Nerd
I roll my eyes at my friends "Ew, di ko type"
Sabay kain ng chichirya na nasa harap ko. Break time and andito kami sa canteen na malapit sa soccer field. May practice ang soccer players ngayon at inaasar ako ng mga kaibigan ko sa Nerdy type na player. Like? Malinaw mata ko , 20/20 vision, pero pass talaga. Di naman ganyan type ko e.
"Haynako Veronica, Patapos na tayo ng Senior Year ano na ba plano mo?" Karvin asked. My gay friend.
Umupo ako ng maayos at sumeryoso.
"As usual, business" bored na sabi ko sabay kain ulit ng chips."Goal!!" Sigaw ng Soccer players. Napalingon tuloy kami lahat don. They even do weird dances.
Bumalik na ang mga kaibigan ko sa lamesa. "Hay, Science nanaman" bored na sabi naman ni JhonJhon my gay friend too.
"Ilan na ulit nakuha mo don nung huling quiz Veronica?" tanong ni Alyzah straight girl friend.
"13?" walang pake kong sagot at ininom ang juice ko, habang umiinom napansin kong nakatingin sakin yung nerd na soccer player. Binaba ko ang iniinom ko at tinitigan siya bigla siyang umiwas.
Wala ka pala e.
"Like omg?! Out of 30 yun ha" aniya sakin.
I shrug my shoulders "Like I care"
"Psst! Kapatid mo" sabi naman ni Rhea sakin kaya napalingon ako sa likod ko. Si Maria kasama ang nag iisa niyang kaibigan, Maezee ata pangalan.
"Ilang taon na nga ulit siya?" Tanong ni Rhea. Bumaling naman ako sakanila.
"I don't know? 15? 16?" Randomly guess.
"She's an excellent kid huh, academically while Alpha is good at MAPEH diba? Dancer e, under sakin yun lambot ng katawan." Sabi ni JhonJhon na leader ng Dance Group.
I rolled my eyes. I know right? Sila lang lagi nag e-excel. And I don't give any shit about their excellence.
"18 years old naman na tayong lahat e, why don't we go on a out of town?" Tanong ni Alyzah. Napaisip tuloy ako. Sabagay boring naman sa bahay e, lalo na at andun yung magaling kong ate.
"G!" sagot ko.
"Wow, papayagan ka?" natatawang tanong ni Karvin.
I smirk. "Who's good in escaping again?" Pagmamayabang ko.
Tumawa sila at umiling. "Fine, then we will plan this out maybe later? After class?" tanong ni Alyzah.
Sumang ayon naman ang lahat. Magkaka ibang strand kasi kami ako nga actually ang naiiba e, General Academic Strand. Si Karvin at Alyzah , HUMSS habang si JhonJhon at Rhea naman ay STEM.
Pagupo ko ay dinaldal ako agad ni Trevor, seatmate ko.
"Tara sugal ?" tanong niya at nakangising aso.
Sinamaan ko siya ng tingin. "May ubo ba utak mo? Anjan na yung teacher." Sabi ko.
"Osige ganto nalang, pusta ka sakin ako maglalaro." sabi niya.
"Ano bang laro yan?" tanong ko at umupo ng maayos habang nakatingin sa labas. Malapit lang kasi ako sa bintana.
"In between" sagot niya.
YOU ARE READING
Veronica (Montemayor Series #2)
Novela JuvenilI build my walls up and guarded my heart cause I'm tired of being the second best..but then you came. Sumugal ka sakin kahit walang sigurado pero isang beses ka lang natalo , umayaw ka na , matapos mo akong pahulugin at pasayahin? *Cover photo not...