Chapter 13: Came back

4.2K 125 4
                                    

SOMEONE POV

Maghintay ka lang Ford! Dahil pabagsakin kita sa mismong aking mga kamay lalo’t may alas na ako laban sa iyo.

At kung ano man ang meron sayo ay kukunin ko. Dahil sa simula’t sapul ay ako dapat ang nasa trono at maghahari at hindi ikaw!

Walang may makakapigil sa akin sa kung ano man ang gagawin ko.

Aagawin ko rin ang mahal mo! Ipapakita ko sayo ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga ginawa mo sa akin.

Babalik ako sa kung saan ako tumigil dahil sa oras ng pagbabalik ko, makikita mo kung paano ka masaktan at maghihirap sa mga kamay ko!

“Young master, we're here now to your mansion,” biglang sabi ng driver ko.

Hindi ko siya pinansin lalo’t alam naman nito na ayaw kong magsalita.

I will make you down, Ford! Just wait! Just wait and your dead.

---

CLEAH  JEAN POV

“Hoy babaita ka! Bakit ngayon ka lang pumasok sa school huh!” biglang sigaw ni Dianne sa akin.

“Hoy din babaita! Huwag mo nga akong masigaw-sigawan! Nakalunok ka ba ng mega phone at ang lakas-lakas ng boses mo! Pati ba naman ang eardrums ko masisira na dahil sa sigaw mo sakin!” singhal ko sa kanya.

“Aba best! Magkwento ka naman kung ano ang nangyari sayo! Bakit hindi ka pumasok sa school?” nakapamewang na tanong nito sa akin habang nakataas ang kilay.

“Pwedi ba umupo na muna tayo? Saka hindi ikaw ang nanay ko na sisinghalan mo!” mataray kong sagot sa kanya.

Tsk! Akala mo naman walang pinagdaanan! Lagot ka mamaya sa akin Dianne.

“Sabi ko nga umupo na!”

“Kwento mo na sa akin bakit hindi ka pumasok nakaraang araw. Nakakapagtaka lang eh!” sabi nito at tumingin sa akin habang nakataas ang kilay.

“Dapat may eh kwento ka rin sa akin!” dagdag na sabi pa nito sa akin.

Kakaunti pa lang ang nasa loob ng room dahil maaga pa at paparami pa lang ang pumapasok sa school.

Dapat ko pa ba eh kwento sa kanya na kasal na ako sa hindi ko nagugustuhang tao? Pero ano na lang ba ang sasabihin nito sa akin?

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya

“Sige na best, kwento mo na sa akin!”

Aba atat ang bruha. Hindi ba pweding maghintay ito?

“Maghintay ka nga muna! Atat na atat ka rin eh noh?” singhal ko sa kanya.

“Aba sorry naman mahal na reyna,” sabi nito sa akin.

“May mahal na reyna ka pang nalalaman tsk!” sambit ko.

“Dali na kasi best kwento muna sa akin bakit wala ka nakaraan,” naka ngiti nitong sabi sa akin.

“Oo na ito na!” huminga muna ako ng malalim at tumingin sa kanya.

“Kasal na ako, best,” mahinang sabi ko.

“What? Pweding paki-ulit yung sinabi mo, best?” sabi nito sa akin habang pumalapit ng kaunti sa pwesto ko.

“Mahal ba ang cotton buds para hindi mo marinig ang mga sinabi ko?” singhal ko sa kanya.

“Ano naman connect ng cotton buds sa paki-ulit ng sinabi mo? Ang hina ng sinabi mo kaya hindi ko marinig kaya pakiulit. At hindi mahal ang cotton buds dahil nakapaglinis ako ng tenga, best!” sabi nito sa akin habang umirap.

Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]Where stories live. Discover now