SF 5

300 41 17
                                    


"Hey, Kitty! Naestatwa ka riyan?" pasigaw na tanong ni Caren. "Oh, it's Cornelius," rinig kong sabi niya sa dalawa pa naming kasama.

"Hi, guys!" the three of them greeted and the boys also greeted them back.

"I'm sorry," I apologized before turning my back and confidently walked towards my friends.

Alam kong para akong supermodel sa lakad ko at alam ko ring nakatitig sa 'kin ang mga kasama ni Gavin. Pero ang Gavin? Sa dagat lang nakatingin. Maybe he's really a gay?

"Ba't 'di mo kinausap?" nakangiting tanong ni Aubrey.

"Hiya siya. Kitty Menken is shy," pang-aasar ni Caren sabay kurot pa sa gilid ko.

"Never ka talagang magkaka-jowa, Kitty, kung hindi mo i-a-approach 'yang si Cornelius," giit ni Helen. Umirap lamang ako sa kanila at dumiretso sa dagat para lumanggoy.

I don't know why, but every time Cornelius is near, hindi na ako makapag-isip nang maayos. Sa tuwing nasa malayo naman siya, confident akong nakatitingin sa kaniya pero 'pag nasa harapan ko na? Nganga, tameme ang diyosa.

Agad akong lumangoy nang nasa medyo malalim na parte na ako. I want to refreshen my mind. Kung bakit kasi ang landi ko kung manamit pero sa harap ng crush ko para akong si Maria Clara umasta? Para akong nahihiya tuwing nakikita niyang ang sexy ko manamit.

I really need to encourage myself so that I can approach Gavin, baka pati sa loob ng military school ay hindi ko pa rin siya malandi. Masasayang ang effort ko sa pag pasok do'n.

Pag-ahon ko ay narinig ko pang sumipol ang ibang kalalakihan na nakatingin sa 'kin. I know hot and maganda ako, pero kay Gavin lang ako. Naglakad na ako palapit sa mga kaibigan ko at sinabihan ko silang magsa-sunbathing muna ako.

"Okay, enjoy lang muna kami rito. Oh, Kitty! Can you order some drinks for us?" Tumango lang ako kay Helen bago dumiretso sa sun lounger na pinaglalagyan ng ibang gamit ko. I wore my aviators before calling the waiter to order us some drinks.

"Is that all, Ma'am?" tanong nito.

"Yes," I answered shortly.

Pinikit ko ang mga mata ko para mas makapag-relax pero sa kasamaang palad, hindi ko magawa dahil sa kakaisip kay Cornelius. How can he be so hot even in his white shirt and board shorts? I'm sure mags-surfing sila mamaya kasi mahilig sa surfing si Gavin. Paano na lang kung maghuhubad mamaya si Gavin? Baka lumuwa na mata ko sa ganda ng view.

Ilang saglit lang ay bumalik na sa mga sun lounger ang tatlo kong kasama, sakto rin na dumating ang mga drinks namin. "Alam mo talaga ang tastes namin, Kitty," komento ni Aubrey habang iniinom ang drinks niya.

"Of course, bff since sperm kaya tayo," sagot ko na ikinatawa nila. Habang tumatawa kami ay may lumapit sa 'min na isang lalaki. I know him, MVP siya ng basketball varsity namin sa WLU.

"Uh, Miss Kitty... can i ask for your number?" nahihiyang tanong nito. Agad akong ngumiti sa kaniya at nilahad ang palad ko. Agad naman niyang pinatong ang kaniyang cell phone dito.

"You're with Cornelius?" I asked.

"Uh, yes. We're having a despedida bago siya pumasok sa WLMA. Are you—" Agad kong iniabot ang cell phone niya at ngumiti sa kaniya.

"Yes, I'm also having a despedida with my friends. By the way, what's your name, again?" I asked while smiling sweetly at him.

"Khyle. My name is Khyle Ford," sagot niya at nilahad ang kaniyang kamay.

"Nice to meet you, Khyle. I'm Kitty Menken." Agad akong nakipagkamay sa kaniya habang nakangiti pa rin. Narinig ko pang nagsigawan ang ibang kasama ni Gavin nang magtagal ang kamay namin ni Khyle sa isa't isa. Lumingon din ako kung saan nakaupo si Gavin, as usual hindi man lang ito sumulyap sa amin.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon