Kitty's POV
Nakita ba ni Commandant ang ginawa ko kanina? May nakakita ba at sinabi kay Commandant? Napaka-reckless talaga ng ginawa mo Kitty.
Pagdating namin sa office ni Commandant ay kumatok muna si Gavin bago kami pumasok. Pagpasok namin ay agad kaming nag-salute. "At ease." Tiningnan lang namin si Commandant na nakaupo sa kaniyang upuan. Ano kayang sasabihin ni Commandant? Nalaman niya talaga ang ginawa kong paghalik kay Gavin? Mae-expel na ba kami?
"Both of your mothers called." Tinuro ni Commandant ang telepono kaya lumapit kami nang kaunti sa mesa ni Commandant. "I told them that I will let the two of you call them back." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Commandant. Akala ko pa naman kung ano nang ginawa namin. Parang galit naman kasi ang pagkakatawag ni Commandant kanina.
Minsan napapaisip ako na ang pogi rin talaga ni Commandant, sa tingin ko ang bata pa niya para maging isang Commandant. A Commandant is equivalent to Lieutenant-Colonel, isn't it amazing that Commandant Vessero is already a Lieutenant-Colonel in that young age? "Commandant, ilang taon na po kayo?" tanong ko.
Agad niya naman akong sinamaan ng tingin at hindi sinagot ang tanong ko. Ang sungit naman nito. Hindi ba siya nagagandahan sa isang dalagang tulad ko?
Ibinaling ko na lang ang mga mata ko kay Gavin na parang kakainin ako ng buhay. Ano na namang ginawa ko at nagalit ang pusang 'to? "I'm done. It's your turn," sabi nito at tumayo ulit sa harapan ng table ni Commandant.
"Hey, Mom," bungad ko rito.
"Hey, Darling."
"Why did you call? Ilang araw pa lang naman akong umalis, ah?" tanong ko rito. May emergency ba sa bahay?
"Nothing, Darling. I just want to check on you. Are you and Gavin... dating? I'm with your Tita Mildred today and we both talked about your relationship-"
"Mom! That's already our business. I told you not to meddle with my relationships-"
"Alright, alright. I'm sorry. Balik na kayo sa training." Matapos naming mag-usap ni Mom ay padabog kong binaba ang telepono. Napatingin naman sa 'kin si Commandant bago tiningnan ang kaniyang telepono.
"Done? Go back to your training. Dismiss," sabi ni Commandant at sinuri ang kaniyang telepono. Mahal na mahal niya ba ang kaniyang telepono? Bilhan ko pa siya ng isang daan na gan'yan. Agad kaming nag-salute bago lumabas ng office at dumiretso pabalik sa field.
"Fall in," utos ni Sergeant Grey. Humanay naman kami sa mga kaklase namin at naghintay sa sunod na sasabihin ni Sergeant Grey. "The obstacle course will continue until all of you will improve. But next week, I will add another training to enhance your ability to defend yourself. It's for defense and offense." Matapos iyon sabihin ni Sergeant ay pinagsimula niya ulit kami sa obstacle course.
Gaya ng nangyari kahapon ay una naming dinaanan ang rope ladder sunod ang tire flipping, rope wall, balance beam, stutter-tire steps, hanggang sa tunnel. Gaya kahapon ay nauna pa rin si Gavin, sunod naman ako, at sina Warner at Drey. Gaya kahapon, nasa sampung minuto pa rin kami ngunit mas naging mabilis na kami ng kaunti rito ng ilang segundo.
"I can't do this everyday, mamamatay ako 'pag nagpatuloy pa 'to," hinihingal na sabi ni Drey. Tumango-tango naman ang masungit na si Warner. Nagkasundo na ba silang dalawa?
"Your body will get used to it," sabi ni Gavin at pinunasan ang kaniyang pawis. Matapos niyang magpunas ay inagaw ko sa kaniya ang kaniyang panyo at pinunas din sa mukha ko. Ang bango naman ng pawis ni Gavin. Pwede nang perfume.
"Ewww..." sabay na sabi ni Drey at Warner.
"What?" tanong ko sa dalawa at ibinalik kay Gavin ang panyo. Tinanggap niya naman ito at nilagay sa loob ng kaniyang bulsa.
"Uh... wala," sabay nilang sagot
-
From 46 students, there are only 38 students left. Sa isang linggong pagpapatuloy ng aming obstacle course at morning exercise, marami ang mga sumuko. Isa na ro'n si Sachie. Isang linggo rin siyang halos nahuhuli sa obstacle course namin at isang linggo rin siyang pinag push-up ni Sergeant. Kaya kahapon ay nag-file siya na aalis na siya sa Academy dahil hindi na kinaya ng katawan niya ang mga trainings.
Hindi ko naman kasi maaaring tapusin lagi ang mga parusa para sa kaniya dahil hindi siya magi-improve kung gano'n lagi ang mangyayari. "Soldiers, proceed to the boxing gym," rinig naming announce sa speaker ng canteen.
Nagmadali kaming kumain at dumiretso sa boxing gym. Minsan na rin akong napadaan dito at nag-training mag-isa. Ito pala ang nais idagdag ni Sergeant sa training namin.
"Starting today, you will train yourself inside this boxing gym. Every Friday, we will have a match to test what you have learned during your sessions in the defense class. In the morning, you will start your day with morning exercises. 7 am until 12 noon will be your obstacle course training, you need to improve your speed because a soldier should be fast! 12 noon until 1 pm is your lunch. 1:30 pm until 4:30 pm will be your defense class. Like what Commandant Vessero said, I also hope that no one will leave and everyone who's still here will survive the training." Matapos sabihin iyon si Sergeant ay nagsimula na kami sa training sessions namin sa loob ng gym.
Mayroong mga sundalong nag-a-assist sa amin ngunit hindi ko naman na kailangan iyon dahil nga marunong naman ako sa ganito. Habang naglalagay ng boxing gloves ay napatingin ako sa gawi ni Gavin. Pinagpapawisan na ito habang sinusuntok ang punching bag na hawak ni Warner.
"Hey, let's start," sabi ni Drey at hinawakan din ang punching bag na nasa harapan ko. Sinuntok ko naman ito nang hindi masyadong malakas dahil naninibago pa ako. "Put force on your punches, Kitty," sigaw nito kaya mas nilakasan ko pa ang pagsuntok sa punching bag.
"Good, you're doing good. Continue." Gaya ng sinabi niya ay ipinagpatuloy ko ang mga suntok ko. "You can also kick the bag, Kitty. This is a defense class, you can use every part of your body." I can say that being Drey's partner isn't bad. Pwede na itong mag-coach sa boxing gym.
Pagkatapos ko, ako naman ang humawak sa punching bag at siya naman ang sumuntok. Pinupuna ko rin ang mga ginagawa niya para agad niyang maitama. Ginagawa naman niya ang mga sinasabi ko at nagpatuloy sa pagsuntok.
"You're already good at offense but your defense should be improved," giit ko pagkatapos naming mag-training. "This is defense class, after all." Tumango-tango naman siya sa 'kin habang nagpupunas ng pawis. Inabot niya sa 'kin ang isang towel para magpunas.
"I want to learn Krav Maga for my defense..." sabi nito.
"Do you want me to teach you? I know a little." Galak itong tumingin sa 'kin at tumango kaya napapangiti na lang ako rito. Ang cute.
![](https://img.wattpad.com/cover/255272680-288-k158088.jpg)
BINABASA MO ANG
WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)
AzioneWest Land series #2 West Land Military Academy is a school for students who want to be one of the west land's pillars. It's either you will be a soldier of West Land or you will join the Special force of the said city after you graduate. One of the...