Chapter 11: Worried

4.7K 127 6
                                    

CLEAH JEAN POV

Pagkapasok ko pa lang dito sa company, lahat ng tao dito ay nanginginig at grabe ang asikaso sa kanilang mga ginagawa. Aba ewan ko sa kanila kong bakit sila takot na takot.

Hindi ko na rin kasama sila Leah at Natasha kasi bumalik na sila sa kanilang mga ginagawa.

At ako naman ay agad din sumakay sa elevator at para makabalik na sa office ni hinayupak na si Dark.

*ting*

Kaya lumabas na ako kaagad at nagtungo sa opisina niya.

“Damn! Hanapin ninyo ang asawa ko kung hindi, itong baril ang papatay sa inyo!” galit nitong sigaw sa loob na rinig hanggang labas.

Grabe huh! Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob, madadatnan ko na lang bigla ang sigaw nito. Wews katakot ha?

Pumasok na ako sa loob ng opisina niya. Nadatnan ko ang mga naka men and black na nanginginig dahil sa takot. Nakita ko rin ang mga ibang kagamitan dito na nabasag. Agad kong isinara ang pinto na hindi lumilikha ng ingay para hindi nila ako mapansin at agad na lumakad ng dahan-dahan.

“Pasensya na boss pero hindi talaga namin nahanap ang asawa mo. Kanina pa namin iniikot lahat ng mga floor dito pero kahit ni isa walang may nakapansin,” nanginginig at nakayukong sagot ng isang lalaki.

Napangisi ako dahil kahit ni sino man ay walang may nakapansin sa akin. Ang galing mo talaga Cleah!

“Lumabas na kayo at baka mapatay ko pa kayo isa-isa!” malamig nitong sigaw sa mga tauhan niya.

Kaya dali-dali sila nagsialisan pero bago pa iyun ay natigilan silang lahat ng makita ako at sobrang gulat ang nakaukit sa kanilang mga mukha.

“Bakit hindi pa kayo umaalis?” sigaw ni Dark pero hindi siya sinagot at pinansin ng mga tauhan niya kaya sinundan niya ito ng tingin at nagulat din ito ng makita niya ako. Kaya napangisi ako sa kanya.

“Where have you been, wife? Alam mo ba na kanina pa kita hinahanap!” mariin nitong sabi sa akin habang papalapit sa gawi ko.

“Hindi ko alam at bakit? Sinabi ko ba na hanapin mo ako diba hindi ko naman sinabi,” mataray kong sagot sa kanya.

Nakalabas na din ang mga tauhan nito at tanging kami na lang dalawa ang naiwan sa opisina niya.

“Why you took so long? And you said na hindi ka lalabas ng company! Alam mo ba na sobra yung pag-aalala ko sayo?” singhal nito sa akin at ginulo ang kanyang buhok.

“Ano ba ang pakialam mo? Alam mo, napaparanoid ka lang,” sabi ko sa kanya at umirap.

“Asawa kita kaya makikialam ako! Paano kung napahamak ka sa labas at wala ako? You're my responsibility because I'm your husband,” sermon nito sa akin at napabuntong hininga.

“Hindi ba pweding lalabas lang ako? Napaka over reacting mo naman!” mataray kong sabi sa kanya.

“I'm not over reacting, wife! I'm just damn worried about you!” pikon nitong sabi sa akin.

Tingnan ninyo napipikon na po siya.

“Tsk! Bahala ka nga dyan!” sabi ko at nagtungo sa swivel chair para umupo.

Prank Call To The Mafia Lord [COMPLETED]Where stories live. Discover now