Chapter 10 : Snow's Forlorn

2K 64 18
                                    

Another world...

Akay-akay pa rin ni Bliss, halos hindi pa rin makahinga si Diara habang pinagmasdan ang mundong inakala niyang hindi na niya mapuntahan. Everything in her memory was in her head, fastly remembering every bit of pain and loss.

Napapikit si Diara sa mga alaalang kaya pa ring magbigay sa kanya ng matinding sakit. Gusto niyang makatakas, tumakbo, lumayo pero, ayaw pa rin ng kanyang katawan na sumunod sa kanya.

Taliwas sa nakagisnang fairytale, napalibutan ang buong lugar ng kulay itim imbes na puti. Malamig pa rin ang hangin, kasinglamig ng puso ng kanyang katabi, pero normal lang na lamig 'yon. Walang makikitang snow sa buong lugar. At ang palasyo, malaya nilang natatanaw.

Walang Ivan ang nakasunod sa kanila. Mukhang hindi ito nakaabot sa pagsara ng portal at naiwan pa rin ito sa kabila.

Ngunit, hindi rin siya sigurado diyan. She saw Ivan running towards them as if he actually made it through. Pero, nagtataka siya kung bakit wala ito sa kanilang likuran. He was supposed to be here. Or, was he?

Namalikmata lamang siya kanina?

Dahil ngayon, sugurado siya, ibang dating mundo na siya...ang kanyang dating mundo.

Nasa kalagitnaan sila ng matatawag nilang palengke, pero ni ingay ay wala. Ang tanging naririnig lang ni Diara ay ang bawat patak ng ulan na bumabagsak sa itim na ulap, at ang kanyang pusong medyo bilis na ang pagpintig.

She was there again..

Nasa kalagitaan sila ng pinaka-main road ng palengke. Walang makitang pinagbago si Diara. Every wall, every house, every stall was painted with black. Pati ang lahat ng payong na ginamit ng mga taong naglakad at namili ay kulay itim. Hindi katulad ng mga payong na karaniwang ginamit sa mundo ng mga tao, wala ng hawakan ang mga payong sa mundo dito. Halos invisible na rin ang kabuuan, parang lumulutang na lang ang bilog na hugis sa kanilang uluhan. Like a halo, like an invisible umbrella.

Ganun pa rin ang mga sinusuot ng mga tao, naka-coat and tie. Ang kurbata ay puro itim pa rin ang kulay. Ganun din ang mga babaeng naka-dress na kulay itim. Ang lahat ay mukhang may kaya, at nasa karangyaan. Ibig sabihin, nasa loob siya mismo ng nasasakupan ng kanilang palasyo.

Wala na sila Eze at Brooke, mukhang nauna na sila. The crowd seemed getting bigger, as one be one noticed her. Bukod-tanging naiiba ng kasuotan, nahalata kaagad na naiiba siya sa lahat.

"No one should know you," mabilis na sabi ni Bliss bago nito tinakpan ng itim na sombrero ang kanyang mukha dahil sa sobrang lak nito. Halos hindi na siya makakita.

Nahagip lang niya ang baryang itinapon lang ni Bliss sa daan bilang bayad. Ni hindi man lang nito pinansin ang tindera, o may tindera bang nakatingin. At kung mayroon man, wala na rin iyong kakayahan na makipagtalo sa isang katulad niya. These seven deadly assasins had a great scar in their own history.

Walang maglalakas na babangga sa isang katulad nila.

After all these years, Diara was hoping for a miracle. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Bliss at sumanib na lang bigla sa kalaban, ngunit, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan nito sa kanya, umaasa pa rin siyang babalik sa dati si Bliss.

'I will always protect you..'

Those were Bliss' words, na kay hirap nang paniwalaan. He killed her trusted friend, he almost killed her, and now, he wanted dead again.

Ganun naman talaga. Para saan ba ang kanilang paghahanap sa kanya kung wala silang magandang dahilan? At lalong hindi siya hahanapin ng mga pinakakilalang mamamatay-tao kung wala lang.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon