29-The Engagement

111 1 0
                                    

A/N Hello again everyone, I wanna say thank you all for your time, for reading and voting this piece  thank you bi. God Bless everyone.


Ilang araw lang ang inilagi niLuc sa hospital. After some test ay pinauwi na rin ito. Ako naman ay halos tatlong linggo pang namalagi doon bago pinayagang makauwi at sa bahay na lang magpagaling. Of course kasama ko parin ang wheelchair ko.

Ethan hired physical therapist for me para makalakad akong muli kaagad. Ito rin ang nag-che-check sa restaurant. Alam ko namang pwedeng walang mag supervise sa kanila dahil maliban sa naroon sina Wena ay pawang mga trust worthy naman ang mga empleyado ko doon. At regular naman nilang ini-e-mail sa akin ang mga kailangan kong malaman. Naaawa na ako sa kanya napakarami na talaga nitong alalahanin. But he said, kaya pa naman dawng isali sa mga schedules niya kaya hinayaan ko na lang.

"Bye handsome," wika ko isang umaga habang nasa terrace ako ng kwarto ko sakay ng wheelchair. Kakaligo ko lang katulong ng isang may edad na kasambahay nina tita Aurora. Sinusuklay ko ang mahaba kong buhok habang nagpapaaraw doon.

"Bye beautiful," ganting sabi niya sa akin. "Ingat ka diyan." Huminto ito sa paglalakad paalis na parang may hinihintay. Then I saw Luc with flowers in his arms and food containers on the other.

Ngumiti dito ang kapatid ko. Napasinghap naman ako. Ang gwapo niya sa suot niyang v-neck muscled black shirt and tattered jeans? Anong nangyari, hindi ba ayaw niya ng mga ganitong klaseng pantalon?

For a change, marahil, naisip ko. We're in our mid- twenties now ngunit ang tingin ko sa kanya ay parang bumabata. Lagi itong nakangiti na para bang hindi napapagod kahit pa maraming trabaho sa opisina nito.

"Hey," narinig kong bati ni Ethan dito at iniumang ang nakakuyom na kamay.

Nakangiting sinalubong din ito ng kamao ni Luc. "Grabe, andaming dala ah," biro pa ng kapatid ko. "Para ka palang intsik bud, it's past seven in the morning pa lang ah?" Nakatawang sabi nito na binistahan pa ang relong suot.

"Baka kasi layasan ako bigla ng kapatid mo, mahirap na," ganting biro ni Luc.

Napailing ang kapatid ko. "Hayon ang rapunzel mo, prince charming," sabi nito na itinuro pa ako sa may terrace. "Pustahan tayo, kakailanganin ka niyan kapag lumayas, aba'y walang kakarga sa kanya kasama ang service niya," nakatawa paring turan ng kapatid ko.

"Shut it, Ethan," nakatawang saway ko sa kanya. "Leave my handsome prince alone," biro ko.

"Akala ko ba ako ang handsome kanina?" Tumawa ito, "bye y'all." Nang umalis  ito at pumasok na sa audi niya ay bumaling si Luc sa akin.

"Hey there, princess!" Bating biro ni Luc sa akin.

I smiled and waved my hair brush at him. I mouthed hello.

Paalis na ang kapatid ko nang senyasan ito ni Luc, huminto it at inilabas ang ulo sa bintana ng kanyang sasakyan.

"Bud, dadaan ka bang La Marsha? "Tanong nito sa kapatid ko na humintong muli at humarap sa kanya.

"Yeah."

"Pakidala naman nito kay Wena, pinadala ng mommy sa kanya. Para daw yan sa kanya eh, ito namang isa para kay tita Aurora. Ewan ko ba doon, ang hilig-hilig magluto these past few days," napailing na sabi nito.

"Of course, I'm sure matutuwa si Wena dito. Alam mo bang iyong huli kong dala sa kanyang bake mac ay siya lang ang talagang umubos non, grabe, matakaw din pala ang isang yon," biro pa nito.

Napangiti ako. Ngayon ko lang din nalaman na mahilig palang magluto ang mommy niya na talagang laging nagpapadala ng pagkain kapag pumupunta si Luc sa bahay.

The Perfect UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon