SF 34

176 15 20
                                    

Kitty’s POV

“Let me ask the Five of you, again. Why didn’t you follow your superior’s order?” tanong ni Commander Estrella sa amin.

“That was your first mission here in the Special Force and yet you failed! How am I supposed to explain this to the headquarters?” Makikita sa mga mata ni Commander ang inis niya sa amin ngunit nanatili lang kaming lima na tahimik habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Alam naming lahat na mayroon kaming nagawang mali at ang mangatwiran ay wala nang magagawa pa.

“Huh? That I accepted new graduates incapable of following orders from their superiors? I am glad to see that the five of you are safe. But the next time you won’t follow your superior’s order, don’t expect that you’ll still be part of the Special Force.”

Lahat kami ay nanatiling walang imik at diretso lang ang tingin sa harapan. Hindi ba sobra naman kung aalisin kami sa Special Force dahil lang sa hindi kami sumunod? Alam kong naging willful kami pero hindi ba’t para sa aming kasamahan din naman ang ginawa namin? We rescued Warner because he’s our comrade! We are comrades!

“Since the five of you are new graduates, I’ll let this pass. But remember what I said, you'll leave the Special Force once you disobey your superior’s order again. Understand?”

“Yes, Sir!”

“The five of you will have three days suspension. Dismiss.” Sabay kaming nag-salute kay Commander Estrella at lumabas ng opisina nito. Thank God it’s only a three-day suspension.

“Leisure time again,” sabi ni Drey pagkatapos ay sumipol-sipol pa.

“Where to?” excited kong tanong sa apat.

“Let’s go hiking!” sagot ni Drey sa tanong ko. Hindi pa ba siya nagsasawa sa lahat ng hiking na ginawa namin sa WLMA? Kasi kung ako ang tatanungin, sawang sawa na ako sa pag-akyat ng bundok.

“Wala bang bago?”

“Instead of getting sad for being suspended, the both of you are planning for an adventure?” nakangiwing tanong ni Warner.

“Why not? Dapat bang lumungkot kami dahil na-suspend tayo?” masungit na tanong ko sa kaniya.

“‘Wag na kayong mag-away, okay? Mag-beach na lang tayo,” sabi ni Danica sa amin.

“Beach na naman,” bored na sabi ni Drey. Right! Puro kami beach last month. Nakakasawa na rin.

“Kung gagala kayo, ‘di kami sasama ni Danica. We have a date,” nakangising wika ni Warner na ikinasimangot namin. Ang killjoy talaga ng sungit na ‘to, akala mo sila na ni Danica.

“I also have a date with my girlfriend. Hindi ako makakasama,” sabi ni Gavin na ikinalito ko. May kabit ba siya? Kasi kung ako ang girlfriend na tinutukoy niya, wala naman kaming usapan.

“May ka—“

“Only you, Baby. Only you,” putol nito sa ‘kin. “Let’s have a date, okay?” Blangko man ang mukha niya habang sinasabi ito ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin. Ngayon lang ‘ata nag-insist ang lalaking ‘to na mag-date kami sa labas.

“Okay!” masiglang sagot ko na mas lalong ikinasimangot ni Drey.

“Am I the only single here?” nakasimangot na tanong nito sa ‘min.

“Maghanap ka na kasi ng girlfriend,” nakangiting sabi ni Danica.

Tumingin sa ‘kin si Drey bago nagsalita. “The girl I like is already taken,” malungkot na sabi nito. “But... I know I’ll find someone else. Yung mas maganda sa ex-crush ko.” Ngayon ay nakangiti na ito. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala na siyang ibang mahahanap pa na mas maganda sa ‘kin, ‘no! Nangangarap nang gising.

“Tsk.” Napatingin naman ako kay Gavin at ngumuso. Nagseselos na naman siguro ito.

“Look! Our brave new recruits,” nakangising bati ni Hanzo. Nakakairita talaga ang pagmumukhang mayroon siya. Kung hindi lang siya kapatid ni Danica ay baka nakahiga na siya ngayon sa sahig at nagmamakaawang pakawalan. “I heard you didn’t follow your captain’s order?”

Gusto ko siyang sagutin ngunit agad akong hinawakan ni Gavin sa kamay. Right, kailangan kong umiwas sa gulo.

Umirap na lamang ako kay Hanzo at tiningnan ang apat kong kasama. “I think we should get out of here na. May asungot kasing naghahanap ng gulo, wala namang binatbat ‘pag nilabanan mo.”

Sa tingin ko ay nainis ito sa sinabi ko ngunit hindi ko na pinansin ang nakamamatay niyang tingin at hinila na si Gavin paalis. Sumunod naman ang tatlo sa amin.

“Tingnan natin kung saan ang tapang n’yo oras na matanggal na kayo sa Special Force,” inis na sabi nito saamin.

“Could you please shut up, Hanzo? Para kang batang nakulangan sa pansin,” naiiritang sabi ni Danica. Go, girl! Labanan mo ‘yang kapatid mong asungot.

“What the—“ Akmang susugod si Hanzo sa kapatid ngunit agad na iniharang ni Warner ang kaniyang sarili sa harapan ni Danica.

“Touch her and I won’t hesitate to cut those hands,” matigas na sabi ni Warner at pinasadahan ng tingin ang kamay ni Hanzo.

Bakit hindi ganiyan si Gavin sa ‘kin? ‘Pag may nakakasagutan ako, hinahawakan niya lang ako, hindi siya haharang para protektahan ako. Hindi siya sweet!

“Tsk!” tanging tugon ni Hanzo at tumalikod sa amin. Kami naman ay naglakad na rin paalis ng kampo para umuwi dahil suspended nga kami nang tatlong araw.

-

“I’ll see you tomorrow, I love you,” saad ni Gavin saka ako hinalikan sa labi bago umalis. Pagkatapos namin kanina ay dumiretso agad kami sa kanya-kanya naming mga bahay. Si Gavin naman ay dumiretso sa amin para sabihin kina Mom and Dad kung bakit ako nakauwi.

Nagulat pa si Mom na na-suspend kaagad kaming lima kahit na kapapasok pa lang naman namin ngunit matapos mag-explain ni Gavin ay agad namang naintindihan ni Mom.

Sa bahay rin pinakain nina Mom si Gavin. Welcome na welcome talaga siya sa pamilya namin. Minsan nga ay mas anak pa ang turing nila kay Gavin, mas pinagsisilbihan pa nila ito sa hapag kaysa sa akin.

“How’s your relationship going?” biglang tanong ni Dad sa ‘kin nang makapasok ako sa loob ng bahay.

“Ayos naman, Dad. Hindi naman pupunta si Gavin dito kung hindi kami ayos,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. Ngunit napalunok na lamang ako sa mga tinging ibinibigay ni Dad sa akin. May nagawa ba akong masama?

“You know I’m not pertaining to Gavin, Katniss. I’m asking you how’s your relationship with—“

“Dad, akyat lang ako,” putol ko sa sasabihin niya at nagmadaling pumunta sa kwarto. Ba’t ba ako kinakabahan nan ganito?

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon