Lahat sila ay walang imik nang dumating si Sergeant Lowell. Medyo nagulat pa ito sa kanilang mga ekspresyon ngunit hindi na ito pinagtuunang pansin ng Sergeant."Our mission is to locate where the next transactions will take place. Private Menken, do you have any idea where the next transactions will happen?" tanong ni Sergeant.
"Yes, Sir. They usually have transactions near the shore. Kailangan nila na malapit sila sa dagat dahil nando'n ang barkong pinagkakargahan nila ng mga kontrabando. Sigurado akong sa daungan ang kanilang diretso."
"Tatlo lang ang daungan dito sa West land, maghihiwa-hiwalay tayo?' tanong ni Drey.
"Let's have a plan first," sabi ni Danica.
"That's good. Let's have a plan," tumatangong sabi ni Sergeant Lowell.
"What if i-hack natin ang lahat ng CCTV cameras na malapit sa daungan para hindi na tayo maghihiwa-hiwalay?" suhestyon ni Warner.
"No, if we'll do that, we might miss their next transactions. Hacking CCTV cameras is not enough," seryosong sagot ni Gavin sa suhestyon ni Warner.
"So we'll need to separate ways?" muling tanong ni Drey.
"Yes," sabay na sagot ni Gavin at Kitty.
'Do they share the same brain?' tanong ni Drey sa kaniyang isipan.
"Sir, I want to volunteer-"
"No, you're not going to do that, Katniss."
"'Wag mo 'kong pinuputol, Cornelius!" inis na sabi ng dalaga at umirap. "I can handle this. Isa pa, nag-espiya na rin ako noon sa kanila."
"Alright, I'll also volunteer to hack all the CCTV cameras in West Land," sabi ni Gavin na ikinanganga nilang lahat. Seryoso ba ang binatang 'to? Ilang libong CCTV camera ba ang mayroon sa West Land? And West Land's technologies are advance!
"That's a lot of work, Private Cornelius," manghang sabi ni Sergeant Lowell. Hindi siya makapaniwala sa dalawang ito. Paanong madali lang para sa dalawa ang magdesisyon habang siya naman ang in charge sa misyong ito?
"I can also handle it, Sir. Isa pa, kilala akong hacker noon."
"Seryoso?" tanong nilang lahat maliban kay Sergeant Lowell.
"Of course... not." Lahat sila ay hindi maipinta ang mukha sa sinabi ni Gavin. Seryoso lamang ang mukha nito habang tinitignan silang lahat. Malamang ay biro iyon na hindi.
"Joke 'yon?" tanong ni Drey.
"Baka oo, Drey, kasi nakakatawa," sabi ni Kitty at umirap sa binata. Tinaas naman ng binata ang kaniyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko sa kasungitan ng dalaga.
"Let's get back to the discussion," sabi ni Sergeant Lowell at tumikhim. Malamang ay sumasakit na ang ulo nito dahil sa team na mayroon siya. "Private Godfrey and Private Cunningham..."
"Sir!"
"You'll be assigned to the two ports. I hope the two of you are ready," seryosong sabi ni Sergeant Lowell. Agad namang nag-salute ang dalawa at muli ay sabay na sumagot. "I will go to the third port with Godfrey. Cornelius, your partner will be Cunningham. Menken, your partner is Estrella."
Gusto sanang umapila ng dalaga ngunit agad ring pinatakbo ni Sergeant Lowell ang sasakyan kaya hindi na lamang siya nagsalita pa.
Alam ba nitong nag-away silang dalawa ni Danica kaya sila pinareha?
"We're here, Menken." Agad na bumaba si Kitty at Danica mula sa sasakyan. "I already informed the Commander that we'll need assistance in the next few hours, may darating din mamaya. Inform us immediately kung mayroong kahina-hinala sa port na ito. Got it?"
"Yes, Sir!"
Nang umalis ang sasakyan ay binalot silang dalawa ng katahimikan. Walang gustong magsalita sa kanilang dalawa. "Uh..." sabay nilang panimula. Agad namang umirap si Kitty at ibinaling ang atensyon sa paligid.
"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Danica kay Kitty na nililibot ang tingin.
"Let's change our clothes, punta tayo ro'n." Tumitingin naman si Danica sa itinuro ni Kitty. Napakunot ang kaniyang noo nang makitang isa itong maliit na tindahan. "Hindi pwedeng lumibot tayo rito nang ganito ang suot natin. Maaalerto lang natin sila."
Tango lang ang tanging nagawa ni Danica at sumunod kay Kitty na naunang maglakad. Pagpasok nila sa store na ito ay halu-halo ang binibenta. Mayroong mga gamit pambahay gaya ng mga furnitures at damit. Sa tingin ni Danica ay mumurahin lang ang lahat ng binibenta dito. Kaagad siyang napatingin kay Kitty na tumitingin ng damit.
'Seryoso na kaya niyang magsuot ng ganiyan?' tanong nito sa sarili nang makitang hawak ni Kitty ang isang floral na damit.
Wala sa itsura ni Kitty ang nagsusuot ng mabulalaking damit, kailanman ay hindi niya ito nakitang nagsuot ng ganitong damit. "I'm going to buy this, sa 'yo?" baling ng dalaga sa kaniya.
"Uhh... Ito na lang," sagot ni Danica at kinuha ang isang puting damit at short shorts. Tumango naman ang huli at dumiretso sa counter para magbayad. Nilagay rin ni Danica ang kaniyang damit na napili.
"Wait here at magbihis ka na rin." Natatarantang kinuha ni Kitty ang damit at lumabas ng shop. Hindi maintindihan ni Danica ang nangyayari ngunit sinunod niya pa rin ang sinabi ng huli.
Mabilis ang lakad na ginawa ni Kitty. Ilang sandali siyang tumigil sa isang sulok para hubarin ang kaniyang uniporme at nagbihis sa damit na binili. Matapos iyon ay lumabas din siya sa sulok na iyon.
Nang makihalo siya sa maraming tao ay mayroon siyang nabanggang tao. Agad siyang napatingin sa suitcase na hawak ng lalaki, pamilyar ito sa kaniya. Tiningnan niya ang lalaking may hawak nito at mababakas sa mukha ng dalaga ang gulat. "Father?"
"Ingrid?" tawag ng magandang lalaki na nasa kaniyang harapan. "What are you doing here and what are you wearing, my daughter?"
Agad na ngumiti ang dalaga sa ama, matagal-tagal na rin ang huli nilang pag-uusap. "I"m on my mission, father," sagot ng dalaga.
"I see. May I know your mission?"
"Father, don't you think it's weird if we'll talk here in the middle of this busy street? And, father, I can't let you know my mission." Mahinang napatawa ang ama sa kaniyang anak. Parehong pareho ito sa ugaling mayroon ang kanyang ina.
"Alright, Ingrid. Since you're on a mission, I won't let you have coffee with me today. After your mission, let's have a coffee date," nakangiting sabi ng ama ni Kitty.
Ang ganda ng mga ngiting iyon na siyang pinagmanahan ng kaniyang mga ngiti. Nakakahulog panga rin ang angking kagwapuhan na mayroon ang ama ng dalaga, hindi na nakapagtatakang na hulog ang kaniyang ina rito. "Yes, father. I'll go visit you if I'm not busy anymore."
"Bye, Ingrid," paalam ng ama at humalik sa ulo ni Kitty. Tumalikod na ito sa kaniya kaya tumalikod na rin siya rito. Tiningnan niya ang grupong kanina ay kaniyang sinusundan, mabuti at naroon pa rin ang mga ito.
Agad siyang umupo sa isang upuan sa coffee shop na pinasukan ng grupo. Nagtipa rin siya ng mensahe para kay Danica para papuntahin ito. Nagpadala na rin siya ng mensahe kina Sergeant Lowell at Commander Estrella.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating din si Danica na nakasuot na ng puting tee-shirt at short shorts. "You're here," bati niya sa dalaga.
"Anong meron? May nakita kang kahina-hinala?" bungad na tanong ni Danica at naupo sa bakanteng upuan.
"Yes, it's them." Tinuro ni Kitty ang grupo gamit ang kaniyang nguso. "I know them, nakita ko na sila noon. Miyembro sila ng Eagles."
"Then what are we waiting for? Did you inform the Commander already? The captain, did you inform them?"
"Yeah, I already did."
BINABASA MO ANG
WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)
AcciónWest Land series #2 West Land Military Academy is a school for students who want to be one of the west land's pillars. It's either you will be a soldier of West Land or you will join the Special force of the said city after you graduate. One of the...