Chapter 7: Another World Another Heart

2K 71 21
                                    

        Blurred.  

        Everything seemed unclear.

        Naguluhan na si Diara sa huling sinambit ng kuya niya. Alam niyang hindi ‘yon joke lang. At isa pa, wala sa bokabularyo ni Nathaniel ang salitang, ‘biro’. May nangyaring kakaiba, pero hindi niya mawari kung ano. Nahuli ba siya sa isang balita? May nagbago ba sa plano?

        Pati ‘yan ay hindi rin niya kayang sagutin ngayon.

        Tuluyan nang inilagay ni Diara ang kanyang libro sa itim niyang bag at palihim na sinundan pa rin ng tingin ang walang kamalay-malay na si Ivan. Lumiko ito sa isang eskinita ng ekwelahan at pakiramdam niya ay gusto niyang sundan ito. Masyado itong depress sa mga nangyayari patungkol kay Claire.

        A brokenhearted god.

        Ridiculous.

        Magsisimula na ang next subject nila pagkatapos ng sampung minuto, pero wala na ‘yon sa isip pa ni Diara. Nakatuon ang focus niya sa lalaking ‘yon. Kailan nga ba niya ‘yon papasalangin?

        Ang sabi ng kanyang ama, ang tamang araw ng nasabing pagpaslang ay sa mismong unang bukangliwayway, isang Linggo magmula ngayon. Kung iisipin, iyon din ang kanyang kaarawan, maglabing-pitong taong gulang sa tunay niyang mundo. Ang bilis talaga ng panahon kung lumipas.

        Labing-pintong taon na rin ang nagdaan. Sabagay, naging sanggol siya ulit nang makatakas sa dimensiyon na ‘yon. Isinilang si Diara sa ibang katauhan ngunit nanatili ang kanyang mga aalaala sa lugar na ‘yon na wari’y kahapon lang ang lahat.

        Napapikit si Diara sa sakit ng kahapon. This was not the time to reminisce her past. Pero sadyang hindi niya kayang pigilan na ikuyom ang sariling kamao sa gilid ng kanyang palda. Tama. Malaki pa rin ang epekto ng kanyang nakaraan sa kanyang buhay.

        She stood up. Tama na ang paggunita. Sa ngayon, kailangan niyang pagtuonan ng pansin si Ivan at ang kanyang magiging misyon. Kung anuman ang kahihitnan nito, isa lang ang masasabi niya—pwedeng siya ang mamatay o mapapatay muna niya si Ivan bago siya.

        Dahan-dahan niyang sinundan si Ivan at nagtatago sa bawat anino na bagay, haligi, semento, at kung anu-ano pa para lang hindi siya dito mapansin. Gods had great exticts, kaya minabuti niyang bawasan ang kanyang pwersa at maging invisible sa lahat ang kanyang aura. Mabuti na lang at kaya niyang pigilan ang sarili niyang kakayahan. Hindi safe ang mundong ‘to para sa isang kagaya niya. Maraming mga naglipana sa mundong ‘to na hindi tao o mas madaling sabihing nagbabalatkayo lang—kagaya niya.

        Limang minuto na niyang sinusundan si Ivan hanggang sa nakita na lang niya ang sarili niyang naglalakad papalabas ng main gate ng ekwelahan. Napaisip tuloy siya kung saan pupunta ang lalaking ‘to. Ni hindi man lang nito kinuha ang pulang kotse niya sa may parking lot. Whatever he would do, it made her curious mind worked.

        Nagtago siya sa isang pader na malapit sa gate at sinilip na naman si Ivan na para bang tulalang naglalakad sa labas na mismo ng gate at lumiko pakanan.

        Pagkalampas ni Ivan sa isang sulok, mabilis namang naglakad si Diara papalabas na halos ay patakbo na niyang sinusundan si Ivan sa sobrang bilis nitong maglakad. She almost lost her balance when she found out that she was using three-inched high heels black shoes. Halos napatutop siya sa noo nang akmang lilingon si Ivan sa kanyang likuran. Kulang na lang ay magtama ang mukha niya sa basurahan na mismong pinag-yuyukuan niya.

        Sumilip pa siya nang kaunti para lang makasiguro na hindi na siya nito napapansin. Natatawa siya sa ginagawa niya pero ayos lang.

        Isa pang kanto at tuluyan na siyang sumilip sa buong paligid. Nang mapansin niyang wala namang naglalakad sa lugar na ‘to, mabilis niyang inilbas ang isang maliit na bagay na hugis-rosas na kulay pula na nakalagay sa kanyang titanium na pendant na kurting lubid, na nakatago lang sa kanyang damit.

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon