Kitty's POV
It has been 3 days since Gavin confessed his feelings for me. Hindi ko alam kung panaginip lang ba yun kasi after that day, nag-file ng leave si Gavin. Isa ba 'tong inaasikaso niya sa mga priorities niya? Ayos lang ba siya?
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip kung kumusta na ba siya. Alam kong matanda na siya at kaya niyang protektahan ang sarili niya pero hindi ko pap rin maiwasang mag-alala.
"Kitkit!" tawag ni Danica sa 'kin.
"Ahh?"
"Ano bang iniisip mo? Akala ko ba, tuturuan mo 'kong bumaril ngayon?" galit na tanong nito sa 'kin at binaba ang pistol na hawak.
"Oh, sorry," sabi ko at lumapit sa kinatatayuan niya saka kinuha ang isang pistol at ni-disassemble ito. Pagkatapos kong i-disassemble ito ay in-assemble ko rin naman agad ito at inabot kay Danica.
"Your hands are really fast, Kitty! Teach me how to disassemble a pistol," excited na saad nito. Wala akong nagawa kun'di turuan siya nang dahan-dahan at paulit-ulit para mas madali niyang maintindihan. "Ang hirap naman, dahan-dahan kasi."
"That was already slow," masungit na ani ko at nagsimula ulit sa ginagawa. Attentive naman niyang pinapanood ang ginagawa ko at sinusubukan niya ring gayahin ito. "This is already the slowest thing I've ever done in my life," giit ko sabay irap sa ere.
"Where did you learn how to assemble and disassemble a gun anyway?" biglang tanong nito.
"My father's goons," maikling sagot ko.
"What?" gulat na tanong nito. It's true that my father's bodyguards taught me how to hold a pistol properly. They also taught me how to assemble and disassemble pistols.
"I secretly asked them to teach me when i was still 8," kaswal na sagot ko bago tinira ang target na nasa malayo.
"But why?" Ang dami namang tanong ng babaeng 'to.
"I just want to find a hobby. That's it." Napanganga naman si Danica sa sinabi ko.
"You're really different from all the women I know, Kitty." Umirap na lang ako sa kaniya at dumiretso sa likod niya para alalayan ang kamay niyang halos hindi matuwid-tuwid habang nakahawak ng baril.
"You already know how to hold a rifle or a pistol pero hindi mo pa rin natatamaan ang mga gusto mong patamaan dahil sa posisyon mo." Inayos ko naman ang posisyon niya at inalalayan siya habang bumabaril. "That's good. Focus, Danica."
Agad napatalon si Danica nang makatama siya sa mismong bullseye ng target. "Try to shot the bullseye consecutively," ani ko.
"Is that even possible? Sa mga films ko lang naman nakikita 'yan," giit ni Danica. Agad akong umalis sa likod niya at kinuha ang hawak kong baril kanina bago bumaril sa bullseye ng target. "For real? How did you do that?" gulat na tanong ni Danica nang makitang lahat ng pinakawalan kong bala ay sa gitna lang talaga dumaan.
"Just steady your hands and stay focus. You can also do that through training," sagot ko sa kaniya bago nag-practice din sa shooting ngunit lumipat ako sa mas malayo ang target. "I have something in my bag, you can put it on your hands."
Binuksan naman niya ang bag ko at kinuha ang sandbags na nakalagay rito. "Ito?" tanong niya nang nakakunot ang noo. Tumango naman ako sa kaniya at sumenyas na babaril ako. Pagkatapos kong bumaril ng limang beses ay hinarap ko siya.
"Wear that everyday, gagaan ang mga kamay at paa mo 'pag natanggal 'yan."
"Are you sure? Hindi ba ako mababali or ano nito? Ang bigat kaya, oh, isa palang 'tong hawak ko." Mahina akong napatawa sa kaniya at inangat ang suot kong pants at sleeves. "What the-ilang kilo 'yan?" gulat na tanong niya.
BINABASA MO ANG
WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)
ActionWest Land series #2 West Land Military Academy is a school for students who want to be one of the west land's pillars. It's either you will be a soldier of West Land or you will join the Special force of the said city after you graduate. One of the...