuloy na sabi ko.

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon