Chapter 30: Until The End

1.1K 51 5
                                    

Chapter 30
 
PART ONE
 
 
 
"Hindi ka na sana pumunta pa rito." Nakaabang na sina Bliss at Eze sa pasilyo, at naghahanda na rin sa isang labanan. "Huli ka na, estranghero. Bitag na lamang ang nakaabang sa inyo sa lugar na 'to," pangiti pa nitong dagdag.
 
Unang lumapit si Eze at ibinabalibag si Ivan papasok sa silid na 'yon. Nagsigawan ang dalawang tagasilbi sa loob habang si Ivan naman ay bumagsak kasama sa mga nakatayong istatwa ng mga sundalong gawa sa bato. Kung ordinaryong tao lamang siya ay napuruhan na siya nang sobra. The pain is too unbearable, yet he can still manage to stand up.
 
"Alam na namin kung ano'ng klaseng nilalang ka. Hindi mo na kailangan pang magtago." Naglabas si Bliss ng espada at naglakad papalapit sa kaniya. "Pasensiyahan na lang kung hindi mo kayang magamit ang anumang salamangka na mayro'n ka. Dito magtatapos ang buhay mo."
 
Walang itinugon si Ivan. This isn't the end of his life. Marami pa siyang plano at masyado pa siyang bata para mamatay.
 
Lumusob si Eze sa kaniyang gawi, bitbit ang espada nito. Ivan moves so quickly that he doesn't need any power to fight against them. Yumuko siya kaagad, bago pa man nakadapo ang espada sa kaniyang ulo. At mabilis na sinuntok niya ang sikmura nito nang ubod ng lakas. Napahinto si Eze na siya namang naging hudyat upang patamaan ang braso nito at malaglag ang espada. Isa pang atake ang mabilis niyang ginawa nang pinatid ni Ivan ang tuhod nito, at saka niya sinipa nang tuluyan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi man lang nakahuma ang kaniyang kaharap.
 
Naagaw ni Ivan ang espada ni Eze at saka naman niya pinagtuunan ito ng pansin. "Kahit ano'ng mangyari, lalabas ako rito ng buhay. At isasama ko si Snow. Hindi niyo siya pagmamay-ari para pag-eksperimuntahan at paglaruan lang. Hindi siya kasangkapan. Tao siya."
 
Narinig pa niyang tumawa si Bliss, bago nagsalita. "Walang ordinaryong tao ang magkakaroon ng kapangyarihan, katulad mo. At wala ka nang pakialam pa ro'n kung gagawin namin siyang kasangkapan para sa aming mga plano."
 
Nagtama ang kanilang mga espeda at umingay pa lalo ang buong kapaligiran.  Sa bawat paggalaw nila ay para bang sumasabay din ang hangin sa kanilang naiibang pagsasayaw. Pareho silang magagaling sa paggamit ng espada, pero 'di hamak na mas madami ang kaalaman ng kalaban ni Ivan, kumpara sa kaniya. Pinilit ni Ivan na pakipagsabayan sa dalubhasang sundalong 'to. Ngunit, nauwi rin ang lahat sa wala nang nadapyasan ang kaniyang kaliwang braso sa espada ni Bliss, at saka nito itinuon ang espada nito sa kaniyang dibdib.
 
"Tapos na ang paglalaro, bata. Marahil ay nanggagaling ka nga sa angkan ng mga  perpektong nilalang. Pero, ang isang karanasan ay hindi kaagad nahuhubog sa isang tingin lamang. Pawis, taon, at tiyaga, ang bibilangin mo para matalo mo ako sa isang duwelo. Hanggang dito ka na lang."
 
 
 
****
 
 
Dito alam ni Diara kung ito na nga ba ang masasabi niyang wakas, kung ang tingin lamang niya ay pawang kakaumpisa pa lang ng lahat. Para siyang nag-uumpisa mula sa pinakaumpisa. Parang ginawa na niya no'n pero hindi siya nagtagumpay. She barely breathes. If this is the end, maybe, she somehow scares of what will be the future. Her future...after this.
 
Ayaw na niyang patulan kung anuman ang sinasabi ni Kluner sa kaniya. Yes, she has fallen in love before. Pero, hindi rin iyon masasabing pag-ibig. Humahanga, Isa siyang tagahanga sa kaniyang kaibigan. Ideal man niya si Elliott, pero hindi sa katulad nang sinasabi nito sa kaniya.
 
Ilang minuto rin  ang namumuong katahimikan. Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad, hanggang marating nila ang kanilang destinasyon nang wala man lang kahirap-hirap. Things aren't supposed to be like this. Kapag masyadong mapayapa ang isang senaryo, mas lalong kinakabahan si Diara. Hindi man niya ipinapahalata, ngunit, takot na takot na siya.
 
Ilang minuto... Ilang minuto pa ang lumipas at saka lang niya napagtantong tama ang kaniyang hula. Her insticts are definitely right. At habang ninanamnam niya 'yon, nag-uunahan namang pumapatak ang kaniyang luha. Napatigil sila ni Kluner sa pinadulong bahagi ng palasyo. Doon sa maliit na silid na 'yon, hindi alam ni Diara kung kaya ba niyang sikmurahin ang kagimbal-gimbal na senaryong 'yon.
 
Mali ang nasabing haka-haka at isa lamang patibong ang lahat. Wala sa labas ang mga bihag kundi nasa loob mismo. Una niyang nakita ang kaniyang ina na wala ng buhay na nakahandusay sa sahid, at naliligo sa sarili nitong dugo. Hindi niya alam kung ano'ng unang mararamdaman sa masalimoot na sinapat nito. Duguan ang ulo at puno ng pasa ang buo nitong katawan, nanlambot si Diara habang hindi niya kayang makapagsalita man lang. Ang reyna ng ibang palasyo na nagmahal lang ng isang god hunter ay namatay nang ganito na lang kadali.
 
"M-Mama," nauutal niyang bigkas. Hindi siya makapaniwalang ganito na kasama ang sinapit nito. Para siyang nawalan ng lakas. Umulit na naman ang nakaraan.
 
At habang nanlulumo pa siya sa kaniyang ina, nasa kabilang sulok naman ang kaniyang ama na wari'y naghihingalo sa dami ng pasa at sugat sa katawan. Umiiyak habang natutulala. Nakatingin din sa asawa nitong wala ng buhay. At habang pinagmamasdan niya 'yon, mas lalong naninikip ang kaniyang dibdib. Na kahit sa'n siya magpunta, panganib at kamalasan lamang ang kaniyang hatid. Napahagulhol siya nang tahimik, at saka lang siya nilingon ng kaniyang ama sa kabilang mundo.
 
"P-Papa," sambit niya, "Hindi ko 'to sinasadya, Maniwala ka, Papa. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Ina."
 
Mabilis na kinalagan ni Kluner ang heneral sa mahigpit nitong pagkakatali. Halos wala na itong malay-tao pero pinilit pa nitong gumapang sa kaniyang asawa. Nothing is more painful than to see the death of a love one. Parang dinurog si Diara sa nangyari. At patuloy siyang nadudurog sa mga sandaling 'yon. Her father loves her so much.. and she dies in a horrifying way. Gustuhin mang lumapit ni Diara sa kaniyang mga magulang, ngunit hindi niya magawa. She loses her courage. Kasi alam niyang kasalanan niya ang lahat.
 
Ang lahat-lahat...

ADK V: Dark Kismet (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon