SF 21.1

226 21 21
                                    


Unang pumasok ang team ni Warner sa pinto na nasa harapan, sunod naman ay pumasok din ang mga myembro ni Kitty.

"Did someone saw Kitty?" tanong ng isa nilang kaklase. Napatingin naman sa lahat ng screen ang iba pa nilang kaklase ngunit hindi nga nila mahagilap si Kitty. Hindi ito nakikita ng mga camera.

Ang grupo naman ni Godfrey ay agad nahati sa dalawa: kasama ni Warner si Jackie, si Barron naman ay kasama si Davies. Mahusay na nagpapaputok ng baril si Warner, walang palya itong tumatama sa ulo mismo ng pulang target. Gano'n din ang iba niyang miyembro, alerto ang mga ito at magaling din humawak ng baril.

Sa kabilang banda naman ay ang grupo ni Kitty. Si Danica ang nagbibigay ng mga hand signals sa kanilang team. Makikita rin ang galing ng mga miyembro ni Kitty ngunit mas lamang pa rin ang grupo ni Warner kung puntos ang pag-uusapan.

Lahat sila ay naka-focus lang sa kung saan naroon ang dalawang grupo, tatlo lang ang nakapansin na iba na ang posisyon ng ibang camera. Ngumisi si Gavin at si Supervisor Driscoll sa kanilang nakita habang ang Commandant naman ay seryoso pa ring nakatingin sa mga monitor. Isa lang ang nasa isip nilang tatlo, si Kitty ang may gawa no'n.

Nang tumunog ang alarm hudyat na tapos na ang kanilang oras ay agad silang lumabas. Huling lumabas ang isang myembro ni Kitty na mayroong ngiti sa mga labi. "Wait, ba't hindi ko napansin na humiwalay si Wang kina Estrella?" tanong ng isa.

"Oo nga, sobrang focus 'ata natin sa team ni Godfrey."

Nang dumating ang dalawang team ay huling lumabas si Kitty sa silid. "Kitty? Sa'n ka galing? Wait, 'wag mo sabihing 'di ka sumali?" Nanlakaki pa ang mga mata ni Drey habang nakatingin sa dalaga. Gano'n na ba katapang ang dalaga para hindi sumali sa mock-up training nila?

Ngumiti lamang si Kitty at nakipag-apir sa mga miyembro. Walang nakakaalam kung ano ang ginawa ng team nila Kitty ngunit isa lang ang nasa isip nilang lahat, panalo na ang team ni Godfrey.

Habang tinatawag ang sunod na papasok sa loob ng building ay nakita nilang lahat na pumasok ang mga sundalo sa loob nito para tignan ang mga puntos nila at palitan ang ibang targets.

-

Matapos ang kanilang mock-up training ay agad silang nagpunta sa field at bumuo ng Formation. Hinihintay nila ang kanilang mga puntos.

"Cornelius' team, 98."

"Cunningham's team, 81. One miss, One yellow target shot. If you're really in the battlefield, ubos na kayo sa bombang pinatamaan niyo. Take note, always be alert and always be sure that you didn't shoot the wrong target."

"Godfrey's team, 96."

"Menken's team, 100. Their team got the highest score," sabi ni Commandant na ikinalaglag panga ng lahat. Paano iyon nangyari?

"Sir, sigurado kayong hindi nagkabaliktad sa score nina Godfrey 'yan?" tanong ng isa nilang kaklase.

"Do I look like dumb to you, Seros?"

"No, Sir!" Nag-attention ito bago sumagot at bumalik din ulit sa pagpa-parade rest.

"They are the highest because they've reached the top floor of the building. Most of you only reached the 3rd floor but they reached the 6th floor. How? Let's ask, Menken and her team." Napatingin naman ang lahat sa kinaroroonan ni Menken at ngumisi lang ito sa kanila bago nagsalita.

"After we saw the 'Deception' on our paper, I asked my teammates to enter the building without me. I want all of you to only focus on Warner's team and think that we're losing. I guess, my plan worked. When my teammates entered the building, Wang is with them at first. But in the middle of the training, he disappeared. I know most of you didn't notice that he's not with Danica anymore. I asked him to go to the top-floor of the building, I told him to shoot all the red targets he'll see on the left side of the building down to the 4th floor. I also asked him to change the positions of the cctv camera's to let Cornelius, the Commandant, and the Supervisor think that it was me who's messing with the position of the cameras."

"So where are you the whole training? Watching?" her classmate asked.

"I was in this building." Ngumisi ang dalaga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I was on the rooftop sniping all the targets on the right side of the training building. You didn't see anyone shot those targets, thanks to Wang who changed the cctv camera's position."

"So anong connect no'n sa nabunot niyong 'Deception?' 'Di ba dapat ang kalaban ang maloko?" tanong ulit ng isa pa nilang kaklase.

"Hindi lang ang mga kalaban ang dapat naming maloko, dapat pati na rin kayo. Why? Gaya ng ginawa ko kanina, maaaring humiwalay ang isang miyembro sa buong team nina Godfrey dahil wala namang sinabi si Commandant na bawal humiwalay. Kung nasa totoong laban man kami at mayroon ngang nanonood saamin dito na mata ng kalaban, maaaring mabulilyaso agad kami. So I need all of you think that we are loosing, that is what we called feigned attack." Matapos sabihin iyon ni Kitty ay napapalakpak na lang si Supervisor Driscoll.

"You got me, Menken. Hindi ko rin napansin," sabi nito at bahagyang ngumiti. Si Commandant Vessero naman ay tumango lang sa team ni Kitty bago ipinagpatuloy ang pag-announce sa mga scores.

Matapos ma-announce ang kani-kanilang scores ay pagod silang lahat na bumalik sa dorm. Halos hindi pa rin makapaniwala ang iba sa nangyari ngunit hindi nila maiwasang maisip na naloko nga sila ni Kitty.

"Kitty!" tawag ni Drey sa dalaga. Napatingin naman si Kitty sa binata at nginitian ito. "Congrats! Buti pa kayo. Kami, muntik pang ma-lowest."

"Bawi na lang kayo sa susunod, malay mo magka-team na tayo," nakangiting sabi ng dalaga. Hindi mapigilan ni Drey ang mamangha sa ganda ng ngiti ng dalaga. Sa ilang buwan niyang nakakasama ito ay tila hindi man lang siya nagsawa sa mga ngiti nito. "Hoy!"

"Ah?"

"Sabi ko, bawi kayo next time."

""Ahhh... Oo, babawi... babawi," tanging sagot ni Drey bago umakyat ng ikatlong palapag.

"Cute," nakangiting sabi ng dalaga bago pumunta sa kwarto niya. Ngunit mayroong hindi inaasahang tao ang nakatayo sa harap ng kaniyang pinto. "Gav?"

"Katniss, let's talk," sabi ni Gavin. Mayroong kung ano sa mga mata nito na hindi mapangalanan ni Kitty. Tumango lang ang dalaga at binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto at pinapasok din si Gavin bago isara.

"What do you want to talk about? Is it about strategies? Tactics? Mas magaling ka naman sa 'kin," tanong ng dalaga.

"I-i'm sorry," may hiyang sabi ng binata.

"Huh? For what?" litong tanong ni Kitty.

"For rejecting you again and again. But, Katniss... I can't hide it anymore."

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon