A/N: Sulit po ang aking pagkakatumal. Panalo ang 'The Atlantean Queen' sa Novel Writing Contest'. Ito'y maililimbag na bago sasapit ang September. Hindi ako makapaniwalang pumasa sa judges na kabilang sina Nayin, editor ni Pilosopotasya, si Pilosopotasya mismo, ang author ng 'Class C has a Secret', ang mga traditional na published writers, ang mga dalubhasang editors, at iba pa. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala.
Kyrian18
*****
Chapter 14: Hidden Identities
Part One
In every light, there are shadows creeping in. Deceitfulness is a part of a game that everyone is playing secretly. Ang lantarang ipapakita ang mga baraha sa isang laro, siya ang matatalo. There is no room for a fair battle. There is nothing to fight with dignity. Tanga lamang ang gagawa nang ganyan at mag-iisip nang ganyan sa mga oras na 'to. Kailangan nilang manalo sa isang lihim na digmaan. At kahit anong mangyari, hindi papayag ang ama ni Diara na matalo ang kanilang grupo laban sa mga diyos na wala man lamang ginawa kundi ang abusuhin ang kanilang kapangyarihan, at gamitin ito sa maling paraan. Nagsasawa na ang kanilang angkan sa pamamalakad ng mga diyos sa Olympus. Sawang-sawa na silang makita at maranasan ang mga kapalpakan ng mga 'yon at hayaang magdusa ang mga taong inosente nang dahil sa kanilang kapabayaan. Kailangan nang wakasan ang kanilang termino na mamuno. Kailangan nang puksain ang mga diyos na nagpapahirap sa lahat. Kailangan na nilang mamatay.
"Hahayaan mo ba talagang maging pain ang anak natin, Heneral?"
Hindi lumingon si Elyur sa kanyang asawa na kanina pa siya tinitingnan mula sa isang upuan, na ilang metro lang ang layo sa kanya. Kanina pa sila nag-uusap sa kanilang kuwarto na para bang hanggang ngayon ay binabagabag pa rin sila ng kanilang plano. They both know that Diara has no capability of killing such a powerful god. Masyadong maaga pa para isabak ang kanilang anak sa kanilang mundong ginagalawan. But even so, they still do. Walang kasiguraduhan na mananalo si Diara laban sa apo sa tuhod ni Zeus pero isa lang ang kanilang masasabi, matalo-manalo, magpapakita sa kahit ano pang paraan ang kanilang target. Ang apo ni Zeus at anak din ni Hades. Ang nilalang na nagtatago sa lihim na propesiya na nabunyag lamang kamakailan lang.
Kung sana ay nalaman nila ito nang maaga, hindi sana ganito kahirap ang kanilang misyon. Nabalitaan din nilang namuhay pa raw ito bilang tao, bago pa nito nakuha ang kanyang kapangyarihan.
"Nakikinig ka ba sa 'kin?" pagtataas ng boses ng kanyang asawa, "Iuuwi na natin ang ating anak. Namatayan na tayo ng isa. Ayaw ko nang may mamatay pa," pag-hi-hysterical na naman nito, na mas lalong napagkuyom sa kanyang kamao.
Lumingon siya sa kanyang asawa na katangi-tangi ang kagandahang taglay. Napabuntong-hininga pa siya bago niya ito tinititigan sa mga mata, "Mahal ko rin si Diara. Pero kailangan na niyang matuto sa kalakaran natin. Isang taon na lang, nasa tamang edad na rin siya. Kaya kahit sa ayaw mo, gusto kong matututo ang anak natin nang mag-isa."
"Hindi sa ganitong paraan, Heneral. Para mo na rin siyang binigyan ng kutsilyo para isaksak sa kanyang sarili. She's just a girl. At kahit matapang ang ating anak, ayokong matulad siya sa kinahihitnan ng isa pa nating anak. Hindi ko kayang mawalan na naman isa, Heneral. Pakiusap, iuuwi na natin si Diara."
Kahit papaano ay may tama ang kanyang asawa. They lost their son in a battle between cacodemons and demon hunters. Nandoon sila noong gabing nag-alsa ang anak ni Artemis para pabagsakin ang kanilang angkan. Para sa kanya, isa na iyong napakagandang pagkakataon.
Ngunit, hindi lahat ng plano ay nauuwi sa isang magandang kalalabasan. Mahirap mang aminin, pero, natalo sila. Nagtiwala sila sa isang diyos na mahina rin pala. Napakuyom ng mga kamao ang heneral habang inaalala ang isang digmaang wala man lang kalaban-laban. At ang masakit pa doon, namatay ang isa pa niyang anak na lalaki.
BINABASA MO ANG
ADK V: Dark Kismet (✔️)
FantasíaIf only she can be with him as if the world are theirs, if only she can give him a smile like they usually has given to him, and if only she can hold him like a lover in nothingness and death. But everything fades like a hopeless miracle, because th...