Chapter 26: It's Now Or Never

1.3K 52 3
                                    

Part Two

Y U T E R I A

"Are you sure about this?" tanong ni Ivan kay Diara. Her hand is shaking, and her beautiful face loses its brightness. "Do you really want to do this? It's not safe for you, Diara." Dugtong niya pa kahit alam niya namang ang tigas-tigas ang ulo ng isang ito.

Ivan asked her if she can be his fairytale princess, pero hindi ito sumagot. Binigyan lamang siya ng isang blankong ekspresiyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya pagkatapos no'n. He rejected her. Ilang beses naman siyang ni-re-reject ni Claire pero hindi naman ganito kalakas ang impact. Kakaiba ang isang ito, as if this cold woman just broke his heart without saying a word.

"Tara na," matigas niyang sabi. Damn. Masyado itong determinado sa buhay ni hindi niya alam kung nag-iisip pa ba ito. Habang tumatagal ay mas nag-aalala siya kay Diara. Her vulnerability is so visible that he only wants her to be with him, every second of his immortal hour.

Napabuntong-hininga, sumunod na lang si Ivan. This time, it's too clear for him now. No doubt. May kakaiba sa babaeng ito na kaya niyang magsunod-sunuran na lang. She, alone, can do this for him.

"What's your plan? he asked. Tanaw na tanaw na nila ang isang palasyo na may kilometro rin ang layo habang naglalakad.

"We have to go inside."

"And?" Nakulangan si Ivan sa explaination ng babaeng ito. Walang duda, ang palasyo ang tinutukoy niya. "Why do we have to go inside? Hindi iyan ang palasyo ng ama mo."

Napahinto si Diara sa paglalakad. Nasa dulo na sila ng isang bangin. Mula sa itaas, halos hindi na nila matanaw kung anuman ang mayroon sa ibaba.

"I have to save Brooke first. Sigurado akong nasa palasyo siya ngayon." And there she breaks his heart silently.

Ang prinsipe. Ang prinsipeng iyon pa rin ang nasa isipan niya. Gusto niyang nagreklamo pero mas pinili na lang ni Ivan ang manahimik, kahit halata naman na nagtagis na ang kaniyang bagang. Nagseselos siya.

Hinawakan niya ang balikat ni Diara at kapwa sila nakarating sa loob ng palasyo. Hindi na niya alam kung saan sila banda. Hindi naman niya alam ang pasikot-sikot ng palasyo. Tahimik pa rin si Ivan, patay-malisya sa mga binibigay nitong sakit.

"Dito ka lang," utos nito sa kaniya, "I have to do this alone from here. Hindi ko alam kung ano ang peligro na mayro'n sa loob. Your powers are too much. Mabilis ka nilang matutunton."

Nagsimula nang inihanda ni Diara ang kaniyang palaso at pana.

"Bullshit," napamura si Ivan nang walang paalam, "I am here to help you. I'm not your burden."

Napatigil si Diara. Nagtinginan sila nang ubod ng seryoso. Punong-puno ng pag-aalala ang maamo nitong mukha na para bang mas lalong nagbigay kay Ivan ng pangamba.

"I can't. Please," garalgal nitong sabi. "Dito ka lang."

"Diara, I can't do that." Ayaw niyang makitang mag-isa lang itong lalaban.

Inakala ni Ivan na magpoprotesta pa si Diara, pero nabigla na lamang siya nang yakapin siya nito nang ubod ng higpit. Halos hindi siya makahinga sa ginawa ni Diara.

Ramdam ni Ivan ang pagiging tense ng katawan nito. Her fragile body against him. His hearbeat for her. Her presence makes him not to think for more.

"Ayokong mawala ka rin sa akin," mahina nitong pagkakasabi. Mahina lang pero pinatibok nito ang puso niya lalo. She cares for him after all.

Walang magawa si Ivan kundi tugunan ang yakap na iyon. "I trust you," bulong niya, habang siya na rin ang kumalas sa pagkakayap. "Come back for me, woman."

Tumango lang si Diara sa kasabay, ang walang lingunang paglalakad papunta sa isang pintuan. May plano siguro ang isang iyon. He has to believe that she has a plan, kung ayaw nitong susugod din siya sa loob.

***

Labing-limang minuto...

Wala pa ring balita si Ivan kay Diara. He hates to admit this but he's getting worried for her. Masyado nang matagal ang labing-limang minuto na iyon para sa kaniya. He has to do something. Ayaw na niyang maghintay na lang.

He's sure, Diara will understand. Naglakad na si Ivan sa may hallway. Kailangan niyang mas alerto habang nasa loob siya. Habang kaya, dapat hindi niya gagamitin ang kaniyang kapangyarihan.

Tuloy-tuloy pa rin siya sa kaniyang paglalakad na para bang walang katapusan. Ang ganda ng disenyo ng palasyo na gawa sa marmol, ginto, at iilan pang mga hiyas, na pinagsama-sama para makabuo ng isang magandang obra. Nakita niya rin ang isang guwardiyang wala ng buhay na nakahandusay sa may sahig. Isang pana ang nakaturok sa puso nito.

At habang naglalakad si Ivan, padami nang padami ang kaniyang mga nakikitang bangkay. Ang isa, nakasabit pa sa dingding at may pana pa sa bungo nito. May isa pang guwardiya na bulagta na rin habang nakatarak ang isang kutsilyo sa leeg nito. Hindi siya makapaniwalang nagawa ito ng kaniyang prinsesa.

Mahusay, pero makalat.

At habang nakatingin siya sa bangkay, bigla na lamang sumulpot ang isa pang kuwardiya, galing naman sa kabilang hallway. Walang inaksayang segundo, hinugot ni Ivan ang kutsilyo sa bunganga ng bangkay at inihagis ito sa guwardiyang naghahanda nang sumugod.

Saktong tumarak ito sa puso. Bumulagta ito sa sahig. Nilapitan ito ni Ivan at kinuha ang espadang hawak-hawak pa rin nito at walang emosyong sinaksak ito sa may bandang tiyan.

Nang mapansing wala na itong buhay, mas binilisan pa ni Ivan ang kaniyang paglalakad. Bawat pasilyo, bawat silid, at bawat lagusan, ay iniisa-isa niya upang makasigurong wala nga ro'n si Diara.

He wants to shout her name, pero baka mabulabog lang ang buong lugar. Maybe, she thinks of a dungeon dahil bihag sa palasyong ito ang prinsipe. Ang problema, wala siyang kaalam-alam kung nasaan iyon.

Iyong lakad niya kanina ay naging takbo na ngayon. Ewan ba niya pero nakakaramdam siya ng panganib. He can sense it. Danger is coming.

Umabot si Ivan sa pinadulo ng palasyo, na kung saan ay natatanaw niya ang isa pang tore sa kabila magmula sa bintana. Sa ibaba ng tore, nakikita niya ang babaeng nakasagupa na nila sa yungib - ang reyna. At sa tuktok ng tore, pababa sa paikot nitong hagdanan ay nahagip niya kaagad si Diara na kakalabas lang. Akay-akay niya sa kaniyang balikat ang lalaking bugbog sarado at walang saplot na itaas na bahagi ng katawan. Naglalakad na sila ng hagdanan.

"Diara!" sigaw ni Ivan, na tila ba'y hindi na siya naririnig nito. "Huwag kayong bumaba!" sigaw pa niya, kaso may mali. May mali talaga.

Huli na nang mapagtantong naka-barrier na ang buong silid na iyon. Huli na nang napansin ang isang lalaking may hawak-hawak na kung ano'ng teknolohiya mula sa kaniyang likuran.

Habang sinisilayan niya ang panganib na kakaharapin ni Diara laban sa reyna, siya mismo ay nasa panganib na rin.

Mukhang nag-uumpisa na ang totoong labanan. At wala siyang balak magpatalo. Hindi ngayon. Hindi bukas.

***

A/N: Sorry, walang PC. Phone lang ang gamit ni author sa pag-UD. :)

- Kyrian18

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon