Cleah Jean POV
Since ipapalipat na ako ng parents ko sa bahay ng asawa ko na raw. Ano kaya ang dapat kong gawin? Duh! Ayaw ko kaya itong makasama! Lalo na't napakahangin nito.
“Princess, kanina ka pa diyan sa kwarto mo. Bumaba kana dahil aalis na kayo ng asawa mo!” sabi ni mommy sa labas ng kwarto ko.
Yeah! Kanina pa ako dito sa kwarto ko at nagmumuni-muni at ayaw ko pang lumabas. Gusto ko dito lang talaga ako. Aalis pa nga lang ako eh nami- miss ko na ang kwarto ko. Mami-miss ko rin ang asawa ko rito sa loob ng kwarto ko, huhu.
“Chanyeol my love so sweet! Aalis na ang asawa mo, hindi mo pa ba ako pipigilan?” tanong ko habang nakatingin sa larawan ni my love's. Ang unfair talaga!
Akmang hahalikan ko ito ng may humila sa kamay ko at ayun napaharap ako at nasubsob ang mukha ko sa malapad at mabango nitong dibdib.
“I'm you're husband, wife. Not that picture on that fvcking wall, argh! And then you want to kiss that fvcking lips of him?” sabi niya sa baritono at malamig na boses.
Kaya tinulak ko naman ang hinayupak dahil parang kakainin ako nito ng buhay. Ano naman ang kinaiinis ng hinayupak na ito at bakit pinag-iinitan niya na naman ang asawa kong nakadikit sa dingding, eh picture lang naman ito, huh!
“Bakit ka nakapasok sa kwarto ko? At bakit mo pinag-iinitan ang asawa ko? Wala naman siyang ginawang masama sayo huh!” habang nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya.
“Natural wife dahil may pinto. Ano ba ang silbi ng pinto kung hindi naman magagamit ano? Pinto iyan pinto!” singhal nito sa akin kaya tiningnan ko naman siya ng masama. Abat pilosopo to huh!
“I'm your husband and not that fvcking man on the picture. And now you want to kiss him?” sabi nito sa baritonong boses kaya inirapan ko siya.
Natural asawa ko to eh kaya hahalikan ko, pakialam niya ba? Duhh!
“Yes, I want to kiss him because his my husband,” nakangisi kong sabi sa kaniya.
Mukhang nainis naman ang walang hiyang hinayupak dahil sa sinabi ko. Tsk! Mainis ka lang diyan wala akong pakialam dahil may kasalanan ka rin naman sa akin. Well bahala ka diyan kahit magalit ka pa.
“I'm your husband Cleah, not that man on the fvcking picture!” galit nitong sabi sa akin habang nakakuyom pa ang mga kamay nito dahil sa galit.
“Oh bakit ka galit? Eh sa picture lang naman?” taray kong tanong sa kaniya.
“Tsaka huwag ka nga mag mura dahil kanina ka pa!” dagdag ko pa.
“Sino ba ang hindi magagalit kung ang asawa niya mismo ay nagseselos!” frustrated nitong sabi sa akin.
Siya nag seselos? Dapat na ba ako mag paparty at mag-celebrate? Dapat ko na ba siyang palakpakan at bigyan ng award na best in jealous? Bakit napaka-immature nito?
“Jealous? Because of what you saw? Pwedi ba tumigil kana kasi napaka-immature mo!” sabi ko sa kaniya.
“Yes, I'm jealous! And don't say that I'm immature,” sabi nito sa malamyos na boses habang nakatingin sa mga mata ko ng direkta.
YOU ARE READING
Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]
RomanceDahil sa isang prank call ni Cleah Jean Villa, isang dalagang iyon, ang lahat ng sinabi ng isang binata tungkol sa pagpapakasal at paghahanap sa kaniya ay biglang naging totoo. Sa kabila ng takot ni Cleah, hindi niya iniwasan ang mga pagbabagong ito...