Chapter 12

38 9 0
                                    


Chapter 12

After what Storm said that night, wala nang nagsalita sa aming dalawa. Sinabihan pa ako ni Storm na sila na lang ang maghahatid sa akin ngunit tumanggi lang ako. Sinundan pa rin naman nila ako hanggang sa tuluyan na akong makauwi.

Napapikit ako sa inis at nagpagulong-gulong sa kama. Pasado alas dose na ng umaga at ilang oras na lang ay magsisimula na ang event ngunit heto pa rin ako at dilat na dilat. I can't sleep! Hindi mawala sa isipan ko ang nakita kong wallpaper ni Storm.

I unlocked his phone and good thing because he doesn't have a password. Dapat ay ang phonebooks na ang pipindutin ko ngunit napatigil ako nang makita ang home screen niya. It was taken on the campsite at nakatutok ang camera sa sunset na malaya mong makikita sa mismong site na pinatayuan namin ng mga shelter. But that's not the case, may babaeng nakatalikod sa camera na nakaupo sa malaking bato habang nakatanaw sa magandang tanawin na inilikha ng Diyos.

I can't be wrong! I was the girl in that picture! Suot ko pa nga doon ang shirt na bigay sa akin ni papa at naka ponytail pa ang wavy kong buhok doon. I don't know, it should have been a coincidence, right? I just couldn't stop thinking because of all the angles that he could capture that scenery, bakit iyong naroon pa ako?

Kumunot ang noo ko sa kakaisip. Dapat ay mahimbing na akong natutulog ngayon! Ayaw ko namang magmukhang sabog sa araw ng pageant but I just can't put myself to sleep. Pilit kong nilibang ang sarili ko hanggang sa hindi ko na alam kung anong oras akong nakatulog.

Kunot noong tinitigan ako ni mama habang umiinom ako ng gatas. Kakagising ko lang and we're currently having our breakfast. "You looked stressed out. Are you nervous?"

"Yes?" Patanong na sagot ko. "I don't know. This is my first time so it should be normal, right?"

"Don't worry, babe. It's either you'll win or you'll learn. I know you. You have an overflowing confidence which you should consider as your strength. I believe in you." At sa simpleng mga salita lang ni mama ay napanatag na ako. She's really my mom.

Mabuti na lang din at nawala na rin sa isip ko ang home screen ni Storm dahil naging abala rin ako sa pag-aayos. It's already 6:30 in the morning and by 9 am ay dapat nasa school na kami. The event will start at 10:30 which only means that we have an hour and a half to prepare. Dala-dala ang mga gamit at mga damit na susuotin ko ay umalis kami ng bahay eksaktong alas syete y medya. It's better to be early. Besides, pwede na raw kaming mag-ayos at 8 and nasa sa amin na iyon kung pupunta kami ng school na naka make up na o doon mismo na lang kami maghahanda.

It was Sieanne who told us na doon na lang kami mag-ayos para isang bagsakan na lang daw. She also texted me and said that they are already waiting in the backstage.

"Let me help you, tita." Sinundo kami ni Jax at Johaness sa parking area because they know that we're carrying a lot of stuffs. Nagpasalamat naman ako at dumeretso na kami sa covered gymnasium because doon gaganapin ang event. Nang makapasok kami sa backstage ay hindi na ako nagulat nang makitang ako pa lang ang contestant na naroon. Lumipad ang tingin k okay Sieanne na nasa dulong bahagi at may kasama siyang matangkad at magandang babae. Kung hindi lang ako nasabihan ni Sieanne na bakla si Frey ay hindi ko maiisip na lalaki siya noong ipinanganak siya.

"You're tall and dazzling! Papasa at sisikat ka sa modelling industry!" Puna niya sa akin matapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa. Ngumisi lang ako sa kaniya at nagpasalamat.

"I'm meant for construction sites, not for a runway." Ulit ko sa naging sagot ko rin kay Sieanne kaya nagtawanan silang tatlo.

Nagsimula na si Frey sa make up ko dahil alas otso na rin. May dala silang mini fan at sapat na ito para hindi malusaw ang ilalagay niya sa mukha ko. Nagsimula na ring magsidatingan ang ibang mga contestant at halos lahat sila ay napapalingon sa gawi namin because of Sieanne's presence. Lumabas na rin muna si mama dahil dalawang tao lang ang maaaring makapasok sa backstage. Although malawak naman ang espasyo dito ay iyon ang ipinatupad na rules kaya dapat namin itong sundin.

Beyond the Raging StormWhere stories live. Discover now