"Estrella? Kaano-ano mo si Commander Estrella, Danica?" tanong ni Padillo sa dalaga habang naghahanda sila sa last test."He's my father," maikling sagot ng dalaga na ikinagulat ng tatlo niyang kasama.
"So madali lang para sa 'yo ang makapasok sa Special Force?" kuryosong tanong ni Wang. Lahat ng estudyante sa WLMA ay nais makapasok sa Special Force kahit na mas delikado ito. Mas malaki kasi ang sahod rito at maraming benefits para sa kanila ang pagiging parte ng Special Force.
"No," sagot ng dalaga. Napakunot naman ng noo ng dalawang kasama. If the Commander is her father, she can easily pull some strings but what's with Danica's face? Is she not happy to see her father after how many months? Is she not happy that her father is the Commander?
"You look unhappy," Kitty said to Danica.
"Honestly, I don't want to talk about it but I treat you as a friend so I'll tell you a bit." Danica let out a sigh before talking again. "I am the only girl in the family and my father is unhappy about that."
"But why?"
"He wants his children to be one of the army in West Land. He thinks I am weak, fragile, and I can't enter a military school because I am born female and not male. My brothers are already part of the Military, they are also in the special force. That's why I want to prove it to them that I can also enter the special force without their help."
Matapos sabihin iyon ni Danica ay wala nang nagsalita pang muli sa kanila hanggang magsimula na ang ikatlong pagsusulit. Si Padillo ang unang sasabak sa pagsusulit na kung saan ay mayroon siyang sampung bala at sampung minuto.
Nang tinawag na siya ay agad siyang tumayo sa gilid ng iba pa niyang mga kaklase at naghanda. Hawak ang isang rifle ay tinira niya ang silhouette target nang pumito ang isang sundalo bilang hudyat. Sa loob ng sampung minuto ay kinakabahan siya ngunit kailangan niyang galingan sa pagtira dahil nais ng kanilang lider ang manalo sa pagsusulit na ito.
Matapos ang sampung minuto ay mayroong pumunta na mga sundalo sa silhouette target para tingnan ang kanilang mga puntos. Pagkatapos no'n ay si Danica naman ang humawak ng kaniyang rifle at lumuhod sa 200 yards shooting range.
Mayroon lamang siyang 60 seconds sa sampung tira. Nang pumitong muli ang sundalo ay mabilis ang mga kamay niyang tumira sa target gamit ang rifle, pati sa pag-reload ng ammo ay tila eksperto na siya rito.
Napakahirap ba naman ng mga trainings na ibinigay sa kaniya ni Kitty at ni Sergeant Grey, sinong hindi gagaling? Ilang weeks din siyang naglagay ng sandbags sa katawan niya habang nasa training, ngayong tinanggal niya ay mas naging magaan nga ang kaniyang katawan at mas madaling napoposisyon.Pagkatapos nina Danica ay muling bumalik ang mga sundalo sa silhouette target at tiningnan ang kanilang mga puntos.
Agad pumunta si Wang nang matapos ang mga sundalo sa pagtingin sa mga puntos. Siya naman ngayon ang babaril sa loob ng 70 seconds. Muli ay tumunog ang hudyat at agad silang nagpaputok.
Si Kitty naman na nanonood ay napatingin sa tatlo na kasabay niya sa 600 yards, sina Gavin, Drey, at Warner. Siyam silang magkasabay ngunit sa tatlo lang siya kinakabahan. Magagaling ang tatlo, lalo na si Gavin ngunit kailangan niyang manalo sa huling pagsusulit na ito. Ayaw niya magpatalo.
Nang tinawag na sila ay lumipat sila sa 600 yards shooting range. Dumapa silang siyam bago pumito ang sundalo. Dahil 20 minutes naman ang ibinigay na oras sa kanila ay kada minuto ang kanilang tira. Kahit malayo ang silhouette target ay parang wala namang problema ang apat. Nasa kanila lang din ang atensyon ng tatlong opisyales na nagpunta sa kanilang pagsusulit.
Pagkatapos ng 20 minutes ay bumalik sila kung nasaan ang kanilang grupo. Tinawag din sila para bumalik na sa kanilang formation.
"Here are your scores." Agad silang napatinging lahat sa score board. "The highest in the last test is Cornelius' team and Menken's team. So we'll have a tie breaker." Agad pinapunta si Kitty at si Gavin sa shooting range. Mayroon lamang silang isang bala na kailangang itira para sa kanilang tie breaker. Nang pumitong muli ang isang sundalo ay bumaril ang dalawa. Pagkatapos no'n ay pinuntahan ito ng mga sundalo at bumalik sa kinaroroonan ng Commandant.
"Cornelius, 9 ring. Menken, 10 ring," sabi ng Commandant. "Menken's team is the highest in this last test. Congratulations!" Lahat sila ay nag-salute sa Commandant at sa kanilang mga bisita. Nang umalis na ang mga ito ay agad silang nagdiwang.
"We won, Kitty!" sigaw ni Danica at yumakap kay Kitty. Yumakap din pabalik si Kitty sa dalaga at tinawag ang dalawa pa nilang kasama para yumakap din. Nagyakapan lang silang apat ngunit agad ring napakalas ang apat nang may umubo sa kanilang gilid.
"Do you need something, Gavin?" tanong ni Kitty. Sinamaan siya ng tingin ni Gavin, malamang ay nagseselos na naman ang binata dahil sa kung sino-sino ang kaniyang niyayakap.
"Congrats," maikling sabi ng binata at tumalikod sa kanila. Lihim naman siyang napatawa sa inasta ng binata at sumunod rito. Nagpaalam muna siya sa tatlong kasama bago humabol sa binata.
"Hey!" tawag ni Kitty sa binata. "I told you, we'll win," nakangiting sabi ng Dalaga.
"I lose intentionally," sabi ng binata na ikinatawa ng dalaga.
"I know you won't do that because you know you'll only hurt my ego..." mahinang sabi ng dalaga.
"The last time when we're at the boxing ring, you asked me to lose intentionally. Did I hurt you back then?" nakangising tanong ng binata.
"Nah... alam naman nating dalawa kung kailan ilulugar ang mga sarili natin. Naglalaro lang tayo that time, ngayon ay iba 'to. You didn't lose intentionally, right?" Tumingin ang binata sa kaniya habang nakangisi pa rin.
"What do you think?" Napairap na lang ang dalaga sa binata. Alam niyang hindi sadya ang pagkatalo ng binata kung ganiyan ang mukha nito at inaasar siya.
"Bahala ka nga! Kami pa rin panalo," masungit na sabi ng dalaga at iniwan si Gavin na tumatawa.
"Pikon."
BINABASA MO ANG
WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)
AçãoWest Land series #2 West Land Military Academy is a school for students who want to be one of the west land's pillars. It's either you will be a soldier of West Land or you will join the Special force of the said city after you graduate. One of the...