Chapter 18: A New Friend

1.5K 58 17
                                    


Chapter 18
 
If is this is just a laughing stock from The , Minerva surely laughs about this. Does The Fates he have a choice? Kailangan ba niyang tanggapin ang alok ng lalaking ito? They’re not even considered as friends. At balang araw, alam niyang kakamuhian din siya ng isang ‘to. No one stays by her side. No one decides to be with her for long. Lahat sila ay iniwan siya sa ere. Lahat sila ay pinagtaksilan siya.

“How can I ever trust you?” napakagat-labi siya sa direktang tanong na ‘yon. Hindi niya alam kung gaano ba ka-sensitive ang lalaking ito sa mga salita. All she knows that gods are selfish creatures. They do things to satisfy themselves and not really helping mankind.

Parang ayaw niyang tumitig sa mga mata ni Ivan. Bukod sa blanko na ang expressions nito, hindi pa niya mabasa kung anuman ang nasa isipan nito. Kailangan ba niyang humingi ng sorry?

Bago pa man magkalokohan ang lahat, she backs away, pretending that his words won’t affect her.

“Kailangan ko siyang alisin sa lugar na ‘to,” pag-iiba niya ng topic. She’s referring to her former body as Snow White. “Hindi na siya ligtas pa sa mga ito. Kailangan ko siyang itago sa ibang lugar. Masyadong nang delikado kung mananatili pa si Snow White. Alam na nila ang kaniyang kinalalagyan. Malamang, papunta na rin ang iba para makuha siya.”

“This is real, right?”

Napairap siya sa gawi ni Ivan sa sinabi nito habang painosenti siyang nakatingin sa kaniya, nagkamot pa sa ulo bago siya nito nginitian.

“What? This is surreal, you know. Snow White exists.”

Mameywang na si Diara nang wala sa oras. Paano nito nasasabi ang mga ganung bagay? She is real. Snow White is real.

“Don’t look at me like that,” pagdedepensa nito sa kaniyang mga mata na kaunti na lang ay parang mata na ng mamatay-tao, “If Snow White exists, malaki ang possibility na totoo rin ang mga faiytales na nababasa natin sa ating mga libro. Sleeping Beauty. Belle. Ariel…” Bigla na lamang itong napatigil at nakatingin na lang sa kawalan, “The mermaids….The Atlanteans.”

“May binubulong-bulong ka diyan?”

Napansin niyang hindi mapakali si Ivan at saka siya tiningnan nang maigi ang kabuuan ni Snow White at saka siya nito tinititigan, “Kaanu-ano mo siya, Diara."

Natigilan si Diara sa tanong ni Ivan. Halos marinig na niya ang lakas ng pintig ng puso niya. “P-Paano mo naman ‘yan nasasabi?”

“Because you both have the same style of jewelry. Iyong kwentas mo, na gawa sa isang mamahalin at natatanging uri ng salamin ay kaparehong-kapareho sa hikaw ni Snow White. Hindi lang masyadong halata dahil isang maliit na hikaw lamang ang kaniya. Pero, kung titingnan nang maigi, kaparehong-kapareho ng hikaw mo. Hindi naman yata iyon coincidence lang, ‘di ba? So come on, ano ang mayroon sa inyong dalawa? Ano ang tinatago mo? May tinatago ka ba?”

“Ang daldal mo.” Wala na siyang ibang masabi kundi ‘yon lang. “Can you just shut up?" magmamatigas ng boses niya. This isn’t the time to get paranoid, but still this isn’t the time to be vulnerable either.

“How can you just trust me?”

Napatigil na naman siya sa tanong na ‘yan. Trust. Kaya pa ba niyang magtiwalas sa iba? Kaya pa ba niyang ipagkatiwala niya ang kaniyang buhay sa isang kalaban? Gusto niyang mag-isip nang matagal pero alam din niyang nawawalan na rin siya ng oras.

“We’ll have to find Ysures,” paalala nito sa kaniya, at hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong sumimangot sa kaniyang harapan, “At pati na rin ‘yong asungot na buntot nang buntot sa ‘yo. Kaanu-ano mo ‘yon?”

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon