Chapter 1

72 12 0
                                    

Chapter 1

Unti-unting nandilim ang paningin ko at hindi ko alam kung ilusyon lang ba ang naririnig ko ngunit hindi ako pwedeng magkamali! May narinig ako na chopper na paparating! Nanliit ang mga nanlalabong mata ko ngunit bago ako tuluyang kainin ng dilim ay sigurado akong may nakita akong chopper na paparating sa kinaroroonan ko.

"Lake..." I said before everything went black.


"Lake... Lake someone's after me! I need your help. I need you, Lake." I said habang sinisiksik ko ang katawan ko sa loob ng napakabahong basurahan. I have no choice. I couldn't even think straight. Lake, sana ako naman ang piliin mo ngayon.

"Putangina, ang bobo mo! Papaanong nakatakas pa ang babaeng iyon? Napaka inutil niyo!" Pigil hininga akong nakikinig sa mga taong humahabol sa akin. Sinigurado ko na hindi ako makakagawa ng kahit anumang ingay o galaw na magdadala sa akin sa kapahamakan.

"Boss, nasa sa atin na rin naman ang gamit nung babaeng 'yon. Tingnan mo oh, libo-libo ang laman ng wallet niya? Pang isang lingo na natin 'to, boss!"

"Bobo! Inutil! Paano kung magsumbong iyon sa pulis? Nakita niya ang mga itsura natin!" Sigurado akong nagngingitngit na sa galit ang tinatawag nung lalake na boss.

"Sinisigurado ko sayo, boss. 'Di magsusumbong 'yon."

Mahigit isang minuto rin silang tumahimik at tanging ang mabibigat na paghinga lamang nung boss nila ang naririnig ko.

"Putangina, bahala na! Tara na nga at baka may makakita pa sa atin." Rinig ko ang yabag ng paa nila na papalayo sa kinaroroonan ko. Gayunpaman, hindi pa rin ako gumalaw o gumawa ng kung anumang ingay.

"Lake..."


"Hey, wake up!" Ramdam ko ang marahang pagyugyog ng braso ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad namang nanliit ang mata ko nang matamaan ito ng sinag ng araw. Nang maka adjust ay napaupo ako sa kinahihigaan ko at marahang hinilot ang sentido ko.

"You're having a bad dream. Here, take this." Napatingin ako sa gilid ko nang may marinig akong nagsalita. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko na ngayon ay may hawak hawak na basong naglalaman ng tubig. Hindi ko ito kinuha at tinitigan ko lamang siya, naghihintay ng eksplenasyon kung sino siya at bakit ako nandito. Mukhang nakuha naman siya sa tingin.

"Take this first." Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba sa kaniya ang baso ng tubig. Ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko ngunit paano kung may nilagay siyang lason diyan habang natutulog ako?

"Walang lason yan. If you want, I'll get a sealed bottle water to make sure that I'll not harm you."

"Yes, please. Thank you." I answered. Tumayo naman siya at agad na tinungo ang pintuan. Inikot ko ang paningin ko sa kwarto at talagang nagulat ako nang makita ang kabuoan ng buong kwarto. Kwarto pa ba 'to? For Pete's sake, kasing laki na nito ang isang convention room! I'd rate the rooms interior as 11 out of 10. The room may look plain for some but if you'd just observe and look clearly, mapapasabi ka na lang ng 'tangina, ang gagara ng mga gamit!'

The king size bed kung saan ako ngayon nakaupo ay nakapwesto sa kaliwang bahagi ng kwarto mula sa kinauupuan ko. May malaking glass window rin sa kaliwang bahagi ko at ngayon ay nakikita ko na ang pagsibol ng haring araw dahil bahagyang nakabukas ang makapal na kurtina nito na siyang nagbibigay daan upang makapasok ang sinag ng araw sa kwarto. Batid kong elevated ang kinatatayuan ng kama at sa kanang bahagi ko nama'y ang hagdan na sa tingin ko ay nasa mga apat na baitang. Katapat naman ng kamang kinauupuan ko ay ang isang napakalaking flat screen tv na maayos na nakapatong sa isang magarang plywood at ilang dangkal lamang pababa ay makikita mo na ang cabinet na naglalaman ng mga dvd at mga console games.

Beyond the Raging StormWhere stories live. Discover now