SF 21

239 22 18
                                    

Kitty's POV

Katatapos lang ng river crossing namin at pabalik na ulit kami sa Academy. Until now, I still can't stop thinking about Gavin's smile. Para bang nahulog ulit ang puso ko. Ang rupok naman, ngiti palang yun, ha? Yung katawan ding pandesal, nakakabusog-akala ko ba si Drey na, Kitty?

"Sana dalawa ang puso ko~" kanta ni Danica sa gilid ko. Tiningnan ko siya nang masama pero tumawa lang siya. "Akala ko pa naman si Drey na talaga." Kinurot niya pa ang tagiliran ko.

"Ouch! Confused rin ako sa nararamdaman ko." Umirap ako sa kaniya at naunang pumasok sa dorm. Hindi ko maintindihan 'tong puso't isipan ko. Ang puso ko, tumibok na lang bigla-bigla dahil kay Gavin habang ang utak ko naman ay puro Drey. Sana pala kay Warner na lang ako nahulog.

"Are you thinking about me?" biglaang sulpot ni Warner sa tabi ko.

"You scared me!" bulyaw ko sabay palo sa balikat niya. "Kababalik mo lang?" Tumango siya sa 'kin. Tiningnan ko naman ang kabuuan niya, parang stress na stress siya at parang ilang araw na siyang hindi natutulog.

"How's your wall climbing?" tanong nito.

"Ayos lang, I'm slowly overcoming my fear," sagot ko rito. "How about you? Ayos ka lang? You look stressed." Warner and I aren't close but we are comrades, I should also comfort him.

"I'm fine, Kitty. I'll just get some sleep," sabi nito bago ako iniwan. The Warner I know won't answer me this way. Lagi siyang nagsusungit at nakakainis ang ugali niya pero iba ang nakita ko ngayon. Parang ito ang unang beses na nag-usap kami nang hindi nag-iirapan.

"Pumapangit na ang maganda mong mukha," pang-iinis ni Danica sa 'kin nang makaabot sa kinaroroonan ko.

"Ayos lang. Mas pangit ka pa rin naman," sabi ko at ngumisi sa kaniya.

"Nakakainis 'to!" Padabog na naglakad si Danica at nauna na. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa babaeng 'to. No'ng una naman, napaka-unapproachable, ngayon ay sobrang kulit na.

Gaya ng lagi kong ginagawa ay naligo muna ako bago dumiretso sa canteen para kumain. Pagkatapos kumain ay umakyat ulit sa ikalawang palapag at natulog. Paggising ko ay hinintay ko pa ang ibang kaklase ko para magsimula sa aming warm up exercise. Sinabihan kasi kami ni Commandant kahapon na sabay-sabay na raw kaming mag-warm up lahat.

Pagkatapos ng warm up namin ay dumiretso agad kami sa isang building kung saan ginaganap ang mga trainings. Nasa isang silid kami na puno ng monitors na makikita ang buong building na gaganapan ng mock-up training.

Ngayong araw ay may mock-up training ulit kami. Ang kaibahan lang ay it-team up kami ni Commandant sa apat. Sa bawat team ay may apat na miyembro at dahil 38 kami, may dalawang team na may limang miyembro. Ang sabi ni Commandant, kung isa na raw talaga kaming ganap na sundalo, magkakaroon din kami ng team ngunit isa sa team namin ay Noncommissioned officer kagaya ng Sergeant, Staff Sergeant, at iba pa.

"The teams who will enter the building first. Cornelius, Gabino, Caballero, Turner Vs. Cunningham, Ty, Pinkerton, Matsumoto." Pinalapit ni Commandant ang team captain ng dalawang grupo kaya lumapit agad si Gavin at Drey.

"Kung sinong manalo, siya future mo," bulong sa 'kin ni Danica at sinundot-sundot ang tagiliran ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpokus na ulit sa nangyayari.

May pinabunot si Commandant sa dalawa, sa tingin ko'y ito ang paraan ng pagpasok nila. Sa loob ng building na ito ay mayroong mga targets; red kung ito ay criminal, yellow kung may suot na bomba ang criminal, at green naman kung sibilyan. Kung sino ang mayroong pinakamaraming napatumbang criminal, sila ang panalo at makakakuha ng isang daang puntos. Ang makakatama naman sa dilaw at berde na target ay bawas puntos.

Pagkatapos mag-usap ng dalawang team ay kanya-kanya na silang pumasok. Ang team ni Drey ay dumaan sa likurang bahagi ng building habang ang team naman ni Gavin ay dumaan sa bintana ng ikalawang palapag gamit ang grappling hook. Isa-isa silang pumasok habang nasa unahan ang kanilang mga Captain.

Nakakuyom ang kaliwang kamay ni Gavin habang nakataas na ibig sabihin ay Attention. Nag-hand signal siya ng numero (2) bago nag-signal ulit ng direction. Nag-hand signal naman ang kaniyang mga kasama, hudyat na alam na nila ang kanilang gagawin. Muli ay nag-hand signal si Gavin ng Advance bago siya pumasok at binaril ang pulang target.

Nag-take cover naman ang dalawang kasama nito habang ang isa ay look out. Pagkatapos ng silid na iyon ay gano'n pa rin ang ginawa nila, wala pang mintis ang mga naging tira ng team ni Gavin kahit pa kasama sa team nila si Florence.

Ang team naman ni Drey ay nasa unang palapag. Nag-hand signal si Drey ng negative sa kaniyang mga kasama nang makitang walang target sa loob ng silid. Gaya ng naunang ginawa ay pumasok sila sa isa pang silid at doon binaril ang pulang target. Sa sunod na silid ay walang nakita sina Drey kaya nag-hand signal siya ng move out pero may biglang tumayo na target, mabilis ang reaksyon ng kasama ni Drey ngunit isang pagkakamali ang mabaril ang dilaw na target.

Walang nagawa ang team kun'di ang lumabas ng silid at pumasok sa isa pa. Pagkatapos nila sa unang palapag ay dumiretso rin sila sa ikalawang palapag ngunit halos may tama na ng baril ang mga target na naroon. Binilisan nila ang kanilang galaw hanggang sa makarating sa ikatlong palapag. Nagkasalubong pa sila nina Gavin pero agad rin namang nag-iba ng daan ang dalawang team.

Nang tumunog ang alarm sa buong building ay tumigil na ang dalawang team sa kanilang ginagawa at lumabas ng building. "Well done, team," sabi ni Gavin sa mga miyembro at naupo sa bakanteng upuan.

"Next 2 teams, Menken, Estrella, Wang, Pillado Vs. Godfrey, Taylor, Barron, Davies." Agad na lumapit sa akin ang kasama ko sa team, ilang sandali pa ay tinawag kaming dalawa ni Warner para bumunot.

Pagkatapos naming bumunot ay bumalik kami sa kanya-kanya naming team. Binigay ko kay Danica ang papel at binuksan niya naman ito. 'Deception.' Nagbigay kaagad ako ng mga instructions sa kanila, tanging tango lang ang sagot nilang lahat kaya pumasok na kami nang pumito na si Commandant.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon