Part One:
Kumalas si Diara sa pagkakayakap niya sa kaniyang kuya.
"You're a god?" bulalas niyang tanong, habang palipat-lipat naman ang kaniyang tingin sa dalawang lalaki na naroon. Nag-pokus ang kaniyang mga mata kay Ivan na nakatingin din sa kaniyang gawi.
Marami siyang tanong. Madami dapat siyang itanong. Sa sobrang daming pumapasok sa kaniyang isipan, hindi niya alam kung ano ang dapat uunahin.
Napangiti pa siya nang pagak habang nakapokus ang kaniyang mga mata kay Ivan. "So, kamag-anak kita?" mapakla niyang tanong, na siya namang ikinatawa ni Nathaniel nang husto.
"Ano naman ang nakakatawa roon, Kuya?"
"It's not what you think," natatawang banat na rin ni Ivan habang napapakamot na sa ulo. "At isa pa, ayaw kitang maging kamag-anak."
Para namang nadismaya si Diara sa narinig, pairap niyang tiningnan muli ang kaniyang kuya. Napahalumikipkip, nagtanong siyang muli kay Ivan, "Dahil ba isa lang akong ordinaryo kaya ayaw mo akong maging kamag-anak? Dahil ba napaka-plain kong tao? Ganoon?"
"Diara, hindi sa ganoon. Ayaw lang kitang maging kamag-anak. Period. Walang negativity doon."
"Kalma," pagsusungit na ng Kuya Nathan niya. Tumingin naman ito kay Ivan at lalong sinimangutan, "Stop that! You're not helping."
"Libreng mag-explain," dismayado pa rin si Diara.
Nakita pa niya ang pagbubuntong-hininga ng kuya niya. Napansin din niya na hindi na ito ang walang kuwentong kuya niya na bina-badtrip palagi sa kanilang bahay.
"Do I still know you, big brother?"
"I'm still your brother," pakalma namang sagot nito. "Pareho lang tayong ipinanganak muli sa magkaparehang magulang. Mahirap mang aminin, ngunit sa reyalidad, hindi tayo magkaanu-ano."
It does make sense.
"Kamag-anak kita ngayon," pagpapaliwanag naman ni Diara. Sinulyapan naman niya si Ivan, "At kamag-anak mo ang isang iyan sa dati mong buhay? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Isa kang dating diyos?"
"Isa pa rin siyang diyos hanggang ngayon," pagtatama sa kaniya ni Ivan. "At hindi kita kaanu-ano," dugtong pa nito.
Hindi na lang ito pinansin ni Diara.
"So, ayaw mo talagang patayin si Ivan sa umpisa pa lang? Wala ka talagang balak, Kuya?"
Isang seryosong mukha lang ang itinugon nito, "Hindi siya ang gusto kong patayin, kundi ang ama niya."
Mukhang mas lumalala anglahat habang nalalaman niya ang tanong. Hindi niya alam kung ano ang totoo. Mas lalo siyang naguguluhan.
Ano ba ang nangyari? May nangyari ba sa pagitan ng kaniyang kuya at sa bagong tagapagmana ni Zeus?
Ang gusto lang naman niya ang simpleng buhay. Bakit habang tumatagal ay mas lalo pa yatang naging komplikado?
"Mahirap tumagal sa isang dimensiyon. Madali lang tayong matutunton dito. Let's move out in here," suhestiyon ni Ivan.
****
She wants to be stable in everything. Kahit iyon lang, magagawa niyang maging kalmado at kampante sa lahat. But, she just can't.
Nakakuyom ang mga kamay ni Diara habang tahimik na nakaupo sa isang upuan, na hindi naman kalayuan sa pwesto ng Kuya Nathaniel niya at si Ivan. Wala na sila sa mall, o sa gubat man. Nandoon sila sa isang tahimik na bahay na hindi pa niya napupuntahan. Pagmamay-ari raw 'to ng kuya niya, pero wala siyang matandaan sa kaniyang mga alaala na nakarating na siya rito.
BINABASA MO ANG
ADK V: Dark Kismet (✔️)
FantasiIf only she can be with him as if the world are theirs, if only she can give him a smile like they usually has given to him, and if only she can hold him like a lover in nothingness and death. But everything fades like a hopeless miracle, because th...