SF 27

175 19 25
                                    

Kitty's POV

"Ouch!" angal ko nang diniin ni Danica ang bulak sa panga ko. "Dahan-dahan naman, Dandan," sabi ko at ngumuso.

"Ano ba kasing naisipan mo at nakipag-sparring ka sa dalawang 'yon?" sermon niya sa 'kin at mas diniin pa ang bulak sa panga ko. "Sa susunod, basag na 'tong maganda mong mukha."

"So maganda ako?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Alam ko namang maganda ako pero iba pa rin 'pag iba ang nagsasabi.

"Oo, maganda ka, pero pumapangit ka na." Ngumuso ako sa kaniya nang matapos niyang gamutin ang pasa ko. Niligpit naman niya ang mga ginamit.

"Talaga ba? Baka paglabas ko rito hindi na ako makilala ng mga friends ko sa labas," madramang sabi ko. Agad naman siyang napatawa at naupo sa tabi ko.

"Kahit naman pumangit ka, maganda ka pa rin sa 'kin at sa mga kaklase natin." Napitingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. So totoo ngang pumapangit na ako?

"Bakit naman?" inosenteng tanong ko.

"Maganda ka para sa 'min ano man ang itsura mo. Alam mo bakit? Every time na mayroong napaparusahan dito sa academy, laging ikaw ang tumatayo para akuin ang parusa. Lalo na sa aming mga babae na laging napaparusahan dahil lagi kaming nahuhuli sa training. No'ng una, akala nga namin masungit ka, maarte, mahirap pakisamahan... pero ikaw lagi sumasalba sa 'min kada pinaparusahan kami." Tumigil si Danica sa pagsasalita at tinignan ako.

"Ni hindi nga namin na-try ang pumasok sa water dungeon dahil sa 'yo. Kaya para sa 'min, maganda ka ano man ang itsura mo kasi maganda ang kalooban mo." Kung alam mo lang, Danica, kung ano talaga ang tunay kong ugali noon. Kung alam mo lang sana na noon ay hindi ako nagpapakita ng awa sa iba.

"So maganda na ako, maganda pa kalooban ko?" nakangising tanong ko sa kaniya.

"Hindi na! Nakakainis 'yang ngising 'yan," sabi niya at tumayo na. "Aalis na ako, mags-study pa kami nina Florence. Sa tingin ko'y 'di ka naman sasama kasi nandiyan si Gavin para turuan ka." Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Pagkaalis niya ay agad kong binuksan ang cell phone na bigay sa 'kin ni Gavin. Nagpadala ako ng mensahe sa kaniyang wala na si Danica. Ilang minuto ang makalipas ay dumating si Gavin.

"Katniss, I'm sorry," bungad nito sa 'kin.

"Saan?"

"Kanina... nagkapasa ka pa tuloy," sabi nito at hinawakan ang panga kong nagkapasa.

"Hindi na ba ako maganda?"

"You're still beautiful," sagot nito ngunit seryoso pa rin ang mukha habang sinusuri ang pasa ko. "We should start studying para makapagpahinga ka nang maaga." Sabi ko na, wala pa rin akong takas sa study na 'to.

-

Today is our exam day, we have two days exam. The first day is a written exam while the second day will be a combat/physical/endurance exam.

Lahat kami ngayon ay nag-hihintay na matapos si Sergeant Grey sa pagsasalita. Siya ang magpapa-exam sa amin ngayon kaya sa tingin ko ay kung mahihirapan man ako sa exam, madali lang akong makakapagkopya. "...Don't ever think of cheating. If ever I saw you cheating, your score will be automatically zero."

Tang*na! Kaiisip ko palang na mangongopya, parang ang timing naman?

Pagkatapos magsalita ni Sergeant Grey ay nagsimula na siyang mag-distribute ng test papers. "You'll have one hour every subject. You can now start your exam."

Agad akong nagsimula sa pagsagot nang sabihin iyon ni Sergeant Grey. Halos lahat naman ng mga tanong ay tungkol sa mga jargons. At lahat ito ay na-review namin ni Gavin. Mabuti na lang talaga at may Gavin akong tutulong sa 'kin mag-review kahit napakatamad ko.

Pagkatapos ng subject na iyon ay history naman. Madali ko lang din itong nasagutan dahil sa ginawang review questionnaire ni Danica. Pangiti-ngiti pa ako habang nagt-take ng exam kaya minsan ay nakikita kong napapatingin sa banda ko si Sergeant. Ganito pala 'pag alam mo ang mga lalabas sa exam.

Pagkatapos ng history ay ang mga normal subjects naman namin. Medyo nahirapan ako nang kaunti sa Chemistry ngunit sa tingin ko ay mayroon naman akong mga tama sa naisagot ko. Sa tingin ko lang naman.

Ang huli naming exam ay puro strategies and tactics na. Halos lahat ng nasa test papers ay scenarios, nakakasakit ng ulo. Mabuti pa si Gavin, easy easy lang sa kaniya ang exam.

Pagkatapos kong sagutan ang test paper ko ay agad ko itong binigay ay Sergeant Grey at umalis. Nakagugutom pala 'pag pinapagana ang utak. "Kitty, sandali!" tawag ni Drey sa 'kin kaya tumigil din ako at hinintay siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Nothing. I-i just want to spend time with you..." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit bigla kong naalala ang sinabi ni Gavin. He said Drey likes me.

"Drey, can you answer me truthfully?" Tumango naman ito sa 'kin at sumabay sa paglalakad ko. "Do you like me?" Agad siyang napatigil at natulos sa kinatatayuan niya. "Drey?"

"Uhm... yes." Yumuko ito at tumingin lang sa sahig. Nahihiya ba siya? "Yes, I like you Kitty."

"I also thought I like you," sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya sa 'kin at sumabay sa gilid ko.

"Huh?"

"Sabi ko, akala ko gusto din kita no'n! Pero hindi kasi bingi ka," sabi ko at umirap sa kaniya.

"Yung totoo kasi!"

"Yun nga! Akala ko, gusto kita pero hindi, kaya... itigil mo na 'yang nararamdaman mo habang hindi pa masyadong malalim," saad ko at iniwan siyang tulala sa daan. Dalawang taon din siyang nagkagusto sa 'kin at inakala ko ring gusto ko siya pero ayokong umasa pa siya na masusuklian ko ang nararamdaman niya.

Hindi dahil nangako na ako kay Gavin na sasagutin ko siya 'pag naka-graduate na kami, kun'di dahil may mga bagay talagang hindi na kailangang ipilit pa dahil una palang ay hindi na talaga kayo para sa isa't isa. Ilang beses nang sumagi sa isip ko 'to no'ng akala ko, gusto ko si Drey. Hindi kami para sa isa't isa.

Hindi ko rin sinasabing para kami sa isa't isa ni Gavin. Hindi rin ako sigurado kung magiging kami ba talaga hanggang sa huli. Napakakomplikado ng buhay niya, komplikado rin ang buhay ko. Minsan 'pag sobrang komplikado na, saka rin kayo mag-iiwanan sa sobrang pagod. At minsan, gugustuhin niyo na lang ang magpahinga ngunit 'di na sa piling ng isa't isa.

Matapos naming mag-usap ni Drey ay bumalik na agad ako sa dorm. Hindi ako bumaba para kumain, nasa loob lang ako ng kwarto at nakatitig sa kisame habang hawak ang sulat na galing sa aking ama. Iniisip ko ang mga nagdaang araw, mas nag-o-overthink na ako. Minsan ay masaya ako tapos biglang magseseryoso. Gaya ngayon, mas nadagdagan ngayon ang mga iniisip ko. Mas marami na rin ang mga inaalala ko.

Hindi gaya ng nakilala nilang Kitty Menken na walang ibang iniisip kun'di ang kadramahan sa buhay niya.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon