CLEAH JEAN POV
Nagising ako na masakit ang aking ulo at parang binugbog din ang aking buong katawan ng isang dosena na katao.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan nitong kwarto at napagtanto ko na hindi ito ang aking kwarto kung saan ako nakitira sa aking kaibigan.
Shit bakit hindi ko magalaw ang aking katawan? Ang sakit din ng aking pang-ibaba. Teka hindi ito ang aking damit!
“Ahhhh!” sigaw ko ng mahulog ako sa kama. Hindi ako makatayo dahil ang sakit ng mga binti ko.
Pilit kong itinayo ang aking sarili ngunit hindi ko talaga maigalaw dahil sa sobrang sakit.
“Wife! Bakit ka nandiyan?” biglang sigaw ni hubby? Tsaka ako nilapitan at binuhat at nilapag sa kama.
“Anong ginawa mo sa akin bakit ang sakit ng buo kong katawan? Mapapatay talaga kita!” galit kong sigaw sa kanya.
“I'm sorry wife. I'm sorry, please.” Sabi nito sa akin at agad akong niyakap. Ngunit hindi ako yumakap pabalik sa kanya.
“I'm sorry kung nasaktan kita kagabi hindi ko ‘yun sinasadya. I'm sorry,” saad nito sa akin at isinisiksik ang kanyang baba sa aking balikat.
Inaalala ko ang lahat na nangyari ngunit lalo lang sumasakit ang aking ulo.
“May nangyari ba kagabi?” malamig kong tanong sa kanya.
Napahiwalay naman ito kaagad sa akin at tiningnan ako.
“Yes! may nangyari sa atin kagabi!” simpleng sagot nito sa akin. Galit ko naman siyang tiningnan.
“Aalis na ako rito! Kalimutan mo na may nangyari sa atin!” malamig kong sabi tsaka tumayo ngunit agad din ako napabalik dahil sa sobrang sakit talaga ng aking pang-ibaba.
“No, wife! Dito ka lang, sorry kung sinaktan kita. Sana patawarin mo ako," sabi nito habang nakayuko.
Napatawa naman ako ng pagak.
“Akala mo mapapatawad kita? Matapos mo akong saktan? Bumalik ka na doon sa kabit mo na mukhang aso total siya pa yung pinili mo hindi ba?” malamig kong sigaw sa kanya.
“It has a reason kung bakit kita sinaktan dahil ayaw ko lang na mapahamak ka!” sabi nito habang nagbabadya ng tumulo ang kanyang luha.
“Sige nga ano yung rason? Makikinig ako dahil asawa mo ako! Pero bakit mo pinagmukha sa akin na may girlfriend ka at ang saya-saya mo nung siya ang kasama mo? At ako? Bakit tiningnan mo lang ako na parang isang basura ng makita mo ako? Sige nga sagutin mo kung ano ang rason!" Sigaw ko sa kanya.
“Alam mo bang sobrang nasasaktan ako nang makita kita na may kasamang babae?” sabi ko habang umiiyak at nakayuko.
Hindi ko kayang maging malakas kapag siya na ang kaharap ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang aking noo.
“Noong araw na nakita mo na may kasama akong babae ay hindi ko iyon girlfriend. Oo sinabi ko nga sa iyo ng harapan ngunit nasasaktan din ako nang makita kita na nasasaktan dahil sa mga sinasabi ko! Masakit sa akin na kung ano ang gawin niya sa taong mahal ko, kaya pinalabas ko na girlfriend ko siya, pero nagkamali ako nang matalo mo siya!” saad nito habang niyakap pa rin ako.
YOU ARE READING
Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]
RomanceDahil sa isang prank call ni Cleah Jean Villa, isang dalagang iyon, ang lahat ng sinabi ng isang binata tungkol sa pagpapakasal at paghahanap sa kaniya ay biglang naging totoo. Sa kabila ng takot ni Cleah, hindi niya iniwasan ang mga pagbabagong ito...