CLEAH JEAN POV
“Hello, best?” sagot ko sa kabilang linya dahil tumawag ang kaibigan ko.
[Best, magaling na ako. At saka nawala na rin yung lagnat ko.] Sabi niya sa kabilang linya.
“Mabuti naman best, dahil magaling ka na. Nga pala, papasok ka ngayon sa school?” tanong ko sa kanya.
[Oo best, papasok na ako sa school. Ikaw ba, papasok ka rin?]
“Syempre papasok din ako. Hintayin mo na lang ako sa canteen dahil vacant natin yung first period,” sagot ko.
[Sige, hintayin na lang kita sa canteen. Bye best!] Pagpaalam nito sa akin.
“Bye rin best!” sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.
“Wife!” biglang tawag ni hubby habang inaayos ang necktie nito.
“Ano ‘yun hubby?” bigla kong sagot sa kanya. Nakita kong hindi pa gaano ka ayos ang kwelyo nito kaya lumapit ako sa kanya at ako na ang nag-ayos.
“This day, I have an important meeting. Susunduin na lang kita sa school kapag uwian na. Also tell mom and dad that we have a family dinner together with my parents,” sabi nito sa akin.
“Yeah, sure! Sasabihin ko ito sa kanila, hubby,” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Bumaba at mag-almusal na muna tayo,” sabi nito at na unang lumabas sa kwarto kaya sumunod na lang din ako sa kanya.
“Good morning, ijoh! Good morning, ijah!” bati ni nay Nora sa amin pagkababa.
“Good morning din nay Nora!” masiglang bati ko rin sa kanya.
“Good morning too nay Nora!” sagot din ni hubby.
“Nakahanda na ang inyong almusal. Sige na at iwan ko muna kayong dalawa,” sabi ni nay Nora sa amin bago ito umalis. Kaya umupo na lang ako at kumuha ng tinapay at uminom ng gatas at si hubby naman ay ganoon din pero hindi gatas ang ininom niya kundi kape.
---
“Best, okay na ba talaga kayo ng asawa mo?” biglang tanong sa akin ni Dianne habang nandito kami sa canteen.
“Yes, best! Okay na kami,” sagot ko sa kanya.
“Teka lang best! Diba malapit na yung 20th birthday mo?” biglang tanong nito sa akin.
“Huh! Malapit na ba?” maang-maangan kong sagot sa kanya.
“Tingnan mo kaya sa calendar at ng makita mo. Birthday mo iyan tapos kakalimutan mo lang? ‘Yan ba ang epekto sayo porket ayos na kayong mag-asawa?” tanong nito sa akin habang nakataas ang isang kilay.
“Joke lang naman, best! Syempre hindi ko nakalimutan. Ano kasi eh...” sagot ko.
“Ano?” nagtatakang tanong nito sa akin.
“Gusto kasi ni hubby na mag-kaanak na kami,” sabi ko sa kanya.
“Ano?” sigaw nito sa akin. Halos lahat ng estudyanteng kumakain ay nakatingin na sa amin.
YOU ARE READING
Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]
RomanceDahil sa isang prank call ni Cleah Jean Villa, isang dalagang iyon, ang lahat ng sinabi ng isang binata tungkol sa pagpapakasal at paghahanap sa kaniya ay biglang naging totoo. Sa kabila ng takot ni Cleah, hindi niya iniwasan ang mga pagbabagong ito...