Ps. Umiyak ako habang ginagawa to. I don't know why, medyo relate siguro? Anyways, comment lang ha? Mwa ENJOY!!!
******
Daddy's Girl
Hapon ng matapos ang klase ko. Inaantay ko na ang nga kapatid ko dahil anong oras na din dapat ay andito na sila nag aantay kasama ko.
"Asan na ba iyon?" Tanong ko sa sarili ko habang inaantay ang sundo. Maya maya pa ay dumating na din ito. Pagpasok ko sa loob ay tinanong ko agad ang driver.
"Manong, hindi ba nagmessage sayo yung dalawa?" I ask him.
"Ay nako hindi po mam" sabi niya. Agad kong tinawagan si Alpha kaya naman laking ginhawa ko ng sinagot niya.
"Alpha, where---"
"Hello Ate! Andito kami sa Quiapo ni Maria. Magpapahula kami" masigla niyang sabi sabay hagikhik.
Pero what? Quiapo? That was like a half an hour away sa school.
"What? Pano kayo nakapunta jan? Alpha malilintikan kayo saking dalawa. Asan kayo banda susunduin ko kayo!" Pagalit kong sabi
"Sige ate send ko yung address, sige ate ingat ka ha, tinext ko pala si mommy sabi ko kasama kita at si ate maria para di tayo pagalitan." She paused for a bit "--ay ate, sige na. Ako na yung huhulaan babye" sabay baba niya ng telepono.
Umiling ako nang makareceive ako ng message ay agad naming tinungo yung address na nakalagay.
Sumabay pa ang traffic sa highway. Ano ba naman to. Malas. Pagdating namin ay anong oras na.
Nadatnan ko silang nagpapahula si Maria at si Alpha naman ay nag titingin ng kung ano ano sa tabi.
"Alpha!" I called her. Agad siyang lumingon at ngumiti ng malapad.
Bumaba ako ng sasakyan at pinuntaha sila. Walang sabi sabi ay nilingon ko si Maria at hinila si Alpha ganon din si Maria papunta sa sasakyan. Anong oras na at naisipan pa kasi nila ang ganito. Papagalitan nanaman kami nito.
"Ayoko ng maulit ito ha. Pinapakaba niyo ako! Pano kung may mangyari sainyo ha? Alpha naman, stop believing on those hula-hula or whatever you call it just stop. Kaya nga hula, hindi siya 100% true. Are you really believing those hula?" I hysterically said. I let out a deep breath.
Nasa front seat ako dahil ayaw ko silang makasama sa likod at baka kung ano pang gawin ko.
Tahimik lang silang naka yuko. Maya maya pa ay nag ring ang phone ni Maria.
"Po?" Malambing niyang tanong mula sa kabilang linya.
Napapikit ako. Kapatid ko sila e. Ayokong may mangyari sakanilang masama.
"Opo, pauwi na manang. Pasensya na paki sabi kay mommy di na mauulit" aniya. "P-po? Si Daddy? Huh? Opo pauwi na kami...sige manang"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig si daddy. Nakauwi na siya ulit? At nalaman niya nanaman ba ito? Shit!
"Manong, pakibilisan po, nasa bahay na si Daddy, galit na daw po" halos maiyak na siya. Hindi ako umiimik pero bumibilos ang tibok ng puso ko.
Makalipas ang kalahating oras ay nakauwi na kami. Halos manginig ang tuhod ko sa bawat pag apak ko sa lupa. Takot at kaba ang naramdaman ko ng hawakan ang door knob ng front door.
Lumunok ako at huminga ng malalim bago binuksan ito. Tang ina ito na.
"Where have you been?!" Halos mabulabog ni daddy ang buong bahay sa lakas ng kanyang boses. Agad na yumakap sakin ang dalawa. Kung takot sila mas lalo na ako pero wala akong choice kundi ipagtanggol sila.
YOU ARE READING
Veronica (Montemayor Series #2)
Teen FictionI build my walls up and guarded my heart cause I'm tired of being the second best..but then you came. Sumugal ka sakin kahit walang sigurado pero isang beses ka lang natalo , umayaw ka na , matapos mo akong pahulugin at pasayahin? *Cover photo not...
