Chapter 14

33 8 0
                                    


Chapter 14

Nilingon ko si Storm nang magsalita siya. Nakatingala lang siya habang may maliit na ngiti sa kaniyang labi. "I'll never forget this day."

Ngumiti ako at tumingala na rin sa kalangitan. "Why are you doing this?" Prangka kong tanong. Ramdam kong napalingon siya sa akin ngunit pinanatili ko ang tingin ko sa kalangitan.

Halos isang minuto ang namutawi sa aming dalawa bago siya nagsalita.

"If it isn't clear to you that I like you, then I think I have to say it out loud." Napalingon ako sa kaniya at agad na nagtama ang tingin naming dalawa. "It's been 8 years, but my heart still screams for your name."

Kumunot ang noo ko sa narinig. "Ngayon lang tayo nagkakilala!"

He gave me a boyish grin. "I was 16 when I first saw you sa isang bakeshop. Remember the time when you fought for a girl who were catcalled by a group of men? I was there. I was about to help her but you came. From that moment, I was really astounded and all I did was to watch you and those guys we're obviously outwitted by you."

Naalala ko iyong araw na iyon. Noon pa man ay mahilig na si mama sa mga matatamis na pagkain so before going home, dumadaan muna ako sa pinakamalapit na bakeshop upang bilhan si mama ng pasalubong pauwi. Ginagamit ko ang baon ko because I don't usually buy foods from the cafeteria and I have my own food for lunch so talagang nakakatipid ako. Madalas kasi ay naglalakad lang ako pauwi dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin. So one time, there was this girl who's looking hopeless and she was crying dahil malamang sino ba ang hindi maiiyak kapag may mga nakapalibot sayong grupo ng mga barumbadong lalaki? My father taught me that women should fight for what is right. Hindi ako nag-alinlangang lumapit sa babae noong oras na iyon para matulungan siya.

I was obviously left dumbfounded. I feel like Storm is just fooling me.

Umupo si Storm at deretsong tumitig sa mga mata ko. "It's you that I like, Beau. I don't think I can still fall for someone. I am drowned and even if I know how to swim, I'd choose to sink and go deeper for as long as it's you. Ikaw lang ang dagat na gusto kong languyin hanggang sa mapagod ako at tuluyan nang malunod. Ikaw lang ang hahayaan kong tumangay sa akin. I'd willingly choose to dive deeper and explore the depth of your unsaid thought and questions."

Napalunok ako sa narinig. I was overwhelmed and I couldn't even grasp my thoughts.

"In case that you do not know, I've been courting you, Beau." Dagdag pa niya at sa puntong iyon ay sinamaan ko na siya ng tingin.

"Who gave you the permission to court me?" Taas kilay kong tanong. He chuckled once again kaya kagat-labi akong nag-iwas ng tingin. This guy! I figured that he's not a cold hearted person. Siguro ay dahil lang iyon sa mga mata at tingin niya at sa pagiging tahimik niya 'pag kasama niya ang mga kaibigan at pinsan niya.

"No one. Kaya nga ininform kita eh. So that you're aware."

Umirap ako habang pinipilit na itago ang pagngiti ko. Mabuti na nga lang ay magaling ako sa larangang ito. "Kapal mo."

"It's getting late. Tara na at ihahatid na kita." He gave me a small smile. Tumayo na siya at naglahad ng kamay sa akin ngunit tinitigan ko lang iyon at tumayo ako sa sarili kong paa. Inirapan niya ako kaya hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Inayos namin ang mga nagulo namin doon at siya na rin ang naglagay ng mga nagamit namin sa pagpipinta sa paper bag na kinalalagyan nito kanina.

Sabay kaming naglakad pabalik sa sasakyan niya at dala-dala ko ang canvas na pinintahan ko. Kanina ko pa siya kinukulit na ipakita sa akin ang gawa niya ngunit iniiwas niya lang ito mula sa akin. Actually, hindi pa rin ako nakakapaniwala sa nalaman at narinig ko kanina but I am just trying to compose myself para ipakita sa kaniyang hindi ako apektado sa mga nalaman ko.

Beyond the Raging StormWhere stories live. Discover now