V

83 2 0
                                        


"Nuebe!!!" Sigaw ko pagkalapag ng baraha. Kinuha ko agad ang mga pusta nila. Huh, mapera na ulit ako.

"Ako naman ang mag shuffle ng cards" pag prisinta ko. Inayos ko iyon at shinuffle gaya ng ibang bangka.

"Hoy, cutting ka nanaman ha. Alam ba to ng mga kapatid mo?" tanong ng mga kalaro ko. Ngumisi ako at tinignan siy ng mapaglarong tingin.

"Bakit? Talo ka lang e" pang aasar ko. Nagtawanan naman sila.

Dinistribute ko na ang cards.

"Isa pa nga"

"Isa din ako"

Pininta ko ang card ko. Huh, 4 diamonds and 5 of hearts.

"Iisa pa kayo ha." Maangos kong sabi sabay lapag ng card ko sa lamesa.

"Aba veronica! Di ka manlang naman magpatalo. Grabe" usal ng isa. Di ako umimik at ngumiti nalang.

Kinalat ko ulit ang baraha. Pininta ko agad ang cards ko. Otso.

"Uy, hindi nuebe, pero goods" sabi ng isa. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Nginuya ko ng maayos ang chewing gum ko.

"Isang card pa nga"

"Ako din"

Habang nagpipinta sila ng card ay may kumalabit sakin. Nilingon ko yun at yung isang boy na nagbibillards ang tumabi sakin.

"Bakit? " tanong ko.

"Anjan yung kapatid mo. Hanap ka" sabi niya sabay turo sa bukana ng lugar.

"Maria.." mahinang usal ko. Binalik ko ang tingin ko sa lamesa at binaba ang cards ko.

"Oh, lapag niyo na" sabi ko. At ako parin ang pinaka mataas.

Binilang ko ang card at kulang na ito.
"Wala na. Misdeal" sabi ko at kinuha ko ang mga taya nila. Ngiwi at bigo ang kanilang muka. Umalis na ako at sinalubong si Maria.

"Bakit? Pano mo nalamang andito ako?" Tanong ko sa kapatid ko. Nakabackpack pa siya at nakatakip ng bibig at ilong gamit ang panyo.

"Ate, early dismissal namin" panimula niya "Wala si Ate Alpha di ko alam kung asan kaya nagtanong ako sa friends mo andito ka daw" sabi niya.

Hinila ko siya palayo sa mga nagyo-yosi. Pinaupo ko siya sa mga watcher's area. Alam niyang delikado dito e.

"Bat di mo nalang tinawagan ang driver natin para umuwi? Dito ka pa dumeretso" medyo pagalit ko ng tanong habang bumubulong dahil nakakahiya pag narinig kami.

"Eh ate, ayoko pa umuwi kasi. Wala akong kasama" sabi niya. Huminga ako ng malalim.

"Sige dito ka lang. Mag last game lang ako" pagpapaalam ko, tumango naman siya. May kinalabit akong boy para pakiusapan na bantayan ang kapatid ko.

Pero kung minamalas ka nga naman talaga. At nag away pa kami ni Matilda. Bat ba kasi nakita niya pa kami dito.

"Oh Master, badtrip yan?"

Umiling nalang ako at di na nagsalita pa. Tuloy lang ang kasiyahan ko sa paglalaro ng cards. Tuloy tuloy ang panalo.

"Hoy Veronica, aba , tuloy tuloy ha. Tumigil ka na nga" usal nila. Tinawanan ko nalang sila.


Habang nag shu-shuffle ang cards, nagulat nalang ako ng may naupo sa tabi ko at umakbay sakin. Kinuha ko ang card ko bago nilingon ang tumabi sakin.


Tinaasan ko ng kilay. Bakit andito itong hayop na to? Pagalit kong inalis ang akbay niya pero binalik niya ulit. Naka dekwatro pa siya at kinuha ang card ko at dali dali niya itong nilapag sa table.



Veronica (Montemayor Series #2)Where stories live. Discover now