VI

83 1 0
                                        

Hello, before anything else, I just want to clarify things out. If you already read the Series #1 (Matilda) you might read/notice that there is someone named 'MARTHA' in the chapter 1, she is the COUSIN of the Montemayor Sisters. I hope I can clarify it out. There will be also a separate story for her soon. ❤

ENJOY!--

---------------

Trouble

"Hoy gaga, balita ko last week may sumundo sayo sa pasugalan ni Mang Ashong ha" mapang asar na sabi ni JhonJhon.

Di ako umimik at umiling nalang. Tumawa lang naman sila.

"Pero infairness ang gwapo niya. Simula nung di na siya nag susuot ng eyeglasses, muka na siyang papable" tili ni Karvin.

Tuwang tuwa sila sa nasagap na balita. Tahimik lang ako habang nanunuod ng soccer game. Titig lang ako kay Phoenix habang naglalaro.

"At dito pa niya napiling kumain e dati gusto don sa mini forest area" mapang asar na sabi ni JhonJhon. Hindi ko sila pinapansin at nakatuon lamang ako kay Phoenix, pawis na pawis siya at hinawi ang buhok niyang basa sa pawis pataas. Bakit mukang habang tumatagal...mas...gumagwapo siya?

"Hoy Veronica!" Nagulat ako sa tumawag sakin.

"H-huh?"

Ngumisi silang lahat. "Wag masyado, baka matunaw" asar nila sakin. Kinuha ko ang juice ko at uminom.

Kinusilapan ko sila at lumingon ulit sa field. Pawis na pawis siya pero di ko inexpect ang sunod niyang ginawa. Nabilaukan pa ako sa nakita ko. He removed his freaking jersey shirt. Damn this freaking Phoenix nerd.

Naupo siya sa isang bench malapit sa field at nakipag usap sa team mates niya. Halos lahat sila naka topless but I don't know why my eyes fixed in him. I gaze on his face down to his.....oh....what an abs....six packs.

May nagpunas sa baba ko na ikinagulat ko, my friends are looking at me like a sick dog.

"Girl, hindi naman talaga halata" panunutya ni Rhea at naghagikgikan.

Pansin ko ang mga nagkumpulang mga babae aa isang hallway malapit sa area ng canteen and field. Hmm, they're looking out....sinundan ko ang tingin ng kanilang mata. Hindi ko alam kung bakit nainis ako. Ofcourse they will look at Phoenix body. I can't deny the fact that he is hot and handsome. But he is quite too good for me. So maybe I'll pass.

Umiling ako at nakinig sa kwentuhan ng kaibigan ko.

"Oo nga, ang alam ko single." Yun ang unang bungad ng babae pagpasok niya ng canteen, naglalakad sila papunta sa pag orderan ng food. Group of...i don't know.

"Phoenix right? Crush siya nung First year college na Accountant e, andito din yung accounting students ngayon dahil may ipre-present ata silang project sa Dean. " pag explain nung isa. Dumaan na sila sa table namin.

"Ayun nga o, kausap na siya nung Accounting Student" hagikgikan sila kaya naman napalingon ako sa field.

Kitang kita ko kung paano hawakan nung babae ang kanyang braso. Nakasuot na siya ng jersey niya at halatang tinutukso siya ng mga teammates niya.

Tumayo ako sa iritasyon. "Huy okay ka lang?" Nagaaalalang tanong nila sakin.

Hindi ko pinutol ang tingin ko sakanya. At nagpapicture pa talaga. Wow. Sana all. Eh ngumiti nga di ko siya makitang ganyan.

Pero teka. Eh ano naman ngayon? Bumalik ako sa upuan ko at di na umimik pa.

Pagpasok ko ng Classroom ay nilabas ko na ang laptop ko at nag ayos ng slides para sa presentation namin mamaya. Maya maya ay may naamoy akong manly scent hindu matapang at hindi rin masyadong masakit sa ilong. Sinundan ko ang bango na iyon at paglingon ko ay isang preskong Phoenix ang bumungad sakin.


Veronica (Montemayor Series #2)Where stories live. Discover now