Part Two
"Hoy, Miss. I have no time for this. Kailangan na kitang iwan," warning ni Ivan sa isang dalagitang hindi lalampas sa labing-dalawag taon ang edad, "May hinahanap akong tao at kailangan ko siyang makita sa lalong madaling panahon."
"Walang-hiya ka, estranghero! Gusto mo yata akong patayin kanina, e!" Paninigaw nito na mas lalong nagpayanig sa buong lugar. Kanina ay nag-aagaw-buhay iyon, tapos, kung makaasta ngayon, parang hindi man lang nakaramdam ng pagdedeliryo.
"Paano tayo nakarating dito? Paano mo nalaman ang lugar na 'to? Hindi ka dapat nandito."
Napabuntong-hininga si Ivan at sumandal sa isang pader. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pagsasalita, pero wala na doon ang kangang pokus. Kung hindi siya nagkakamali, nasa kusina sila ng isang mansiyon. Wala ng gamit. Punong-puno rin ng alikabok ang bawat sulok. Basag ang mga salamin. At kung papansinin nang mabuti, parang dinaanan ito ng matinding labanan
"Kapag magpapakita na si Kuya, isusumbong talaga kita sa kaniya!" banta pa nito.
Pero hind na niya nito pinapansin. Nasa isang abandonadong mansiyon nga silan dalawa. Hindi alam ni Ivan kung bakit dito siya itinuro ng kanyang kapangyarihan nang mataranta siya sa babaeng ito. Kamuntik nang mamatay ang babaeng ito at katgo de konsesiya pa niya kung magkataon. Kung anuman ang kababalaghan na nangyari, masaya siyang okay na ang batang ito.
"Ang galing talaga ng mansiyon na ito, ano? Kaya nitong magpagaling ng mga taong nasa bingit ng kamatayan. Kaya nitong matanggal ang anumang hapsi at kirot sa pisikal na sugar. Pero sa bawat pagpapagaling niya ay paunti-unti naman siyang namamatay. Luma itong bahay ng dalagang minsan nang binansagang pinakamagandang dilag sa buong lupain.."
Bahagyang tumaas ang kilay sa narinig. Parang nakalimutan yata nito ang galit. At isa pa, sino ba ang tinutuoy nitong dalaga? Bukod na sa nalilihis nito ang kanilang usapan, normal na sa kanilang angkan ang masabihang maganda. Galing siya sa angkan ng mga diyos. Walang pangit na diyos. At kung mayroon man, kaya nila iyong punan at takpan. Baka, nagmalabis lang ang isang ito sa pagsasabi.
At kung sinuman ang may-ari ng abandonadong mansiyon na ito, hindi siya isang ordinaryong nilalang. Kung kaya niyang iwan ang bahagi ng kanyang kapangyarihan dito, ibig sabihin ay malakas siya. He has every bit of curiosity but he has no time for this. He needs to see that woman in time.
"Malapit nang magigiba ang mansiyon na ito. Kaunti na lang ay bibigay ang pundasyon. Sana, kaya pa niyang maghintay nang kaunti. Alam kong babalik siya. Alam kong babalikan niya ang lugar na ito. Umaasa akong babalikan niya ang mundong ito."
Mas lalong naguguluhan si Ivan sa mga sinasambit nito. Wala na naman siyang ideya kung sino ang tinutukoy nito. At kung titingnan niya ang buong lugar, malapit na nga itong mawawawasak.
Napansin niya kaagad ang mga dingding nitong nagkabiyak-biyak na sa tagal. Nakapagtatakang wala man lang naglinis at nag-alaga sa mansiyon na ito. Maganda naman ang istraktura, bakit wala man lang nakaisip na tirhan? There is something in this mansion that he needs to unveal too.
Habang patagal nang patagal ay nagiging curious na si Ivan sa buong lugar. Ang masama, kahit mismo sa babaeng ito ay nakakapagbigay sa kanya ng curiosity.
Hindi pa siya bingi. Rinig na rinig niya ang pagsambit nito sa pangalan ni Brooke kanina sa may kuweba. At kahit ayaw niya, kusang kumukulo ang kanyang dugo para dito. Hindi hamak na mas malapit ang loob ni Claire kay Brooke kaysa sa kanya. It doesn't make sense at all. At hindi niya alam kung bakit napunta ang sa usapan sa lalaking iyon.
Isang ordinaryong tao lang ang lalaking iyon. Bakit nito binabanggit ang isang kapangalan pa ni Brooke? Naguguluhan si Ivan. Habang tumatagal ay naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kaano-ano nito si Brooke? Ano ang ugnayan ni Brooke sa babaeng hinahanap niya? At mayroon nga ba?
Napakamot si Ivan sa kanyang ulo. Too many questions are inside his head. At wala siyang kapangyarihan para bigyan siya ng sagot. Sa kadami-daming puwedeng isuko nang pansamantala, bakit ang magbasa pa ng isip ang kinuha ng kaniyang ama?
"Estranghero," tawag na naman nito sa kaniya, "Salamat sa tulong."
Hindi alam ni Ivan pero napangiti siya sa batang babae na ito. In no time, nagiging gan'yan na rin kalaki ang kaniyang nakababatang kapatid na babae. Napangiti pa siyang lalo dahil sa isang nakakatawang alaala na bigla na lamang sumagi sa kaniyang isipan. Mahirap ipaliwanag ngunit masarap ang magkaroon ng kapatid na puwedeng asarin at mahalin nang sabay.
"Kapatid ka ni Brooke?" He finally asks. Hindi niya alam kung iisang Brooke lang ba ang kanilang pinag-uusapan dito.
Nahagip ni Ivan ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Nawala ang kinang. Nawalan ng buhay.
"Si Kuya Brooke ay ang aking kinakapatid. Ako ay kaniyang kaibigan lamang. Matalik niyang kaibigan ang aking mahal na nakakatandang babae.."
Bigla na lang tumigil ito sa pagsasalita. Napunan ng sakit at pangungilila ang boses nito na parang kay tagal na nitong dinaramdam ang sakit sa kaniyang dibdib. She is too young to feel something like this. Parang gustong yakapin ni Ivan ang bata pero mas pinili niyang tumayo na lang at huwag nang gumawa pa ng eksena.
"May ate ka? Nasaan siya ngayon?"
Imbes na sumagot, napaupo ito sa may gilid ng pintuan at napahagulhol na.
"Iniwan na ako ni Ate. Ayaw ko na rin sa kanya. Mas gusto niyang nagbago kaysa sa alagaan ako. Mas pinili niyang mangarap nang mataas. Mas pinili niyang mangarap imbes na makontento. Ayaw ko na kay Ate. Nang-aagaw na siya. Lumalaban sa maling panig. Ay kahit gustuhin ko mang ibalik ang dati, hindi na iyon mangyayari. Reyna na si Ate. Reyna ng Yuteria"
Mukhang dumadami na naman ang kanyang katanungan sa sarili.
Reyna pala ang kapatid ng gusgusin na ito. Nakakawindang ang mga nangyayari.
"May hinahanap akong babae," pag-uumpisa ni Ivan, nagbabakasakali na makinig na ang batang ito, "Dinampot siya ng mga lalaking kayang mag-kontrol ng portal at halata ring masama ang binabalak. Kung ipapatuloy ko ang pagbabantay sa 'yo, baka hindi ko na siya maabutan ng buhay. Kaya making ka. Aalis ako at iiwan na kita--"
"Teka!" Pagpigil nito sa susunod niyang sasabihin. Naglakad ito sa kanyang harapan at nakangiti pa. Hindi talaga iyon maintindihan ni Ivan. Bakit natuwa pa ang isang ito? Hindi niya maintindihan.
"Tama ba ang pagkakarinig ko? May dinalang babae ang Seven Assassins?"
"Wala akong sinabing Seven Assasins."
"Si Eze ang sinasabi mong kayang gumawa ng lagusan sa ibang mundo.
Gustong talikuran ni Ivan ang batang ito. Siong Eze? Ano ang Seven Assassins?
Kulang na lang ay hilahin nito ang manggas ng kanyang T-shirt sa sobrang tuwa. Kakasabi lang niya ng masamang balita, tapos, masaya pa ito.
" Naririnig mo na ang sinasabi ko?"
"Na nandito na siya?" Pangiti pa nitong tugon habang nagtatalon. "Nandito na siya. Nakita na nila. Kailangan natin siyang kunin sa kanila. Estranghero, pakiusap, kunin natin siya. Iligtas natin siya. Papatayin nila ang Prinsesa."
"Sino?"
"Ang mahal na prinsesa..Ang Prinsesa Snow White."
BINABASA MO ANG
ADK V: Dark Kismet (✔️)
FantasíaIf only she can be with him as if the world are theirs, if only she can give him a smile like they usually has given to him, and if only she can hold him like a lover in nothingness and death. But everything fades like a hopeless miracle, because th...