A/N: Hello, guys! Salamat sa mga nagbabasa at magbabasa pa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin akong makapaniwalang may nagbabasa sa mga kalukuhan ko. This is only a short UD. (Sorry na). May kailangan lang akong i-polish at i-edit. Kasalukuyang nasa Final Round na ng Novel Writing Contest ang Book 4 ng ADK Series. Kailangang i-pasa ang matinong manuscript, a week from now for revisions. Let’s hope, na papasa sa mga judges. (Ibig sabihin, tutumal na naman ang inyong lingkod.)Next, iyong latest one shot ko, ‘Elgion”, ay ma-self-pub under PNY7…very soon..Compilation iyon ng mga one shot story using fantasy genre, na pinili at sumala rin sa audition. Sequel din ‘yon ng ADK. Si Nayink, writer ng NNSB20 , ang creator ng PNY. Sa mga interesadong bumili ng compiled one shots, p’wede niyo akong i-PM for reservations. Para sabay-sabay na tayo sa printing ng libro.
Third, I have a fan fiction-sort-of one shot for Sapphire and Silver. Kasalukuyang contest entry ko sa ‘Liriko One-Shot Writing Contest’. Nasa MB ko ang link. Feel free to read it there. (Two-three weeks pa kasi ang lilipas, bago i-popost dito sa account ko ang istorya.)
Sorry na sa mahabang A/N. Love! Love! :)
- Kyrian18
*****
Chapter 12
Halos hindi makahinga si Ivan sa isang maliit na sulok na inakala na niyang panghabangbuhay na kulungan. Pinilit niyang habulin ang kanyang paghinga habang nakayuko pa rin ang kanyang ulo at umuubo-ubo pa sa pagkawala ng hangin sa kanyang katawan. He almost drowned out there, yet the funny part was, there was no sign of water. Mala-illusyon lang ang nangyari pero pariramdam niya ay totoong nalunod siya kanina.
Ang una niyang inisip ang kaligtasan ni Diara na nasa bingit din ng kamatayan. Someone took her away by force. Hindi pa rin niya alam kung sinu-sino ang mga ‘yon at ano ang balak nila kay Diara. Or, was he still imagining things? Kitang-kita niya sa aura ng babae ang kaparehong aura ni Diara. Ramdam din niya ang natatangi at kakaibang init ng taglay ng kanyang kaluluwa – kaparehong-kapareho – pero magka-iba naman ng pisikal na anyo.
His heart was still pounding rapidly. He could still feel pain, but it was no longer the kind of pain that he was feeling for Claire. Parang namanhid ang puso niya habang mas nanaig ang kanyang pag-alala sa babaeng ‘yon. Hell, he didn’t even know who that woman was.
Still breathing hard, Ivan scanned the whole place. Isa lang ang alam niya sa mga oras na ‘to, nasa ibang dimensiyon na siya. At kahit anong isip niya kung saang dimensiyon siya napadpad, mas lalong sumakit ang kanyang ulo; hindi dahil sa pagkabagok nito kanina, kundi sa paghahap ng sagot sa patong-patong niyang mga katanungan sa sarili.
Where was he?
Palinga-linga pa siya sa kanyang paligid. Mas tago sa mga nilalang nakatira dito, mas maganda – mas ligtas. Napasandal pa siya sa pader sa kung saan siya lumusot at kaagad na hinanap sa kanyang paningin ang babaeng ‘yon. Pero, sa kamalasan, wala siyang nakitang kakaiba. Madilim ang buong kapaligiran, nagbadyang malapit nang maggabi.
For him, darkness was safer to hide, than exposing himself in the light.
Napuno ang buong kapaligiran ng kulay itim, na mas lalong nagsabi sa kanya na kailangan niyang makita ang babaeng ‘yon sa lalong madaling panahon. Whoever she was, she needed help. That was all he needed to know.
Una niyang napansin ang isang itim na kalesang pinapatakbo rin ng isang itim na kabayo. Namangha siya sa hitsura ng kabayong may kulay itim na sungay sa kanyang noo. Isang itim na unicorn na lumampas lang sa kanyang pinagtaguan. Hindi nakatapak ang mga paa nito sa lupa. Tumakbo habang nakalutang sa ere.
BINABASA MO ANG
ADK V: Dark Kismet (✔️)
FantasyIf only she can be with him as if the world are theirs, if only she can give him a smile like they usually has given to him, and if only she can hold him like a lover in nothingness and death. But everything fades like a hopeless miracle, because th...