14-Paparazzi

82 5 0
                                    


The flashes of lights from the camera everywhere made me shaky and nervous. Andami nila.

Parang gusto kong umurong at bumalik na lang sa sasakyan at umuwi ngunit ngayon ang purchasing day namin ni Toto, maraming kailangang bilhin sa kitchen. May dalawang catering pa kaming naka schedule.

Napahinto ako sa paglakad papuntang La Marsha. Kailangan kong dumaan sa kanila. And I can't pass without being notice.

Napakapit ako sa dingding. Nangangatog ang mga tuhod ko. Halos buong buhay akong umiiwas sa mga taong katulad ng mga ito.

Press surrounded the area. Lorin was with Luc's mother.

Plus the fact that Lorin noticed me from where I was standing and she kept smirking at me. Na parang sinasadya ang mga sagot para inisin ako.

"So, Miss Rivera, you're ready to tie the knot between you and Luc Vergara?" Anang isa.

"Oh well," kunway shock at walang maapuhap sabihin si Lorin.

But I know she was just pretending. I shook my head, she's very good at it. Papasang artista ang babaeng ito.

"Yes, they will," agaw na sagot ni Mrs Vergara.

Napakaganda ng mataray na mukha ng mama ni Luc. Ang tipong pangingilagan ng lahat ng tao. She looks so perfectionist na parang kay daling magalit kahit sa simpleng pagkakamali lang.

But Luc has a good heart even if he looks rude and an asshole na sigurado akong hindi sa mama niya ito namana na mga kaugalian. 

Kaya pala kinabahan ako kanina. Halos memoryado ko na ang mga sasakyan ng mga occupants na nakaparada sa garahe ng building at hindi usual ang dami ng mga naroon na pawang hindi ko kilala ang mga iyon.

Oh well, I recognized the logo of some cars na pag-aari ng mga media companies.

"What about the other girls that Luc was rumored dating?" Tanong naman ng isa.

"It was just a rumors," she answered automatically.

"But you don't have bronze colored skin?" anang isa.

"That won't matter," she shrugs and sharply took a glance at me and crossed her arms. Napakainit sa labas ngayon, a day or two I can make myself fully tanned kung magbibilad ako maghapon.

Char! Napangiwi ako sa sagot niya. Kay sarap sabihing magpa-inject ka na lang kaya ng pampaitim.

"Skin color was not that important, mister," narinig kong sabi naman ng mommy ni Luc.

Tumango-tango naman ang isang nagtanong sa kanya noon. "Sabagay," patianod nito.

Lorin narrowed her eyes again and stared daggers into me.

I sighed heavily.

Nasa may pintuan ng restaurant si Wena at ang ibang crew. Ipininid nito ang bibig nang makita akong nakatayo sa may kalayuan. Sinenyasan niya akong tumuloy na doon but how?

I know Wena was just worried as she can see a lot of press in the place and how she knew how allergic I am with them.

Paano ako makakadaan without being notice? I really have to go at hindi ko na matatagalan iyon. Para na akong nabibingi sa dagundong ng dibdib ko. Para bang nagbabadya iyon ng panganib para sa akin.

Bahala na, naisip ko. Pero bago pa ako makahakbang paalis sa kinatatayuan ko ay bumukas ang elevator.

"What the hell is this?" Galit na wika ni Luc na narinig ko nang iluwa ito mula sa elevator kasama ni Mark.

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon