Chapter 9: Introduced her

5.1K 150 3
                                    

CLEAH JEAN POV

Napahinto ang sasakyan ni Dark sa  tapat ng—teka sa kanilang company?

Pinark muna niya ang kanyang sasakyan. At agad na lumabas sa sasakyan at nagtungo sa direction ko at binuksan ang pinto at inilahad nito ang kanyang kamay sa akin pero hindi ko iyon tinanggap bagkus ay lumabas ako at agad na isinara ang pinto.

“Teka dito ba ang sinasabi mo na pupuntahan natin?” takang tanong ko sa kanya. Hindi naman ito mahalaga eh, sana pumasok na lang ako sa school at sana ngayon makagala ako at sana may natutunan pa akong lesson.

“Yes wife, because this is important matter. So, we better go now,” sabi nito sa akin at sabay hapit sa bewang ko.

“Siguro naman pwede mong kunin ang pagkahapit mo sa bewang ko?” mataray kong sabi habang nakataas ang kilay at pilit kong kinakalas ang kanyang kamay sa pagkahapit nito sa bewang ko.

“Why?” tipid nitong tanong.

“Kunin mo nga ang kamay mong nakahapit sa bewang ko. Hindi ako aalis kaya pwede alisin mo na?” singhal ko pero ang hinayupak mas lalong hinigpitan ang pag kahapit nito sa bewang ko at ayaw pang bitawan.

“Kapag nagkataon na bitawan kita, syempre kukunin ka nila sa akin, wife. Kaya hindi ako papayag sa ganyan,” malambing nitong sabi sa akin.

“Alam mo,” sabi ko.

“Alam ang alin, wife?” takang tanong nito sa akin.

“Alam kong para-paraan mo lang ‘yan sa akin, akala mo hindi ko alam ang mga galaw mo, duh!” singhal ko sa kanya at nagsimula na kaming lumakad.

“Syempre alam ko rin dahil asawa kita, duh!” mataray nitong sabi sa akin. Aba’ t nagtataray na rin sa akin to? Parang bakla naman ang hinayupak.

“Ang taray mo huh! Para kang bakla— baklang hilaw, haha!” sabi ko at tumawa. Tiningnan ko naman siya at ganun na lang ang gulat ko ng biglang nag-iba ang kanyang aura at bigla na lang huminto sa paglalakad.

“What did you say, wife?” mariin nitong sabi sa akin kaya napangisi ako sa kanya.

“Ano ba ang sinabi ko?” mataray kong sabi sa kanya. Gusto ko talaga matawa sa mukha niya ngayon.

“You said I'm a gay?” galit nitong sabi at mariin ang pagkahawak nito sa bewang ko. Aray ko! Parang ang sakit naman nito!

“Narinig mo naman pala eh bakit ko pa uulitin huh, aber?” masungit kong sabi sa kanya. Napapitlag ako ng biglang hinimas nito ang bewang ko at nakita ko siyang napangisi.

“You said I'm gay huh. Gusto mo bang maaga kitang bubuntisin, wife?” paos nitong sabi sa akin at mas lalong nitong hinapit ang bewang ko kaya sobrang magkadikit na ang aming katawan at ako naman ay parang kinakabahan sa pwedeng mangyari.

Someone! Please help me huhu!

“A–ano b–ba iyang pinagsasabi mo huh!” nauutal kong singhal sa kanya at napalunok ng ilang beses.

Joke ko lang naman iyun eh. Ang tanga mo talaga Cleah. Someone please save me from this pervert!

“I want a child from you, wife,” malambing nitong sabi habang hinihimas nito ang bewang ko at naglalakbay patungo sa likuran ko.

“Pwede ba Dark, pumasok na tayo dahil kanina pa nangangalay ang mga paa ko dito at saka na ka heels ako! At isa pa ayaw ko pang magka-anak ng maaga!” lakas loob kong singhal sa kanya. Salamat naman at hindi ako nauutal, huhu.

“As my wife said so!”  sabi nito at kinalas ang pagkahapit nito sa bewang ko. Kaya nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob ng company niya.

“Magandang umaga master Asher at sa iyo’ rin young lady,” bati ng isang security guard habang nakayuko.

Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]Where stories live. Discover now