Part Two
Napanganga si Diara sa mga sinasabi ni Ivan sa kaniya. What is he talking about? Naguguluhan siya kung bakit bigla na lang sumulpot ang isang iyon dito. She feels weird for having him here but at the same time, there is a warm feeling within her heart, wanting to rejoice.
At bago pa siya nakapagbitiw ng salita sa bibig, Ivan flashes himself in another place - sa tabi ni Teara. Isa pang segundo, natanggal ang mga kadenang pumupulupot sa kaniyang katawan. Ivan just touches Teara's body and it electrifies her, literrally. Mukhang naglagay ito ng ilang bultahe ng kuryente sa katawan nito. Kaya nakita na lang niya si Teara na nangingisay sa lupa...katabi pa niya. Para bang nakita pa niyang tumingin ang mga ni Teara sa kaniya, saka ito sumara.
At bago pa man siya magulat nang husto, bumagsak na rin si Bliss sa pagkakatayo. Nagpakawala si Ivan ng isang itim na thunderbolt at saka iyon itinapon sa gawi ni Bliss. Saktong bumabaon naman ito sa puso ng dati niyang kaibigan. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang bilis ng pangyayari. Halos hindi siya makakurap ng mata sa sobrang pagkabigla. Pakiramdam niya, that weirdo Ivan in school just transforms into something that he is - a god.
"Huwag kang mag-alala, they're just sleeping." mabilis nitong sabi habang nakalapit na pala ito nang ganoon kabilis. "Ibang klaseng bultahe ng kuryente ang ginamit ko para hindi sila mamamatay," dugtong pa nito, "By the way, are you okay?"
Hindi pa rin siya makapagsalita sa pagkabigla. Napalunok muna siya ng laway bago niya pinagmasdan ang lalaking nasa kaniyang harapan. She just witnessed Ivan's capability as a god, a while ago. He is a god, alright. At katulad ni Zeus, may kakayahan din siyang kontrolin ang kidlat. Scary to witness it firsthand.
Maya-maya pa, inilahad na nito ang kanan niyang kamay para siya tulungang makatayo. Napanganga na naman siya. Tahimik na pinagmasdan ang malapad nitong palad.
Nagdadalawang-isip si Diara na kunin iyon. Paano na lang kung mayro'n pa niyang kuryente? Paano na lang kung alam na nito ang tunay niyang misyon?
"Hawakan mo ang kamay ko o bubuhatin kita diyan. Mamili ka, Ms. Vena," pangisi pa nitong tugon, revealing his white teeth. Mas lalo tuloy siyang naging appealing sa kaniyang paningin.
"What are you, exactly?" Nakatingala pa rin siya sa gwapo nitong mukha. Ngayon lang niya napansin ang mga mata nitong sobrang itim ang kulay. Kakulay ng gabi, kakulay ng dilim, na mas lalong nagpadagdag ng pagkamisteryoso nito sa kaniya.
"Ikaw, Ms. Vena." Nagbago ang expression ni Ivan sa kaniya. Isang segundo lang, hawak na nito ang kaniyang beywang. Bigla na lang itong nakarating sa kaniyang likuran at tinutukungan siyang makatayo. Nararamdaman niya ang mainit nitong palad sa kaniyang likod, caressing her. "What are you, exactly?" biglang bulong nito sa kaniyang tainga habang kapwa na sila nakatayo.
Nagtama ang kanilang dalawang mata. His eyes and hers. Parang gusto niyang manlamig nang mawala na naman ang mga ngiti nito sa labi at nakatutok lang ang atensiyon nito sa kaniya.
"You owe me an explanation," seryoso nitong sabi habang hindi pa rin tumitinag sa sobrang pagkakatitig sa kaniya. "I wish I can read minds, but not today. So, you have to give me one."
Parang ayaw niyang tumango. "I don't need to explain. This is just a dream. We are both having the same dreams," pagtatanga nito sa kausap, nagpapasakaling matanga nga.. "You'll see. Gigising ka rin sa bangungunot na ito at masasabi mo rin sa sarili mo na ang mga ito'y wala lang. Mga kathang-isip. Mga produkto sa imahinasyon."
Napahalumikipkip si Diara pagkatapos niyang magpaliwanang nang pabalbal at wala pang kagatol-gatol, para kunwari, totoo.
"A dream, huh?" He smiled again. He makes one step forward, na mas lalong nagpalapit sa kaniya ng husto, "I can do whatever I want, right?"
BINABASA MO ANG
ADK V: Dark Kismet (✔️)
FantasyIf only she can be with him as if the world are theirs, if only she can give him a smile like they usually has given to him, and if only she can hold him like a lover in nothingness and death. But everything fades like a hopeless miracle, because th...