SF 38

166 18 14
                                    

Matapos ang ilang minutong pananatili sa pagkakaupo ng grupo na sinusundan ng dalawa ay tumayo si Kitty habang hawak ang isang baso ng tubig. Sumenyas siya kay Danica na maupo lamang ito. Tumango na lamang ito kahit pa hindi niya alam kung anong pinaplano ng dalaga.

"Oh-I'm so sorry!" Agad napalingon si Danica sa pinagmulan ng sigaw. Nakita niyang umaarte si Kitty at humihingi ng tawad sa natapunan niya ng tubig. Pasimple nitong nilagay ang isang tracking device sa bulsa ng lalaking natapunan niya ng tubig habang nagkunwaring pinupunasan ang damit nito. "I'm really sorry..." Muntik pang mabuga ni Danica ang iniinom na kape sa galing ng pag-arte ni Kitty.

'Saan niya kaya namana ang galing niya sa pag-acting?' tanong ng dalaga sa sarili.

Malamang ay sa ina nitong si Aleck Shanna Thronton-Menken, na noon ay pangarap na gawing artista ang dalaga. "It's okay, Miss," nakangiting sabi ng lalaking natapunan ni Kitty ng tubig.

"Are you sure? Papalitan ko na lang ang suot mo?"

"Yes, I'm sure-"

"Ingrid, my name's Ingrid," pakilala ng dalaga sa sarili.

"It's okay, Ingrid," nakangiti pa rin nitong sabi. "But can I have your number?"

Kaya naman pala ayos lang dito na matapunan ng isang basong tubig ay dahil sa gandang mayroon si Kitty. Kahit nakasuot ang dalaga ng mumurahing damit ay nadadala pa rin ito ng dalaga dahil sa kutis at ganda nito. "Yes, sure-"

"Ehem!" Mahinang umubo ang kasama ng lalaki, napatingin naman ang binata rito kaya tumingin din si Kitty sa dalawa. Nag-uusap siguro ang dalawang ito gamit ang kanilang mga mata.

"Jude, you can call me Jude," sagot ng binata matapos makipagtitigan sa kasama.

"Give me your phone, Jude." Nakangiting nilahad ng dalaga ang kamay sa harap ng binata at agad namang ibinigay ng huli ang kaniyang cell phone.

Alam ni Danica na mayroong ginawa ang dalaga sa cell phone ng binata. Malamang ay plan B iyon kung sakaling makita ni Jude ang tracking device na nakalagay sa bulsa niya. "Here."

"Thank you, Ingrid. Nice meeting you," sabi ni Jude at tumayo.

Tumayo na rin ang iba pang kasama nito at naglakad paalis ng coffee shop. Bumalik si Kitty sa kinauupuan nila kanina ni Danica at umupo sa harap nito. "Mission accomplished," nakangiting bungad ng dalaga kay Danica.

'Nakalimutan niya bang galit siya sa 'kin?'

"Hindi pa nga natin nakakalahati ang misyon," nakangiwing sabi ni Danica kay Kitty.

Hindi na nagsalitang muli ang ang dalaga at ngumisi na lang kay Danica. Ano na naman ang ginawa ni Kitty at parang kampante lang itong hayaan ang mga Eagles na umalis nang hindi nila sinusundan?

Trenta minutos ang lumipas ay dumating sina Gavin at Drey. "Where's Sergeant Lowell?" bungad na tanong ni Drey.

"l"Dunno/Arunno," sabay na sagot ng dalawa.

Ngumuso na lamang si Drey at naupo sa isa pang upuan katabi ni Danica. Ayaw niyang umupo sa tabi ni Kitty dahil alam niyang mahahati ang katawan niya sa dalawa dahil kay Gavin. Seloso pa naman ito.

"So saan na ang sinusundan niyo?" tanong ni Gavin.

"Wala na," sagot ni Danica na ikinakunot noo ng dalawang lalaki.

"What? Hindi niyo nasundan? Nawala sa paningin niyo? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Drey.

"The mission is done, team. Hintayin na lang natin mamaya ang balita," nakangiting sabi ng dalaga.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon