III

121 2 0
                                        

Ribbon


"Daddyyyyy!!" Sigaw ni Maria pagpasok namin ng bahay. Huminga ako ng malalim at pinag cross ang kamay sa dibdib.

"Princess" maligayang salubong naman ni Daddy at ganon din si Mommy na kalalabas lang sa kusina while daddy is watching TV series.


Yinakap ni Maria si Daddy at umupo sa tabi nito, agad namang naituon ang atensyon ni Daddy sakanya dahil paniguradong sinasabi na niya ang gusto niyang pagsali sa Band and Lyre ng school. Aakyat na sana ako ng tawagin ako ni Mommy.

"Veronica!"  Malambing na sabi ni Mommy, I stop walking when I heard her sweet voice.

Nilingon ko siya at nginitian, she's wearing an apron at nagpupunas ng kamay. "Halika anak, meryenda?" Alok ni mommy. I smiled bitterly, nilingon ko si Daddy at Maria and they are happy.


Nilingon ko si Mommy at sakto ang pagbalik ng tingin niya sakin galing kila daddy, mukang alam na niya ang nararamdaman ko. She smiled sweetly "I baked your favorite" she said and lumapit sakin.


Hinalikan ang noo ko at niyakap ako. "Smile, sweetheart" lambing ni Mommy bago ako hilain papunta sa kusina. Di ko na pinansin yung dalawa.


"Wow" sabi ko ng makita ang paborito kong choco crinkles ang binake ni mommy. Agad akong kumuha ng isa pero agad ding nabitawan dahil napaka init.

"Ouch" I murmur.


Agad lumapit si mommy sakin at hinawakan ang kamay ko "Oh my...are you hurt? Come on let me nurse you" aligagang sabi ni mommy pero bago pa niya ako hilain palabas ng kusina ay pinigilan ko na siya.


I smiled at her "Mom it's okay. Di naman dumudugo ....tsaka paso lang po ito" sabay ngiti sakanya.


"Are you sure?" marahan niyang tanong. Tumango ako. "All right" aniya at bumalik sa lamesa.


"Eto kasi ang kunin mo dahil kanina ko pa yan nabaked, yang isa kasi katatapos lang" pagpapaliwanag niya sabay bigay nung crinkles. Kinain ko yon at hindi ako nabigo, napaka sarap parin talaga.



"The best mommy" i kissed her cheeks. She smiled at me and give me juice.



"Wow! What's that sweet smell" pumasok si Matilda sa kusina, kagagaling sa school niya. She's in First year college, I think? Kasabay niya ay si Daddy at Maria.


"Dad!" Masayang bati ni Matilda. Tinignan ko lang sila bago nagkamot ng  batok. Really?



"Your school called me, Dean's Lister ka?" Sabi ni Daddy kay Matilda. Agad namang ngumiti ang isa. Nag iwas ako agad ng tingin.



"Congrats sweetheart" sabi ni mommy at nilapitan si Matilda at niyakap.


"Congrats Ate!" Sabi din ni Maria. And I was alone in the corner, trynna make myself busy eating with crinkles.



"Veronica!" Masayang bati ni Matilda. Tinignan ko siya at tinanguan. Lumapit siya sakin.



"Masarap ba to?"  tanong niya.

Tumango ako. Kumuha naman siya agad ng isa at kinain. "Hmmmm" mayamaya ay pumalakpak siya. "Mommy, sarap" sabay turo sa crinkles.


Tumawa si mommy at naghanda na ng inumin. Tahimik lang akong kumakain at umupo na silang lahat, si Alpha nalang ang wala.



"Asan si Alpha?" Tanong ni Daddy sa mababang boses.




"A-ah..male-late daw po siya saglit, magtetext nalang sa sundo" sabi ko habang hindi nakatingin sakanya.





Veronica (Montemayor Series #2)Stories to obsess over. Discover now