CLEAH JEAN POV
It's been three days since nangyari ang trahedya. Naging mahigpit si hubby sa pagbabantay sa akin. Minsan sila kuya o hindi kaya ay sina Stephen at Bryle.
Tuwing lalabas ako may mga tauhan din na sumusunod sa akin. Tulad na lang ngayon na wala silang lima. Sumusunod ang mga tauhan ni hubby kahit na nandito na ako sa room. Pero nasa labas lang silang apat habang nagbabantay sa akin.
Maraming mga kaklasi ko ang tumitingin sa labas ng room dahil sa kanilang apat at sila rin ang pinag-uusapan.
Gwapo ba naman ang mga tauhan ni hubby. Pero mas pinakagwapo pa rin sa lahat si hubby. Syempre hindi ko ‘yun ilalaglag kasi asawa ko ‘yun.
“Best! Bakit may mga bantay ka?” tanong ng kaibigan ko.
“Para sa kaligtasan ko ‘yan,” sagot ko sa kanya.
“Ano ba ang nangyari sayo? Saka in fairness huh ang popogi nilang apat. Marami pa ba sila at ng makapili ako ng isa?” pilyang tanong nito sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Gusto pala niya huh!
“Marami sila pero may mas pinakagwapo pa dyan,” nakangising sabi ko sa kanya.
“Talaga best? Sino naman ang taong ‘yun at ng makilala ko na!” sabi nito sa akin.
“Kaso wala siya rito eh. May mga mahalaga kasi silang ginagawa,” sagot ko sa kanya.
“Pakilala mo na lang sa akin kapag nandito na siya huh? Dapat kasama dyan sa apat!” sabi nito sa akin.
“Oo naman. Saka alam kong perfect match kayong dalawa,” nakangiti kong sagot sa kanya.
Tumingin ako sa apat na tauhan ni hubby at nakita ko ang mga kaklasi kong mga babae na nasa labas at kinauusap ang mga iyun.
Napatingin naman sila sa akin at napakamot sa batok dahil kinukulit sila ng mga kababaihan.
Yung isa sa kanila ay parang naiirita dahil panay ang pa cute ng isa sa mga kaklasi ko.
Dumating naman yung guro namin na galit ang mukha dahil naabutan ba naman na nasa labas pa sila.
“Bakit nasa labas pa kayo na magsisimula na yung klasi?” sigaw nito sa amin.
“Ms. Garvin, may mga gwapo kasi sa labas ng room. Kaya talk talk muna since wala ka pa naman. Kung gusto mo pwede mo rin silang tingnan,” sagot ni Charice habang nakatayo.
Namula naman ang mukha nito at paniguradong galit na galit na. Habang ang mga kaklasi ko ay tumatawa except sa amin at sa ibang boys.
Lumabas si ma'am na nakapamewang kaya tumayo din ako at pinuntahan ang direction nila.
“Sorry for the inconvenience Ms. Garvin. It was for my security matter,” bigla kong sabi sa kanya at tumingin naman ito sa akin.
“Hindi sila pwede sa labas Ms. Villa,” she said in a serious voice.
“That was my husband's order, Ms. Garvin. What would you do if they wanted to stand outside the room? Would you let them in?” I asked her in a serious and authoritative voice.
YOU ARE READING
Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]
RomanceDahil sa isang prank call ni Cleah Jean Villa, isang dalagang iyon, ang lahat ng sinabi ng isang binata tungkol sa pagpapakasal at paghahanap sa kaniya ay biglang naging totoo. Sa kabila ng takot ni Cleah, hindi niya iniwasan ang mga pagbabagong ito...