BLURB
Gusto niyang sabihin na mali ang nakasulat sa mga libro, patungkol sa istorya ng isang magandang binibini na nagmahal sa prinsipe, na pinalad ding mahalin nito pabalik, at nagkatuluyan nang isinuot ng dalaga ang babasaging sapatos - ang bukod-tanging bagay na naiwan sa hagdanan, noon siya'y tumakas sa palasyo.
Nais niyang sabihing hindi ang prinsipe ang pinuntahan ng dalaga, kundi siya. Gusto niyang ipagsigawan na hindi happy-ending ang nangyari pagkatapos noon, bagkus ay sunod-sunod na kamalasan, sa pagitan nilang dalawa.
At walang nang natira sa kaniya, maliban sa isang basag na sapatos, na walang ng kapareha, na hanggang ngayon ay itinuturing niyang kayamanan.
At kahit ano'ng hiling niyang ibalik ang lahat sa dati, at baguhin ang takbo ng isang magandang fairytale, alam niyang mahirap na iyon.
Nabura siya sa kuwento. Binura siya nang sapilitan. At kasama na roon ang kaniyang wagas na pagmamahal para kay Cinderella.
May pag-asa pa bang maibalik ang dati, kung ang babaeng kaniyang pinakamamahal ay hanggang tanaw na lamang ngayon?
BINABASA MO ANG
ADK V: Dark Kismet (✔️)
FantasyIf only she can be with him as if the world are theirs, if only she can give him a smile like they usually has given to him, and if only she can hold him like a lover in nothingness and death. But everything fades like a hopeless miracle, because th...