Chapter 9

52 8 0
                                    

Chapter 9

"It would be better if we group ourselves into two para mas mapadali ang paghahanap natin. I'll go with Tash." Athena suggested. I nodded my head as a sign of agreement. Nagkibit balikat naman si Fier.

"Sure. Then I'll go with Storm." Fier said. Umamba siyang tatalikod na ngunit biglang nagsalita si Storm kaya agad siyang napahinto.

"I'll go with Beau and you'll go with Athena." He said, eyeing his cousin. "It's better this way. Kung magsasama si Beau and Athena, baka hindi nila mabalance ang bigat ng materials na mahahanap nila. I have guts that the materials are either woods, bamboos and coconut leaves. Anyway, let's get going." He explained. Napatingin ako sa namumulang si Athena at agad ko siyang nginisian.

Sabay na umalis si Fier at Athena at dumeretso sila sa bahagi ng maliit na amphitheatre ng campsite na ito. Kairus pointed the direction towards that earlier.

Nagsimula na akong maglakad at ramdam ko namang nakasunod lang si Storm sa likod ko. Balak kong bumaba papunta sa batis dahil may nakita akong mga pulang flag kanina habang pinagmamasdan ko ang tanawin mula dito sa taas.

"Are we going down?" Storm asked when he noticed that we're heading towards that direction.

"Obviously. Is it fine with you?" I asked. Ngayon ko lang rin napansin na naabutan niya na ang paglalakad ko kaya nakasabay na kami ngayon.

"Sure thing." He coldly said without glancing at me. Kung hindi ko lang siya kilala ay iisipin ko nang may hinanakit siya sa akin o 'di kaya nama'y ayaw niya akong makasama because of his cold ass. Well, at least he's treating me right. Subukan niya lang.

"You going down?" Kairus asked. Nasa gilid kasi siya ng hagdan pababa kaya talagang mapapansin niya kami. Tumango naman ako. "Good idea. Want me to accompany you?" He asked, staring right into my eyes. Before I could even utter a word, may humawak na sa kamay ko kaya napatingin ako doon.

"She's obviously with me. Let's go, Beau." Napaangat ang tingin ko kay Storm nang marahan niya akong hinila kaya nagpatianod na ako sa kaniya. Hindi ko na rin nagawang lingunin pa si Fier dahil masyado akong nadistract sa kamay ni Storm na nakahawak sa kamay ko.

"Storm." I tried to call his name. Nilingon niya ako gamit ang nagtatanong niyang ekspresyon. "My hand." I awkwardly said. Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay at ilang segundong katahimikan pa ang namutawi sa aming dalawa bago niya binitawan ang kamay ko. Tahimik naman kaming nagpatuloy sa paglalakad pababa.

"Maybe 10 years from now, this place will be one of the center of attraction for tourists." Biglang sabi ko. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong magsalita habang nililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng campsite. It's like I'm in a world of fairy tale, kulang na nga lang ay may magpakitang diwata dito out of nowhere eh.

"You like it here?" He asked.

Tumango-tango naman ako bilang sagot sa naging tanong niya. "I mean, who wouldn't, right? This is literally a perfect place to rest while watching the sun as it rise and sets. And look at the vicinity!" I said, pointing at the surroundings. "Malinis, maaliwalas at tahimik. Ang sarap tuloy manirahan dito." I was all smiles. I just couldn't contain my happiness and excitement.

I once again roamed my eyes. Medyo makipot ang daan pababa kaya sa tingin ko'y nasa dalawang tao lamang ang pwedeng magkasya kung sasabay sila sa paglalakad pababa. Gawa lamang sa semento ang mga baitang ng hagdang ito. May hawakan rin sa magkabilang gilid na gawa sa kahoy at pinapaikutan ang hambang ito ng isang uri ng vines. Tingin ko'y nilagay lamang nila ito upang mas makadagdag sa ambiance ng lugar.

Tila isa itong daan pababa sa gitna ng mga naglalakihang puno at mga bulaklak na nagkalat sa magkabilaang gilid. May mga nakita pa akong iba't-ibang kulay na bulaklak na hindi naman pangkaraniwan sa mga nakikita kong bulaklak.

Beyond the Raging StormWhere stories live. Discover now