26-Bad Liar

94 6 0
                                    



Inihinto ko ang pick-up sa harap ng Glitters. Bitbit ang cellphone ay pumasok ako doon. Marami-rami na rin ang mga taong nasa kani-kanilang inuukopang table. Well, isa nga rin pala ang lugar na iyon na dinarayo ng mga may kayang tao.

I heard that the management allowed prostitution kung gusto ng mga employees. Ang alam ko ay dating sundalo ang may-ari ng Glitters at wala ng pamilya. He was powerful enough para hindi siya mapakialaman ng gobyerno. I never had seen him though. Plus the singer, she's so pretty and really sings beautifully.

Napalingon ako sa stage. Parang ninanamnam nito ang bawat letra ng kanta. She closed her eyes while singing. Still she's in her sexy black dress. But I heard too that she's untouchable, ni hindi pumapayag na i-table ng kahit na sino. She's worth millions sa pagkakaalam ko. Kung ano man ang ibig sabihin niyon, hindi ko alam.

I'm just here for a few shots. Kaya mula La Marsha ay dumaan muna ako dito. Gusto kong makatulog kaagad at nang hindi na kung anu-ano pa ang pumapasok sa isipan ko. I'm losing weight nowadays, natitiyak ko dahil kahit si tita Aurora ay pinupuna na ang pangangayayat ko na tinatawanan ko nalang at idinaan sa biro na on diet ako.

Of course, it's true. Palagi kong ibinabaon ang isipan ko sa kung anu-anong maisipan kong gawin sa loob ng restaurant para lang makalimutan ko si...Luc. Na pati pagkain ay nakakalimutan ko na rin.

Nang tuluyan na akong nakapasok sa loob. Nakita ko si Mark, Jiego at Luc katabi si Courtney sa isang table. They seem talking. Lihim akong nagpasalamat at tila hindi naman nila ako napansin.

Dumiritso ako sa may bar side at naupo sa high chair. Naabutan kong kasalukuyang nag-mi-mix ang bartender ng drinks at ibinigay sa isang customer sa may di kalayuan ko. The same bartender the last time I went there. I smiled.

Inilabas ko ang cellphone ko at nilaro-laro iyon sandali habang hinintay na matapos siya sa kanyang ginagawa.

"Vodka again Ma'am?" Nakangiting tanong ng bartender nang ibaling sa akin ang kanyang atensyon.

I raised my head. I smiled. Nakilala pala ako. "Yes please."

Nakailang shot na ako ng may lumapit sa akin.

"Hello pretty." Bati nito.

Hindi ko ito pinansin. Nakatingin lang ako sa basong hawak ko. I'm not here to flirt, anyway. And I am not flirt too.

"Please talk to us, a lovely lady shouldn't be alone in this place. We can accompany you, you know." Sabi pa nito.

Tumingin ako sa gawi niya. May kasama pala ito. They look handsome and rich though. They're in their mid-twenties, I think. Hindi gaanong katangkaran. I'm sure, matangkad pa ako ng ilang pulgada sa mga ito. At medyo matataba. Ibinalik ko uli ang paningin ko sa harapan ko. Watching the bartender how he expertly mixing liquors well kahit wala naman doon ang isipan ko.

"Naghahanap ng sakit ng katawan ang dalawang ito," komento ng bartender.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ngunit bago ko maunawaan iyon ay may nagsalita sa likuran ko.

"Hey beautiful," Jiego greeted.

"Oh shut up Abarquez!" Luc hissed at him.

"Fuck off, fuckers," Mark said to the two na bahagya namang umusod.

I smiled at them.

Ngising aso lang si Jiego sa sinabi ni Luc sa kanya. Naglabas ng sigarilyo at balewalang nagsindi.

"Hey," bati ko sa kanila.

"Is she your girl, Vergara?" One of them asked.

"Of__" Luc answered before I cut him off.

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon