Cleah Jean POV
“Let's go wife. Malayo pa ang bahay natin,” sabi nito sa akin. Kakapasok lang nito sa kaniyang sasakyan.
Nabigla naman ako dahil kinabit nito ang seatbelt at sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Napatitig ako sa mga mata nito na kulay abo. Ang ganda talaga pagmasdan.
*tsup*
What the fudge! Hinalikan na naman ako ng walang hiya na hinayupak na gurang na ito!
“Namumuro ka na talaga hinayupak na gurang ka!” singhal ko sa kaniya.
“Don't shout wife. Hindi ko kasi mapigilan na halikan ka eh paano ba naman ang sarap at ang tamis,” sabi nito sa akin sabay lip bite. Napaka-manyak na gurang!
“Walang hiya kang hinayupak na gurang ka! Alam mo kanina pa nangangati ang kamao ko na suntukin yang pagmumukha mo!” sigaw ko sa kaniya.
“Why you call me gurang, wife?” nagtataka nitong tanong sa akin at nagsimula ng magmaneho ng kaniyang sasakyan.
So hindi niya alam kung ganon?
“Yeah! You hear it right? I call you gurang dahil ang tanda-tanda mo na hinayupak ka!” taray kong sabi sa kaniya.
“Because of my age, wife?” tanong nito.
“Yes, dahil ang tanda-tanda mo para sa akin,” sabi ko.
“Wala akong pakialam kung matanda ako kaysa sa'yo, wife. Ang mahalaga makasama kita hanggang sa pagtanda ko,” sabi nito sabay banat at kindat sa akin.
Pwee! Ang corny niya bumanat parang waley.
“Three years ang gap ng edad natin. Kaya para sa akin kuya ang tingin ko sa'yo,” sabi ko.
Nag-iba naman ang aura nito at parang kakainin ako ng buhay.
“Age doesn't matter wife, as long as I love you. 3 years lang naman ang gap ng edad natin. And I hate it because you considered me as your kuya and not your husband!” malamig nitong sabi sa akin.
Kinalibutan naman ako at natakot dahil sa mga binibigkas nitong salita at sa pagka-lamig ng kaniyang boses.
“I'm sorry,” bigla kong nasabi iyon sa kaniya at napayuko na lang. Hindi ko naman intention na ituring ko siya bilang kuya eh. Ang tanda-tanda niya lang kasi para sa akin.
Wala siyang imik at nakapukos lang ang kaniyang tingin sa daan. Ako naman ay nakapukos lang ang tingin sa bintana at tinatanaw ang kapaligiran at nililibang ang sarili ko kahit sobrang awkward na ng sitwasyon.
*kru-kru-kru*
Napahawak na lang ako sa tiyan ko ng tumunog ito. Hala hindi pa pala ako kumakain mula ng umalis kami ng bahay.
Napatingin ako sa gawi niya ng huminto ang sasakyan.
“Why did you stop?” takang tanong ko sa kaniya.
“We will eat,” maikli nitong sabi at naunang lumabas ng sasakyan at nagtungo sa direction ko para pagbuksan ako nito ng pinto.
Lumabas na rin ako at sumunod sa kaniya.
Pumasok kami sa isang— teka mang-inasal? Wahhh dito kami kakain? Gusto ko ng kumain ng marami dahil masarap ang inasal at mapa-unli rice ka talaga. Pumalakpak ako dahil sa tuwa.
“My gosh beshie ang gwapo niya!”
“Omy nakakalag- lag panty!”
“I will get his number!”
“Hey babe are you free tonight?”
Tili ng mga kababaihan dito sa loob ng mang-inasal. Tsk akala ninyo naman magaganda eh mga pangit naman at mga clown ang mga mukha. Mas maganda pa ako kesa sa kanila. Ganito na pala ngayon dahil uso na ang mga haliparot?
YOU ARE READING
Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]
RomanceDahil sa isang prank call ni Cleah Jean Villa, isang dalagang iyon, ang lahat ng sinabi ng isang binata tungkol sa pagpapakasal at paghahanap sa kaniya ay biglang naging totoo. Sa kabila ng takot ni Cleah, hindi niya iniwasan ang mga pagbabagong ito...